Chapter 22

10.8K 261 9
                                    

August na!!!

Buwan ng wika!!

Noong elementary ako paborito ko talaga tong taon na to para makapag suot ng damit na amoy baul. Ewan ko pero gusto ko yung amoy na yun dati.

Habang nakikinig kami sa Filipino teacher namin ay tahimik lang na nakikinig si Lexi. Hindi kami magkatabi ngayon kasi iba an seating arrangement ngayong Filipino.

"Mga mag-aaral ng B8, ang inyong magiging proyekto ngayon ay Spoken Poetry." Sabi ng teacher namin.

Iba iba ang naging reaksyon ng mga kaklase ko. Yung iba masaya at halos lahat naman ay malungkot. Isa na ako dun sa malungkot syempre. Ayoko talaga ng ganun ganun. Si Lexi naman ngiting ngiti. Alam kong gusto niya yung mga ganun eh.

Habang nagtatawanan sila ng mga kaibigan niya ay napatingin siya sa akin at ngumiti.

Yan na nagpapacute nanaman siya sa akin.

Ako naman naka sad face kunwari sakanya.

Natawa lang siya at bumelat 😝😝

Napa hays nalang ako.

"Kayo ang bahala kung anong paksa, malaya kayo sa kahit na anong paksa ang piliin ninyo. Sa susunod na linggo na itatanghal ang spoken poetry na ito." Sabi ng teacher namin.

Hay nako.

Bahala na sa isang linggo.

---------

Habang nagrerecess ay iniisip ko pa rin kung anong topic ang gagawin ko.

Kung tungkol sa droga, baka di sila maniwala sakin kasi mukha akong nakadroga.

King tungkol sa pagkain, madaming makakarelate kaso masyadong malawak.

Kung tungkol sa pag-ibig.....

Umupo na si Lexi sa harapan ko at napangiti ako agad nang makita siya.

Pagpapatuloy ko na sinabi ko kanina.

Kung tungkol sa pag-ibig kahit ilang tula pa ang gawin ko basta nakatingin lang sa mukha ng nasa harapan ko.

"Oh bat di ka kumakain?" Tanong niya habang lumamon.

Lamon talaga siya eh hindi kain.

"Ah-ah wala. Tara kain na tayo. Enge po." Sabi ko.

Sinubuan niya ako ng french fries.

Sweet ng baby ko.

"Isa pa po." Sabi ko at ngumiti.

"Bawal na! Di tatalab sakin killer smile mo basta pagdating sa pagkain!" sabi niya at tinago pagkain niya.

Natawa lang ako sakanya at tumayo na ako.

"Osige boss, bibili muna si ako." Sabi niya.

Bumili na ako ng pagkain at pagdating ko ubos na ni Lexi pagkain niya.

"Wow... parang 1 minuto lang ako nawala puno pa yan tas pagbalik ko ubos na? Isa kang alamat Alexandra." Sabi ko.

Natawa lang siya at pinaupo ako sa tabi niya.

Kilig naman ako.

Mangyayakap nanaman to.

Umupo ako at biglang nilantakan pagkain na binili ko.

Ganyan yan! Nakakalimot pagdating sa pagkain!

"Tapos kanina ayaw mo akong bigyan?!" Sabi ko.

"Hehehehe." Sabi niya at sinubuan ako.

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon