Chapter XVII: EDI SAYO

379 14 2
                                    

"Thunder, maitanong ko lang. Kilala mo ba talaga ako?" Tanong nya sa akin habang sabay kaming naglulunch sa cafeteria ng school.

Simula nang magkausap kami dun sa rooftop ay madalas na kaming magsama dito sa school. Bigla nalang napalapit ang loob ko sa kanya kasi nga gusto ko na siya.

"Hoy! Naririnig mo ba ako?" Sabi nya sabay batok sa akin.

"Ahh.. ano nga yun?" Tanong ko ulit.

"Ang sabi ko. Kilala mo ba talaga ako? Yung totoo."

Actually hindi ko naman talaga siya kilala e. First time ko siyang nakita nung sa cr nagulat din nga ako nang makita ko siya kasi parang pamilyar siya sa akin.  Kaso hindi ko talaga matandaan kung san ko siya nakita.

"Nope..hindi talaga kita kilala." Sagot ko sabay subo ng pagkain sa bibig ko.

"Huh? Akala ko ba kilala mo ako?" Tanong pa ulit nito.

"Ano kaba hindi nu. Kumain ka na nga! Ang kulit mo e!"

--------

ZANDRA's POV

"Eh bakit mo ako niyakap nun kung hindi mo talaga ako kilala?" parang tanga naman tong si Thunder bigla nalang nangaakap eh hindi namn pala ako kilala.

"Ahh yun ba.. ganyan talaga ako sa mga fans ko.  Akala ko kasi isa ka sa mga fans ko kaya niyakap kita. Baka kasi yun ang gusto kaya mo ako sinugod dahil hindi kita napansin. "  Sabi nya nya sabay subo ulit.

"Ako? Fan mo? No way! Hahahah! Atsaka Fans ba kamo? Nagpapatawa kaba? Eh wala naman akong nakikitang umaaligid-aligid sayo dito eh. Aso siguro meron pero tao? Wala!" Hindi ko makapaniwalang sabi.

"Ako nagpapatawa? Sige. Samahan mo ako mamaya at may ipapakita ako sayo. "

*fastforward*

Pagkatapos ng klase ay sumama kaagad ako sa kanya. Hindi talaga ako naniniwala sa mga pinagsasabi nya e.

Nakarating kami sa isang lugar kung saan merong car racing event.

Pagbaba palang namin sa kotse ay kaagad na siyang dinumog ng mga kababaihan. So ibig sabihin? Sikat nga siya. Hindi sa school kundi dito.

Umalis siya at pinaiwan nya muna ako sa isa nyang kakilala na malamang ay staff ng event na ito.

Pagkatapos nun ay muling naghiyawan ang mga tao nang pumasok siya sa isang pulang kotse na suot-suot ang body suit at helmet sa katawan.

Pero bago pa nya paandarin ang sasakyan ay may isang black na kotse ang tumigil sa harapan nya. At dun iniluwa ang isang taong may suot-suot na helmet. Nang bigla nya itong inalis ay bigla akong nagulat, hindi ko inaasahang makikita siya dito.

Lumabas si Thunder, lumapit sa kanya at biglang nagbrotherhood hug sa isat'isa. At pagkatapos ay pumasok na sila sa kanya-kanyang kotse at nagsimula nang magpaligsahan.

Sobrang bilis nangpagpapatakbo nilang dalawa. Nung simula ay pantay lang sila kaso nang tumagal ay unti-unti nang nangunguna si Zander hanggang sa natapos yung race at natalo si Thunder.

Dun ko lang talaga nalaman ang isa pang part ng life ni Zander na hindi ko pa natutuklasan. Dun ko napagtanto na marami pa pala akong hindi natutuklasan sa pagkatao nya.

Pareho silang lumabas ng kotse at lumakad palapit sa akin.  Pareho silang nakatingin sa akin. At ako naman hindi ko rin mapigilang mapatingin kay Zander kaso pinilit kong wag. Ang ginawa ko dahil malapit na sila sa akin ay agad ko namang sinalubong si Thunder at kinamusta kong ok lang siya. Pero sa gilid ng mata ko nakikita ko sI Zander na lumagpas sa amin at lumapit sa kinaroroonan ni Brianna at nakita ko yung biglang pagyakap sa kanya ni Brianna at bigla na naman akong natusok sa puso kaso hindi pa rin ako nagpaapekto. Ang ginawa ko ay iginiya na lamang paalis si Thunder kaso hindi paman kami nakakaalis ay bigla kaming sinalubong ni Brianna at kasalukuyang hindi na nito kasama si Zander.

"Oh.. nandito pala kayo. So ano to? Are you two dating? My hindi ba ako nalalaman Thunder?" Saad nito.

"Oh? Wait? So dapat ipaalam talaga sayo? Kung may namamagitan man sa amin o wala! Wala ka nang paki dun kasi in the first place. Wala din kaming paki sayo.  Kaya please lang? Mind your own business! Halika na Thunder wag na nating pansinin yan." Sabi ko sabay hila dito kaso bigla akong napatigil nang hawakan nya ng mahigpit ang kamay ko sabay bulong nang..

"Stay away from him. Akin lang si Zander. Akin lang." Sabi nya tsaka naglakad palayo.

Pero bago paman siya makalayo ay agad ko na siyang binanatan.

"EDI SAYO NA! ISAKSAK MO SA BAGA MO O DI KAYA LAMUNIN MO! MATAGAL KO NA SIYANG ISINUKA! KAYA SAYONG-SAYO NA SIYA!"  Malakas na sigaw ko at mabilis na nagwalkout.

"A Secret Identity of a HidDeN PrinceSs" (2nd Chance)ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon