Si Darwin.

Aalis na sana ako agad para hindi niya ako mapansin pero nakita na niya ako. Akmang lalapit na sana siya pero napahinto siya ng akbayan ako ni Antonio.

"Ililibre kita ng kahit ano basta bati na tayo, baby..."paglalambing niya sa akin."Please?"sabay tango ng mahina sa direksyon ni Darwin.

Alam niyang wala akong magagawa dahil andyan si Darwin. Nakakainis naman! Lagot talaga sila ni Josh sa akin!

Sinamaan ko lang siya ng tingin at inisnob ko siya sabay pout."Fine! Basta walang reklamo sa ipapalibre ko!"

"Oo naman!"sabay halik sa pisngi ko. Napahawak ako sa pisngi ko at tulalang tinignan siya."Oh? Bat namumula ka?"inosenteng tanong niya kaya umiwas na lang ako ng tingin at unang naglakad.

"Hoy! Baby ko!"sigaw niya kaya feeling ko over heat na mukha ko.

Leche!! Ano na naman bang ginagawa ni Antonio!

***

"Ang dami naman!"reklamo niya ng sabihin ko lahat ng gusto kong kainin.

"Bakit? May reklamo ka? Baby ko?"Sarcastic kong sinabi yung salitang baby ko sabay snob sa kanya."Bahala sayong mabutas ang bulsa mo!"

Naghanap na ako ng makakainan namin sa McDo at nung may nahanap ako agad naman akong umupo at naghintay sa kanya.

Tinignan ko ang phone ko at may text. Galing kay Josh.

From: Josh

Sorry talaga kung hindi ako nakapunta..nagkaemergency kasi sa bahay >.<
Babawi ako next time! Sa ngayon magdate muna kayo ni Frost ;)

Ingat kayo! :*

Hindi ko alam kung maiinis ako o hindi kay Josh. Oo, may valid reason siya pero sa lahat ba naman ng ipapapunta niya si Antonio pa talaga?! Alam naman niyang hindi kami bati nito!

"Oh? Nakasimangot ka na naman, pancake."tapos na pala siyang mag-order at nilalagay na niya yung mga pagkain sa lamesa. Agad ko naman inayos yung mga pagkain saka siya umupo sa lamesa."You're welcome, madam."rinig ko yung sarcasm sa boses niya.

I just rolled my eyes at grab a bite."Shut up. Di tayo bati."inis kong sagot.

"Ang dami ko ng inorder para sayo, di pa rin tayo bati?"

"Hindi ako nakukuha sa pagkain, Antonio."I said as a matter of fact.

Hindi na siya nagsalita pero narinig ko siyang bumuntong hininga. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko at ganun din siya. Tahimik lang kami.

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa labas habang ngumunguya at hawak ang burger niya. Parang may iniisip siya.

Twisted Red String (completed)Where stories live. Discover now