Her family and friends

2.1K 67 12
                                    

Krull’s pov

Haluh. Bakit kaya nagalet yun Jusko.

You can’t send message to this person right now.

You can’t send message to this person right now.

You can’t send message to this person right now.

OH MY GOD. BINLOCK NYA LAHAT TT.TT

Nag panic na ako nung lahat ng ‘My Life’ na name, hindi ko masendan kahit simpleng sms lang.

“Maaaaa binlock ako ni Janhaaaaae!” nagising ko si Mama sa pagkakatulog. Nagulat rin kasi sya at napamura pa.

“Baket ano ginawa mo?” naiiritang tanung ni Mama.

“Pinakita ko lang naman yung ulam naten!!”
(;′⌒')

“Anak naman kase diba takot sa hayop yun?”

Oo nga no.

Tumingin ako sa orasan 12midnight na pala at umuulan pa.

“Ma may payong ba tayo?” tanong ko habang dumudungaw dungaw sa bintana.

“Wala na nak. Nasira ni kuya Drake mo e. Bukas, ibibili kita.”

“Ma di ko na kailangan yun bukas.” sabi ko sabay kuha sa bag ko na may lamang wallet at phone. Binuksan ko yung wallet at nandun yung dalawang foil ng condom na lagi kong dala dala.

Para laging safe kailangan ko to. Mahirap na. Syempre yung ‘King size’ na brand yung gamit ko kase kapag iba onting yugyug lang nasisira agad.

“Tama yan anak. Condom para di makatagos.” sabi ni mama at nag nod naman ako.

Binuksan ko yung condom gamit yung ngipin ko at inunroll yung rubber. Since transparent ito mas maganda.

Kinuha ko yung phone ko at inistrech ko yung condom at inilagay yung phone ko sa loob. Nung tapus na, binuhol ko magkabilang dulo at pinutol. Safe na phone ko. Di na tatagusan ng tubig parang screen protector pa.

“San ka ba pupunta dis-oras na ng gabi umuulan pa?” tanong ni Mama.

“Di ako makakatulog pag galit sakin si Janhae. Dapat kasi di nalang tayo nag uulam ng hayop ma e. Let’s consider the healthy vegetarian life ha. Simula bukas.”

“Sige nak. Ingat ka.” at tinakpan ko yung ulo ko ng kamay ko saka ako sumugod sa ulan. Wala pa akong 10 segundo sa labas basa na lahat pati undies ko.

Nako sana makapara agad ng Taxi. Malayu layo ang Greenhills.

Nakapara ako ng isa and for the first time hindi nako nakipag argue sa metro nya. Kailangan ko makapunta sa Reyna ko T.T

Bumakat agad yung katawan ko sa taxi pagsakay ko palang at nagsorry nalang ako pati nagdaddag narin ng bayad. Bumaba ako at eto na, sa harap ng building ni Janhae, mas lalo pa akong nabasa.

Bahala na.

Pumasok ako at hinarang pako ng guards kala siguro pulubi na makikisilong. Pinakita ko yung card ni Janhae at hinayaan nalang nila ako. Sa elevator, nangangatug na buong katawan ko parang nahihilo pako ><

Nung narating ko tapat ng unit nya, dinoorbell ko agad ng maraming beses.

Pagbukas nya, pupungas pungas pa sya at syempre SOBRANG GANDA NYA SA OVERSIZED SHIRT TAS HALOS INVISIBLE SHORT SHORTS. SEXY HUTA.

Napamulat sya nung maayos na nyang nakilala yung figure ko. “K-Ku—KRULL?!”

“Sorry na Janhae. Remove the block please.” 1st time ko ulit sya makita ng personal after the burial tas sa gantong paraan pa.

Between You & I (GxG)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora