Pinractice namin yung ukulele at kuhang kuha naman sa tono.

  "Anu palang pangalan ng grupo natin?" Tanong ni Gilbert. 

"Power Rangers?" Sabi ni Ian.

"Baby Sharks?" Sabi ni Rommel. 

"Little Einsteins?" sabi ni Carl

"Wonder Pets?" sabi ko.

"Oo yun nalang." Sabi nila at nagtawanan kami.

"Ako yung pagong dun ah." Sabi ni Ian.

"Ako yung sisiw kasi mahilig sa chicks." Sabi ni Carl.

"Hahahahaha! Edi ako yung hamster." Sabi ni Rommel.

Natawa lang ako sakanila kasi wala ng ibang character dun tatlo lang.

Di na ako makapili.

Telepono nalang siguro ako dun.

"Upo na B8 umpisahan na natin." Sabi ni maam. "Group 1, take the floor." 

Yan na sila Lexi

Excited na si ako.

"Nice one Gabe!" sigaw ng mga kagrupo ko at pinagbabatukan ko sila.

Nginitian lang ako ni Lexi.

Nag thumbs up naman  ako sakanya.

You know just what to say

Shit, that scares me, I should just walk away

But I can't move my feet

The more that I know you, the more I want to

Something inside me's changed

I was so much younger yesterday, oh  

Kanta ni Lexi, pota starving pa kinanta nila uuuugh!

Nakakagutom pa naman yang kantang yan

Pero ang ganda ng boses ni Lexi.

Nakakaspeechless...

I didn't know that I was starving till I tasted you

Don't need no butterflies when you give me the whole damn zoo

By the way, by the way, you do things to my body

I didn't know that I was starving till I tasted you

At sumabay na ang mga instrument sakanya

Kung wala lang ako sa classroom, sisigaw ako dito. 

Kaso mukha akong tanga nun, kaya wag nalang.

Natatawa ako kay Lexi kasi panay ang tingin sa akin.

Nang-aasar ata to eh, pafall talaga whahaha.

Kung akala niya naiinlab ako sakanya, tama siya nainlab na ako sakanya.

Tagal na pala. 

Swerte ko naman ata dito kay Lexi.

Ano bang magandang ginawa ko para pumayag siyang ligawan ko?

Sino bang pulubi nabigyan ko ng piso para tignan ako ni Lexi gaya ng pagtingin ko sakanya.

Parang nakalimutan ko na lahat ng strummings sa ukulele kasi masyadong maganda yung kumakanta.

Lalo na kapag ngumingiti siya.

Sa sobrang tagal ko mag-isip di ko namalayan na tapos na pala silang kumanta.

Nagising lang ako nung nagpalakpakan na lahat. 

"Yay! Tapos na kami! Di na ako kakabahan." Sabi ni Lexi sa tabi ko.

"Oy wag mo kong kalimutan ah kahit madami ka ng fans huhuhu." Sabi ko at natawa siya. "Pero seryoso nakakaspeechless yung boses mo, kasingganda mo." 

"Mas maganda ako." Sabi niya.

"Osige boss basta sabi mo." Sabi ko.

"Pero salamat. Hehehe." Sabi niya.

"Anytime. Nakakagutom kanta niyo sa totoo lang. Gusto ko tuloy ng Mang Inasal." Sabi ko.

"Mas nakakagutom yung kumanta." Sabi niya at kinindatan ako.

Napatigil naman ako kasi nagpoprocess pa sakin yung sinabi niya. 

"Hahahahaha. Ang cute mo." Sabi niya at pinisil pisngi ko.

Ngumisi ako dahil nakaisip ako ng pangrebat.

"Patikim nga nung kumanta." Sabi ko at siya naman ang napatigil at namula.

Di ako namumula, ang itim ko eh.

HAHAHAHAHA.

"Che! Magready na kayo! Group 3 na nagpeperform oh!" Sabi niya.

"Bat ka namumula? hahahahaha." Tanong ko.

"A-ah ang gwapo kasi ng boses ni Seb." Sabi niya.

"Ah akala ko pa naman sa sinabi ko." Sabi ko at dumiretso na ng upo. 

"In your dreams! Hahahahaha" sabi niya.

Minsan na nga lang bumreezy, naudlot pa huhubells.

Papakitaan ko to mamaya kung pano magapakilig.

"Ok, last group kayo na." Sabi ni maam.

Tumayo na kami at pumwesto sa harap.

"Ian ikaw magbilang." sabi ko.

"1 2 3!" sabi ni ian.

"GO WONDER PETS! YEY!" Sabi namin. 

Nagtawanan silang lahat pero kami seryoso lang, part of the plan talaga yan. 

Nag-ukulele na ako para sa intro.

Panalangin ko sa habang buhay~

Makapiling ka~

Makasama ka~

Yan ang panalangin ko~

Sabay na sila ni Gilbert.

At hindi papayag ang pusong ito

Mawala ka sa'king piling

Mahal ko iyong dinggin~

At wala ng iba pa pang mas mahalaga

Sa tamis na dulot ng pag-ibig nating dalawa

Nating dalawa~

At sana naman nakikinig ka 

Kapag aking sasabihin, 

Minamahal kita~

Tinapos na namin ang kanta, lahat naman nakangiti at naghiyawan pagkatapos namin.

Nagpalakpakan sila at tumayo, isa na sa tumayo si Lexi.

Supportive girlfriend hahahahaha.

Umupo na ako at andaming umaapir sa amin

Dami kong fans woooh.

"Ikaw na nga ka pa jan! Panalangin pala kakantahin niyo." Sabi ni Lexi.

"ahahahaha secret lang yun." Sabi ko.

Yumakap siya at namumula.

"Kanino ka na kinikilig ngayon." Tanong ko.

Hinampas niya ako sa braso.

"Gabe, sinasagot na kita." Sabi niya.


-----------------

Hi. Malapit na ang pagtatapos. 

Sana suportahan niyo rin po yung susunod kong story. 

Salamat sainyong lahat!

-Wapings





Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon