Chapter 10: Stain

Start from the beginning
                                    

"Bakit mo sinabi yon? Baka maniwala sila!" inis na sabi ko.

"So? Kahapon naman hindi ka ganyan dun sa singkit na ex-fiancé mo nung sinabi kong boyfriend mo ko. Tss. Tsaka bakit ka lumabas ng ganon? Hindi mo naman alam kung sino yung dumating ah? Pano kung magnanakaw yon? Pano kung may ginawa sayo? Tignan mo nga yan suot mo!" napanganga ko sa biglaang outburst niya.

Yun na ata ang pinakamahaba niyang nasabi sakin. At kahit isa don walang nag sink in sa utak ko.

Ano daw?

"Ano tatayo kana lang jan hanggang makapasok ulit sila? At makita ka na naman na ganyan? Jesus Ellen! Move! Kunin mo na yung damit mo jan at mag palit kana!" sigaw niya kaya naman nataranta na kong yumuko sa mga gamit ko.

Narinig ko pa siyang nag mura kaya napatayo ulit ako, sobra na tong lalaking to ah. Kanina sinisigawan lang ako? Ngayon minumura na ko?

"What di-----

Natigilan naman ako ng makita siya sa likod ko, nakatingin siya sa baba, sa...sa...

"Bastos ka! Bakit ka nakatingin jan?!  sigaw ko at hinampas ang braso niya. Grabe ang bastos ng pulis patola na to, hindi manlang nahiya.

"Maytagoska." naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Halos pabulong kasi yun at mabilis pa kaya hindi ko na intindihan.

"What?!" singhal ko sa kanya.

Mag sasalita na sana siya ng may pumasok na isang nag bubuhat ng gamit ko.

"Ay!" napatili ako ng bigla niya kong binuhat.

"Wag kang malikot baka malaglag ka." sabi niya at pa akyat na ng hagdan.

"Chace ano ba!? Put me down!" sigaw ko pero parang wala siyang narinig at dere-deretso lang sa pag akyat.

"Chace Julian! Ibaba mo ko!" sigaw ko pa ulit pero hindi pa din niya ko pinansin.

Nakita ko siyang ngumisi pero sandali lang yun at bumalik na naman sa pagiging seryoso ng mukha niya.

Binaba niya ko sa tapat ng kwarto na ginamit ko.

"Ako na ang kukuha ng gamit mo. Fix yourself. " sabi niya at tumalikod na.

Grr. Ang sarap ipitin ng leeg kiya sa pinto!

Kagabi lang ang sweet-sweet tapos ngayon...hindi pala siya sweet. Binabawi ko na.

Pumasok agad ako ng cr dahil hindi pa nga pala ako nakakapag hilamos. Stupid Ellen! Nakakahiya ka talaga kahit kelan! Lumabas ka ng ganyan ang mukha mo?!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Be my escapeWhere stories live. Discover now