Ayun alam lang nila Daddy ko talaga sya. As in asawa ni Mama kaya pala daw matangkad ako at matangos pero we let them think what they want.

{After a month and two, susunod ako. Marami pang kailangang gawin e.}

Pinabasa ko yun kay Daddy. Message kasi yun ni Papa at nag sign language sya na ‘I am excited for us four to be together again.’

“Nak, pwede ba imessage ko si Papa mo?” tanong ni Mama. Binigay ko naman sa kanya yung phone ko. “Hindi nak, dapat hindi mo mababasa. Surprise to e.” sabi ni Mama.

“Surprise my ass. Sge lang imessage mo lang tapos idelete mo pagkatapos.”

“Pero nak may recycle bin yung Gmail diba?” nagulat naman ako kase hindi naman Techy si mama so pano nya yun nalaman?

“Eto yung recycle bin Ma, o.” then I showed her how to remove it without a trace. Due to respect, inunable ko muna yung phone trash bin ko para di ako ma curious ano yung imemessage ni Mama kay Papa.

Naipakita na ni Daddy lahat ng paint nya at sabi nya naisold nya daw yung 11 portraits ko sa NYGallery. Alam kaya nila na ako yun? HAHA.

Naalala ko ang Prinsesa ko. Matutuwa sya dito.

Pero gamit parin ni Mama yung phone. Parang namumrublema pa.

“Any problem, Ma?”

“Naku nak. Focus ka jan. Magagamay ko rin tong phone mo.”

“Sge Ma. Ingat ka nakakaligaw yan.” Samsung edge lang naman yun kaya magagamay rin ni Mama yun kaso parang hindi naman yung pagka ligaw yung pinoproblema nya.

Kinalabit ako ni Papa at pinakita yung isang bag na Chocolates “WOOOOOWWWWWWWW!!” eto nanaman ako. Parang Bata.

-

Jan’s Pov

After weeks, nakuha ng team yung 1% na hinihingi ko. Kahit pa sa 21 departments na meron ang kompanya, my team got the lowest increase of sale, they still have my promise.

Almost 30 employees excluding Sir Danny, including Drake and Wyndyland, nilibre ko sila sa Carlito’s Grill. Lumakas kase yung ulan kaya hindi na kami nakalayo.

Syempre, hindi ako kumain. Pinapanood ko lang silang nakaupo sa mahabang hapag na punong-puno ng pagkain. Syempre, grilled lahat paired with bumabahang beer and eggnog at syempre, hindi mawawala ang Karaoke. Ang nagawa ko nalang na mejo ikinatuwa nila is, I joined them in the table.

I seated. Malaking sakripisyo nato, men.

Pero, mag isa lang ako sa bottom position and enjoyed watching them. Abusado na kung tatabihan pa nila ako.

“Krull!” napatayo ako nung marinig ko na sumigaw si Drake, announcing Krull’s coming. I was so amazed on how she manage to be so cool just walking. I mean, nakasuot sya ng vneck tee topped with black motorcyle denim 3/4. Yung jeans nya rin is dark and fitted tas naka snap back pa. God. She’s so cool.

“You made it, man.” tinapik sya ni Drake na parang mag-kumpare sila saka lang tumingin sakin at ngumiti. SHIT.

“I will never turn down freebies.” sabi nya. “Lalo na kung kay General Manager Tan galing.”

“Here.” Wyn offered a beer. Malaking baso ng beer. I was secretly happy when she declined. Ayoko sa mga umiinom. Syempre maliban sa wine since may magandang epekto naman sa katawan yun—saka kay Kieffer. Love that guy.

Nagkakasayahan na ng sobra when I keep on glancing at Krull. Ang cool nya talaga. She’s so pretty too. Hays. Sana lalaki ka nalang.

Nalasing na yata yung iba kasi pinipilit na nila si Krull uminom. Nung no choice sya kinuha nya yung eggnog. Lumayo ako ng tingin kase mejo ineexpect ko na titingin sya.

Between You & I (GxG)Where stories live. Discover now