Siguro si Crystal na naman ang iniisip niya. Tsk.
Bigla siyang lumingon sa akin kaya binaba ko ang tingin ko sa spaghetti ko.
Ang daming gumuglo sa isipan ko ngayon. Hindi ko tuloy alam kung anong dapat gawin o maramdaman.
"Sorry.."kumunot ang noo ko sa narinig ko at lumingon sa kanya.
Nakayuko siya at nakatingin sa inumin niya."Sorry sa inasal ko last time...magulo lang ang utak ko that time."
"It rhyme.."I said absentmindedly
"Ha?"
"Ha?"
Binigyan niya ako ng poker face look at pinitik ang noo ko."Wag ka ngang lutang!"
"Aray! Masakit yun ah!"sabay himas sa noo ko. Ang sakit niyang pumitik!
"Wag ka ngang magpout. Para kang bata."
"Che! Masakit kasi! Pag ito namula lagot ka talaga sa akin!"sabay pakita ng kamao ko sa kanya."Ito?! Lalanding talaga to sa mukha mo!"
"Wow. Takot ako."Sabi niya with a deadpan look kaya hinampas ko sa braso ---"Hoy! Umayos ka nga!" --- pero nakaiwas siya."Ang kulit mo."
"Babawi ako mamaya. Maghintay ka lang. Hmpf!"sabay snob sa kanya at inom sa juice ko.
"So? Bati na tayo?"
"Libre mo muna ako."and stuck out my tongue.
"Abusada."he wisphered.
At ganun nga, bati na kaming dalawa.
Palihim akong napangiti sa pagsorry niya. Alam ko kasing once in a blue moon lang yun.
***
Buong maghapon kaming magkasama at nag-asaran ni Antonio. Hindi kasi kami magkasundo kung saan pupunta. Ayaw pa kasi niya akong samahan magpaputol ng buhok, asar.
Around 6pm na kami nakauwi.
"Halos mamulubi ako sayo."sabay pitik na naman ng noo ko.
"Nakakarami ka na ha!"
Tinawanan niya lang ako at saka nagpaalam. Napatulala ako sa tawa niya at heto na naman yung kabog sa dibdib.
Una na akong pumasok sa loob ng bahay kahit di pa siya nakakalayo. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng parang hiya.
Hinawakan ko ang pisngi ko."Bakit ang lamig ng mga kamay ko? O mainit ang mukha ko? AISH!!"
*pak.pak.pak*
Sinampal sampal ko ang mukha ko."Umayos ka nga, Lu! Matulog ka na."sabay martsa papasok sa bahay.
***
Natapos na ako maghalf-bath ng tumunog ang phone ko. Text galing kay Antonio.
From: Antonio
Next time, ikaw na manlibre.
Night....:)
Next time?
May next time pa?!!
----to be continue...
YOU ARE READING
Twisted Red String (completed)
Teen FictionIt's a story about how Fate pushed them together to be an enemy to each other, to be friends, to fall in love, to be hurt and to fall in love again but Fate likes to play in their life....letting her fall in love with her guy best friend while she's...
Red #16
Start from the beginning
