CHAPTER TEN

7.7K 304 44
                                    


CHAPTER TEN

2 years later

NAPANGITI si Tiel nang makita ang sariling repleksyon sa salamin. Siniguro niyang magandang maganda siya ng gabing iyon. She was wearing a floor length royal blue gown na napapalamutian ng iba't-ibang hugis ng maliliit na swarovski crystal palibot sa kanyang baywang. The color of her gown perfectly suited her bronze complexion.

It was Rean and Evan's wedding reception na ginanap sa isang sikat na five star hotel sa Makati. Hindi niya lubos akalaing magkakatuluyan ang dalawa. She was her Maid of Honor while Reidel was the groom's Bestman. She envied her friend, mabuti pa ito dahil nakuha na nito ang sariling happy ending. Samantalang siya ni wala man lang love life. Hindi naman niya itinatanggi na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siyang dumating ang lalaking makakapag-paligaya sa kanya.

"You look stunning Tiel." puri ni Reidel sa kanya . Hinihintay siya nitong makalabas sa ladies' room."Stunning lang?" biro niya dito. "Well, let me rephrase it then. You look perfect!" nakangiting wika ng lalaki. Kinuha nito ang kayang kamay at isinukbit sa braso nito.

Iginiya siya nito sa red carpet patungo sa mesang nakalaan sa kanila. Kasalukuyang nagbibigay ng speech ang isang kilalang Principal sponsor.

Rean's wedding reception feels like she was in a fairy land. Although vintage ang tema ng kasal nito. Napapalamutian ang buong paligid ng pinaghalong puti at asul na mga rosas. Nasa gitna ng bulwagan ang isang malaking crystal chandelier at sa magkabilang gilid ng red carpet at nagkalat ang mga puting rose petals.

"Cool. White roses dyed as blue." Namamanghang wika ni Tiel hinahawakan ang isang buong bouquet ng rose malapit sa upuan niya.

"Ikaw anong gusto mong motiff sa magiging kasal mo?" tudyo ni Reidel nang alalayan siya nitong maka-upo. She sat down crossing her legs.

"Do I look like I'm gonna tie the knot anytime soon?" pinaikot niya ang kanyang mata. Sana nga ay magdilang anghel ang kaibigan.

"Who knows baka makilala mo na ngayon ang taong mamahalin mo." Makahulugang wika nito.

"That's impossible!"

Kapwa naagaw ang atensyon nila ng magsalita ang Master of Ceremony. "Our next tradition is the Champagne toasting. Raising a glass together is a way for everyone to share happiness to the newlyweds. May we call on the groom's bestfriend who just arrived today, Mr. Jinwong Baek, to lead the champagne toasting..." anang emcee na sinundan ng masigabong palakpakan.

"Had I heard that name before?" kinakabahang baling niya kay Reidel. Her eyes lit up in excitement. Hindi na niya naintindihan ang iba pang sinasabi ng host dahil nakatuon ang pansin niya sa lalaking naglalakad sa center aisle. Ilang beses siyang napakurap para masigurong hindi siya dinadaya ng kanyang paningin.

Indeed, he was her Jin. Walking in flesh! Naramdaman niya ang pagrigodon ng kanyang dibdib. It's been two years and she terribly missed him. Nakasuot ito ng black tuxedo na lalong nagpalitaw sa kaguwapuhan nito. Pero dagli rin na naglaho ang kanyang masayang pakiramdam dahil hindi ito nag-iisa. May kasama itong babaeng halos nakapulupot na rito. Judging her appearance, she looked like a Korean goddess. Napaka-slim nito at sobrang kinis ng balat. Ayaw man niyang aminin pero nakakaramdam siya ng panibugho.

"This can't be! Tell me it's just my hallucination right?" pakiramdam niya ay nangangatog ang tuhod niya. "Well, he's back. This is the day you've been waiting for." Tila bale-walang sagot nito.

Jin... bulong niya sa sarili. Hindi pa rin nawawala ang angking karisma nito. Pero kapansin-pansin ang pangangayayat nito. His complexion was darker. Pero hindi iyon nakabawas sa taglay nitong appeal.

Love Story On Jeju Island (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon