K-R-U-L-L

9.3K 80 6
                                    

KRULL’s PoV

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

KRULL’s PoV

“Grabe naman singilan mo manong. Diba masyado ka nang buhakaw?” angal ko na may halong irritated tantrums habang nakikipag negosyohan ako sa taxi driver dito sa tapat ng Pearl Bank Makati. Anak ng tupa naman kasing jeepney boycott ‘to. Ang lakas maka pulubi ng mga hinayupak na taxi driver. Lalabas lang ako pa Ayala Station ng madalian, gabundok na singilin agad babayaran ko jusko!

“Huling tawad na ‘to miss. Maraming pasahero jan na willing magbayad ng metro ko.” ma angas na sagot ni manong driver. Hindi ko maiwasang ma amaze (sarcastically) sa confidence ni manong. Nag hawi nalang ako ng depressed kong bangs as I watch his cab riding out my place.

Jusko anong oras na!

Walang tricycle manlang o padyak (as if) >,<

Maya maya nag-ring na yung phone ko. Napalundag nalang ako nung makita ko yung pangalan ni Engr. Danny sa screen.

I am all waterworks and out my own self when I crossed the pedestrian, hurrying while looking at my phone. “Kuyaaaa kailangan ko ng taxi parang awa!” nagpapanic kong sabi sa traffic in forcer. Nag panic rin sya, kala nya siguro emergency ako. Emergency naman talaga kaso hindi sa point na inaakala nya. Nakatingin sya sa tiyan ko habang inaalalayan ako.

“Tawag nako ng ambulansya ma’am?”

I liked the suggestion.

“Magkano bayad pa Ayala Station sa ambulansya manong?”

O.o

Napatunganga lang sya sakin.

“50-50?” napailing sya at mas lalo naman nag ingay yung phone ko na parang minumura nako. With my eyes closed, I swipe the button rightward.

“KRULL!” and that was the loudest version of my name naka beat sa record ng Mama ko.

“Sir may strike—”

“I am telling you Krull, I am done within a minute. Pag na question ni Director Tan yang liquidation na yan, you’re fired!”

“Wala po talaga akong masakyan—”

“Then the talk is over. Earn your choice.” after that, ibinaba ni Sir Danny yung phone. Nung wala parin akong makitang sasakyan, napa buntong hininga nalang ako at naghanap nalang ng hiring notice around the area.

Jusko.

Kasalanan ‘to ng lecheng liquidation nato. Baket kase hindi nalang sa email? Hindi ba alam ni Director Tan how the computer works?

Sigh.

Lord. At least bigyan mo nalang ako ng matinu-tinong trabaho after this. Huhuhu :'(

My phone vibrates once again before the ring tone followed. I absentmindedly answered it matapos kong tanggapin sa sarili ko na ang office worker na Krull can’t answer the phone now. Why? ‘cause she’s dead. “O.” tinatamad kong sagot habang naglalakad pabalik ng Pearl Bank building.

Between You & I (GxG)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें