Chapter 9: Cooper

13.5K 543 54
                                    

Here I am standing infront of the ocean. Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakatitig dito. I don't know..

Matapos ang training namin ni Ansley kanina ay bigla akong napa isip...

Oo. May mga tanong sa isipan ko ang nasagot noong nakarating ako dito sa Castra Signum. But there are some things na hindi pa rin malinaw saakin, And I guess the only person that can give an answer to that questions is my Mom.

I was seven years old back then noong ibalita saakin ng Auntie ko na wala na daw si Mama. And about my dad? I don't know. Wala rin naman talaga akong balita tungkol sakanya. Kaya naman ay kay Mama at Auntie nalang ang naging focus ng buhay ko.

And right now, my situation is really unimaginable.

My mother is a Sign named Aquarius. I am her daughter, her first child and I'm about to face some bad guys na sa libro ko lang naman nababasa. Nakakatawang isipin na mapupunta pala ako sa ganitong sitwasyon.

Malalim akong napa buntong hininga.

Tinanggal ko ang aking pang taas pati ang aking shorts. I am now in my black sando and cycling shorts. Tinanggal ko ang aking tali at hinayaang malugay ang aking buhok.

Hindi naman siguro bawal ang lumangoy sa dagat na ito diba?

Nag lakad ako palapit sa dagat hanggang sa umabot ito ng aking dibdib. Marahan akong napapikit nang maramdaman ang comfort ng tubig saaking balat.

Finally. Peace.

Kumilos pa ako ng konti hanggang sa maramdaman ko ang pag lutang ng aking mga paa.

Napangiti ako at sumisid sa ilalim ng tubig.

I'm amazed. Really amazed.

Sobrang linaw ng tubig at hindi ito masakit sa mata. Mas sumisid pa ako sa ilalim at linangoy ang dagat.

Nang kapusin ng hininga ay agad na rin akong umahon.

Naaalala ko noon na kaya kong tumagal sa ilalim ng tubig ng ilang minuto. And now it makes sense kung bakit.

Napa angat ako ng ulo sa langit.

Malapit ng mag dilim at kailangan ko nang bumalik sa ibabaw.

Labag man sa loob ay linangoy ko na muli ang dagat papunta sa lupa.

Nang makarating ay agad kong dinampot ang aking shorts. Agad kong sinuot iyon at sinunod ang aking t shirt. My feet's still wet kaya naman mas pinili ko na lamang na buhatin ang aking sapatos.

Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko nang bigla akong mapadaing.

Shit!

Binaba ko ang tingin ko sa aking paa at nakita ko ang pag durugo noon. Hindi ko napansin ang matulis na bato kung kaya't naapakan ko iyon. Damn it! Ang hapdi.

Ihahakbang ko pa lamang ang aking mga paa nang maramdaman ko ang sariling maiangat sa ere, impit akong napatili at liningon ang taong bumuhat saakin.

Nanlaki ang aking mga mata nang pulang mga mata ang sumalubong saakin.

"C-cooper." Tawag ko rito. Saglit lamang siyang nag baba ng tingin saakin at muling ibinaling ang mga mata sa linalakaran.

I flushed.

Damn it. Nakakahiya! Take note that I just went out of the ocean and here he is, karga karga ako! I mentally slap my face.

Bakit ko ba kasi hindi nakita ang batong yun?! And wait, ano bang ginagawa niya dito?!

Muli lang akong nabalik sa ulirat nang maramdaman ko ang pagbaba ni cooper saakin sa lupa. Agad itong tumalikod kaya nama'y agad ko rin itong tinawag. Saglit itong tumigil na tila ba iniintay ang sasabihin ko.

"T-thankyou Cooper." Halos pabulong kong ani rito. Napatalon ako nang hinarap ako nito.

"You're not allowed to call me by my name." Seryosong ani nito at pinagpatuloy na ang pag lalakad.

Hindi ko agad naproseso ang kanyang sinabi kaya naman nanatili akong nakatayo roon.





"Hoy Thea!" Napatalon ako nang yugyugin ni Maxeen ang aking braso. Liningon ko ito at sumalubong saakin ang takang mukha nila Sunny.

"Ha?" Ani ko sa mga ito. Napa face palm naman si maxeen habang napailing sina Myron at Ansley.

"Jusko teh! Kanina pa kami nag sasalita dito nasa ibang planeta naman pala yang isipan mo!" Reklamo ni Maxeen at bigong napasandal pa sakanyang upuan.

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo Thea!" Sabat naman ni Sunny. Napabuntong hininga ako at tipid na lamang na napangiti.

"S-sorry. Pagod lang." Wala naman na silang nagawa kundi ang tumango nalang sa sinabi ko. Napalipat ang tingin ko kay Myron at mataman lamang ako nitong tinitignan. Nang mag tama ang aming mga mata ay tipid lamang ako nitong nginisian at nag iwas na ng tingin.

Sigh.

"Anyways!" Tumayo si Maxeen habang nakapatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa. "Let's continue your tour dito sa Castra Althea! Dahil pupunta ako ngayon sa Tech Station ay sumama ka na rin saakin!" Ani ni Maxeen. Wala naman akong choice kaya naman tumayo na rin ako.

"I'll come with you both! Dahil panigurado ay about sa Girls nanaman ang pag uusapan ng dalawang to." Ani ni Sunny at inirapan pa si Ansley. Mahina akong napatawa sa dalawa at sumunod nalang kay Maxeen.

Habang nag lalakad kami papuntang Tech Station ay puro daldal lamang si Sunny at Maxeen. Patuloy lang ako sa pakikinig at paminsanang tawa kapag nag aasaran ang dalawa.

"Maiba nga ako. Sobrang busy na ni Coop ngayon ha! Halos hindi ko na nakikita." Ani ni Sunny. Mas lalong nanlaki ang aking mga tenga nang marinig ang pangalan ni Cooper.

"Well. Balita ko eh mas naging aggressive daw sila Darhk ngayon. I don't know. Masikreto naman kasi yang si Chief." Sagot naman ni Maxeen. Hindi ko na napigilan at napasagot na ako sa dalawa.

"Ano bang dapat itawag kay Cooper?" Awtomatiko namang napalingon ang dalawa saakin. Bahagya akong napaubo at dinugtungan ang sinabi. "Curious lang." Ani ko.  Palipat lipat akong tumingin sakanila. Takang mukha ang ipinakita nila saakin at maya maya'y sabay na ang dalawang ngumisi.

That is so freaking weird!

Muling ibinalik nang dalawa ang kanilang tingin sa harap at sumagot.

"Well, may rule kasi dito sa Castra na kapag bagong dating ay kailangan mong tawagin ang leader ng Honeybee!" Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Maxeen.

"What?" Gulat kong saad! Hindi na ako nito sinagot nang pumasok kami sa isang kwarto.

Linibot ko ang aking paningin at ang kwartong ito ay punong puno ng screen. Mga laptop, cameras at may mga tablet pa.

"Welcome to Tech station!" Si sunny. "Dito natin minomonitor ang nangyayare sa labas ng Castra. Meron tayong nakakalat na Cameras sa bawat sulok ng iba't ibang lugar para mamonitor din natin kung nang gugulo ba sila Darhk." Dugtong pa nito.

Lumapit pa ako roon at manghang nakatitig lamang.

This is so cool.

Tinititigan ko ang mga screen nang may makita akong pamilyar na lugar.

Mas linapitan ko pa ang screen na iyon at nakumpirma ko ang aking nasa isipan.

It's my home!

Mataman ko itong tinitignan at napatalon ako nang mabilis na bumaba ng hagdan si Auntie sa hagdan! Halos madapa dapa pa ito habang takot na linilingon ang hagdan.

Shit!

"Maxeen!" I shouted. Agad namang nasa tabi ko sina Maxeen at Sunny!

"Shit! Kailangan nating lumabas!" Saad ni Maxeen at dali dali akong hinila palabas ng station!

Hindi na ako nag salita dahil alam kong kailangan naming makarating agad sa aming bahay.

Lalo na't ang huling kita ko sa screen ay may tatlong lalaking naka itim na bumaba sa aming hagdan habang may hawak hawak na espada at mga baril.

The Signs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon