Chapter 2: Family

1.2K 35 8
                                    

Ellen's POV

That stupid man! Pakielamero! Ang sakit na nga ng paa ko sa pag habol sa mga pasaway na yun tapos makakatakas lang pala? Lagot talaga sila sakin pag pasok bukas. 

I'm still on my way home ng biglang mag ring ang phone ko. I looked at the screen and sighed. Siya na naman? Ang kulit din ng isang to. 

"Hello Euann? Will you please stop? It's over!" sigaw ko at binalik sa pocket ang phone ko. Maya't maya na lang tumatawag, nakakainis lang kasi kahit ilang beses akong mag palit ng sim, nakukuha pa din niya ang number ko, and I wonder why? Kay Mommy kaya? But hell no! Alam niyang ayoko kay Euann. 

Euann Sy is my ex-fiancé, actually bata pa lang kami kilala ko na siya, half chinese half filipino din siya kaya naman mag kasundo talaga kami, not until nalaman kong siya pala ang lalaking pakakasalan ko. Kaya pala palagi siyang nasa bahay simula ng mag high school na kami, all along alam niyang kasunduan ng pamilya namin pero wala siyang sinabi sakin.

He just said na mahal niya ko at tama lang kung mag papakasal kami dahil yun daw ang makakabuti sa lahat. He's a selfish bastard. Pano naman ako? A marriage is a relationship that requires full commitment and dedication, not only by one person, but by the two persons involved. Ayokong magaya kay Mommy, hindi na siya makatakas sa buhay na hindi naman niya ginusto, and that's because of us. Samin ng mga kapatid ko. 

I'm trying to find my place in this crazy world. At sa 2 years na pananatili ko dito sa Pilipinas masasabi kong unti-unti ko ng nakikita kung ano nga ba talaga ang halaga ng buhay ko. 

I am a teacher and I want my students to be decent even though they are growing up in an environment surrounded by indecency. Kagaya ng tatlong pasaway na studyante ko kanina, hindi sila pumasok sa klase ko at nang mag lunch break ako nakita ko silang naninigarilyo sa tapat ng school at may mga kasama pang babae na akala mo nakawala sa club. Nilapitan ko sila at kinausap na pumasok na, sumunod naman sila pero nung matapos ang klase ko at pinapa punta ko na sila sa faculty aba tinakasan ako, at dun na nga nag simula ang habulan namin na...ugh! Nag iinit ang ulo ko pag na aalala ko ang pakielamero na yun. 

"Hoy Ellen Grace Wang! Buti naman at umuwi kana, aba ineng tatlong buwan na ang utang mo saken dito sa bahay. Malapit na kong tumawag ng wang wang at ipahuli ka. Nakakahiya naman sayo aba mag bayad kana!" Sigaw ni Aling Salud ang nag patigil sakin. Nasa tapat na pala ko ng apartment ko at nandito na naman landlord ko. 

"Sorry po Aling Salud, sa loob na po tayo mag usap, nakakahiya sa kapit bahay." sabi ko.

"Ay dapat lang mahiya ka!" Sabi niya sabay irap at naunang pumasok sa bahay. 

Binaba ko muna ang bag at folders na hawak ko at binigyan siya ng kape. 

"Kukunin ko lang po yung pang bayad, pasensya na po talaga kahapon lang po kasi nabigay yung sweldo ko." sabi ko at pumasok sa kwarto. 

"Bilisan mo lang at madami pa kong dadaanan, bakit naman kasi ganito ang mga asjiaijsmldlsajdo." hindi ko na narinig ang ibang sinabi niya. Ganyan naman lagi ang matandang yan, kaya ang daming nakaka away eh. 

Pag labas ko binigay na agad ang renta sa bahay, kahit ganun mag salita yung matanda pa rin kaya kailangan pag pasensyahan. 

Kinuha ko ang laptop ko at nag simulang mag post sa personal blog ko. I decided to create a blog 2 years ago, mahirap ang unang buwan ko dito dahil mag-isa lang ako. I'm not good at making friends kaya naman sa blog ko nilalabas lahat ng tumatakbo sa isip ko. 

May mga kamag-anak si Mommy pero alam kong sasabihin naman nila kay Dad kung nasan ako kaya hindi na lang din ako humingi ng tulong. 

Napatingin ako sa bintana nang may marinig akong kumakanta sa labas.

Dashing through the snow

In a one horse open sleigh

O'er the fields we go

Laughing all the way

Bells on bob tails ring

Making spirits bright

What fun it is to laugh and sing

A sleighing song tonight

Oh, jingle bells, jingle bells

Jingle all the way

Oh, what fun it is to ride

In a one horse open sleigh

Jingle bells, jingle bells

Jingle all the way

Oh, what fun it is to ride

In a one horse open sleigh

♫♫♫

Napangiti ako habang pinag mamasdan ang ilang grupo ng kabataan na kumakanta sa labas. Tumayo ako at kinuha ang wallet ko sa bag. 

"Namamasko po!" narinig kong sabi ng isang batang babae. 

Lumabas ako sa gate at yumuko sa para mapantayan ko ang nakangiting batang babae. 

"Hi, what's your name?" tanong ko. 

"Sarah po. " sagot niya. 

"I'm Ate Ellen, oh eto pamasko ko sa inyo, pero gusto ko umuwi na kayo ha. Gabing gabi na tapos wala pa kayong kasamang matanda." sabi ko at inabot ang 100 peso bill sa katabi niyang batang lalaki. 

"Wow, thank you po ate Ellen, sige po uuwi na kami." Nakangiting sabi niya at humawak sa kamay ng kasama niya. 

"Bye, ingat kayo." sabi ko. 

Pasko na naman pala dito, iba sa paskong kinalakihan ko pero ramdam mo yung pag mamahalan ng bawat miyembro ng pamilya. Ibang-iba. 

**

Chace's POV

"Good morning son, come on, hinintay talaga kita para sabay tayong mag breakfast." sabi ni mom habang bumaba ako ng hagdan.

Napatingin ako sa wrist watch ko. "Mom, tanghali na po. Sana ginising niyo na lang ako." sabi ko at humalik sa kanya. 

"I know you're tired son kaya hindi na kita ginising. Sige na upo na para maka kain kana." nakangiting sabi niya at pinag lagay ako ng fried rice sa plato. 

Niyakap ko siya mula sa likod. "Thanks mom, na miss kita. Na miss ko to." sabi ko. 

Tumango siya at humarap sakin. 

"Dadalaw ka ba sa kanila? Gusto mo samahan kita?" tanong niya. 

Nawala ang ngiti ko sa tanong niya. Hinanap ng mata ko malaking picture frame sa sala. 

Most of the time I try not to think about it, kaya nga hindi ako umuuwi sa bahay na to. Pinilit ko si mom na lumipat na lang kami ng bahay pero ayaw niya. Ang isasagot lang niya sakin ay 'Bakit ko naman iiwan tong bahay na to? Siguro nga dito nila tayo iniwan pero ang mga alaala nila hinding hindi tayo iiwan.'

"Sure mom, kain muna tayo then samahan ko kayo sa check up niyo tsaka na tayo dumaan sa kanila." Sabi ko at umupo na. 

"Na mimiss ko na sila. Ang daddy m-mo." hinawakan ko ang kamay ni mom nang makita kong maiiyak na naman siya. 

"Me too, miss na miss ko na din sila. I miss my wife." 

-------------------------------------------------------------------------------------

New ideas ♥

Chace ---------->>

Be my escapeOn viuen les histories. Descobreix ara