Chapter 10: Stain

965 41 6
                                    

Ellen's POV


Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Kinapa ko yun sa side table ko pero muntik na kong malaglag ng wala akong makapitan na side table.

San na punta yun? Dumilat ako at tinapik ang noo ko.

Ano Ellen? Feeling mo panaginip lang yung nangyari kahapon?

Bumangon ako at kinuha ang phone ko sa gilid ng kama. 5:10 am. Kailangan ko pa lang tumawag sa school na mag hahalf day ako or maybe aabsent na lang muna ko today. Baka kulangin ako sa oras na humanap ng bagong apartment. Isa pa wala pa yung gamit ko.

Naalala ko yung mga sinabi niya kagabe.

"Let's try Ellen Grace. Let's prove them wrong. Let's run away. Just let me be your escape."

Ano sa sobrang awa niya saken kaya niya nasabe yun? Nakakainis.

Pero na touched ka naman. My mind said.

Uh huh. Hindi ko alam kung feeling ko lang ba pero parang may kakaiba pa sa boses niya nung sinabi niya yun.

Sumilip ako sa bintana ng may marinig akong nag beep sa labas.

Yung truck!!

Patakbo akong bumaba ng hagdan at dumeretso sa labas. Binuksan ko agad yung gate at lumapit sa driver na kakababa lang din ng sasakyan.

"Kuya yan yung mga gamit ko? Ano kumpleto ba yan? Baka may nasira? Ano?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Tumunganga lang yung driver sa harap ko tsaka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

Holy macaroons! T-shirt lang ni Chace ang suot ko.

Agad kong hinila pababa yung laylayan ng t-shirt. Ellen naman kasi!

"Ano pang ginagawa niyo? Ipasok niyo na sa loob yung gamit niya." muntik na kong madapa ng bigla akong hilahin ni Chace sa likod niya na parang bang itinatago ako.

Hinintay namin makapasok yung dalawang nag bubuhat pati na din yung driver tsaka lang kumilos si Chace. Hawak pa din niya yung braso ko kaya nakasunod lang ako sa kanya. Tsaka ko lang naramdaman ang lamig sa hita ko ng padabog niya sinara ang gate.

Problema nito?

"Tss. Nadumihan na yung paa mo." baling niya sakin at mas hinila pa ko papasok ng bahay.

So nagagalit siya kasi na dumihan yung paa ko? Babaw dude. Whatever.

"Boss san po mga to?" tanong nung driver.

Lalapitan ko na sana yung mga gamit ko nang hilahin na naman ako ni Chace sa likod niya. Pambihira. Kanina pa to ah.

"Jan lang sa sala. Paki bilisan. Matutulog pa ulit kami ng girlfriend ko." nahampas ko siya sa likod dahil sa sinabi niya.

"Yes sir." sagot lang nung driver at lumabas na.

Pag labas nila hinarap ko si Chace at pinandilatan ng mata.

"What did you say? Ano yon ha Chace?" tanong ko at nag crossed arms.

"Good morning din teacher Ellen." sabi niya na parang wala siyang ginawa kanina.

Be my escapeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن