CHAPTER NINE

4.6K 103 1
                                    


CHAPTER NINE

PABALING-BALING sa higaan niya si Tiel at hindi siya mapakali. Nasa isip pa din niya si Jin at nababagabag siya sa pinapakita nitong kalamigan sa kanya.

Kailangang makausap ko siya. Napagpasyahan niya sa sariling hindi matatapos gabing iyon na hindi sila nagkakalinawan.

Inayos niya ang sarili at nagmadaling lumabas ng kanyang cottage at tinunton niya ang daan patungo sa cottage ni Jin. Bago pa man siya makarating sa tinutuluyan nito, nakita niya ang bulto ng isang lalaki na nakatayo at nakaharap sa malawak na karagatan. He recognized the man immediately. May hawak itong isang bote ng beer.

Napatingin ito sa gawi niya.

"Anong ginagawa mo dito sa labas dis-oras na ng gabi?" takang tanong nito ng makalapit siya.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Sure. Ano ba gusto mong pag-usapan?" wika ng binata at muli itong lumagok ng beer.

"Iniiwasan mo ba ako?"

"Bakit mo naman nasabi yan?" ani Jin, ang mga mata'y nakatunghay sa mahinang paghampas ng alon sa maputing baybayin.

"What happened Jin? Why are you acting this way?" malumanay niyang tanong.

Tumigin ito sa kanya at ngumiti ng pagak. "You're imagining it."

She bit her lips. She could sense the sarcasm in his voice. "Then tell me what's the matter?" naguguluhang saad niya. Nanatili lang siyang nakatayo sa harapan nito at hinawakan ito sa braso.

Nagbuntong-hininga ang binata. "Umasa akong kahit sandaling panahon lang na nagkasama tayo na posibleng magustuhan mo rin ako. But I was wrong, dahil dinadaya ko lang ang sarili ko." His voice gentle and sincere. Walang iyong halong panunumbat. Nagtatanong ang kanyang mga mata habang nakatitig sa lalaki. "Oh Jin... I think I like you too." She burst out. Wala ng dahilan para itago pa niya ang nararamdaman.

He chuckled. "You think? Bakit parang hindi ka sigurado?" wika ng binata. Nakita niya ang bahagyang pagtiim ng mukha nito.

"Ano bang gusto mong sabihin ko para maniwala ka sa akin?" lihim siyang napalunok at nag-alis ng bara sa lalamunan.

"Nothing. Gusto kong mag-isip ka." mariin itong umiling.

Ilang sandaling pinag-aralan ni Tiel ang ekspresyon ng mukha ni Jin, "I don't understand." Naguguluhang wika ng dalaga. Hindi niya alam kung ano ang tinutumbok ng mga sinasabi nito.

"I know. And I don't want to explain. Not now." Malungkot nitong saad.

Her vision blurred. Her face twisted to hold back tears. Was she wrong to force Jin to talk? Sa klase ng pananalita nito alam niyang hindi niya ito mapipilit na magpaliwanag. Hindi niya alam kung ano ang nangyari dito at bigla na lamang nagbago ang pakikitungo nito sa kanya.

"Bukas na lang siguro tayo mag-usap. Mukhang hindi pa maayos ang pakiramdam mo." Tumalikod siya dito at nagsimula ng humakbang palayo. Subalit napatigil siya ng muling magsalita si Jin.

"Ano ba ako saiyo Tiel? Minsan ba naramdaman mong espesyal ako saiyo?" seryosong tanong nito at muling lumagok ng alak.

"Why are you asking me that? Hindi pa ba sapat na sinabi kong gusto rin kita?" mariing wika niya at muling humarap sa binata.

"You're lying. You don't have to lie just to make me feel better!" itinapon nito ang boteng hawak. Bahagya siyang napaatras. His eyes shifted frantically left and right, the tone of his voice made her tremble. Kitang-kita niya ang pananangis ng bagang nito.

Love Story On Jeju Island (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon