Chapter 8 Graduation ball

15 1 0
                                    

naisipan kong isurprise si angel sa graduation ball. kaya gumawa ako ng isang tula para sa kanya. ng sa gayon ay maibsan ang kalungkutang nararamdaman nya.

reading ready na ako kumpleto sa porma black shoes with black suit and tie. gusto ko gwapo ako pagnaisayaw ko si angel, kahit walang pera ginawan ko ng paraan makasama lang sa graduation ball. lahat ng suot ko eh hiram ko lng sa mga katrabaho ko sa may fastfood.

wala rin ako panregalo kay angel kaya portrait nya at isang tula ang aking handog para mapasaya ko sya kung yun man yung ang aming huling pagkikita.

gabi na nagstart ang graduation ball as expected patalbugan ng mga bihis rampa sa red carpet picture doon selfie dito, ang gaganda ng mga suot nila puro bago, nahihiya tuloy ako sa suot kong lumang coat. sa sobrang hiya ko eh sa may sulok lang ako pasulyap sulyap lng kung dumating na si angel..

maya maya pa ay may isang mamahaling sasakyan ang nagpark sa entrance ng school. ilang saglit pa ay lumabas si jacob sa may kotse at binuksan ang passenger seat ng kotse at nagulat ako sa lumabas.. isang napakagandang prinsesa, halos lahat nakatungin kay angel habang inabot ang kamay ni jacob at inescort-an si angel. iniisip ko ano kaya feeling kung ako yung nasa lagay ni jacob, mayaman ... tapos kilala sa school at higit sa lahat mahal ni angel 😔, ok na kahit hindi mayaman kahit di na ako gwapo, kahit na di kilala sa school, basta ang importante ako si jacob na mahal ni angel, kaso hindi ako yun. ako si andy yung best friend nya. kung sakali man na pwede makipagpalit ng kaanyuan kay jacob ako makikipagpalit. para ako yung tatayong boyfriend ni angel, siguradong hinding hindi ko sasayangin yung luha nya, pasasayahin ko sya palagi, palagi ako nasa tabi nya kahit ano mangyari, at mamahalin ko sya ng sobra sobra. ang sarap siguro sa feeling ng mahal ka ng mahal mo. parang kumpleto na buhay mo kahit yun lang ang meron ka pagmamahal na galing sa taong mahal mo.
kaso lahat ng kathang isip ko eh imposibleng mangyari kase wala naman talagang ganun.

sobrang laki ng ngiti ni angel ng ihatid sya ni jacob sa red carpet. at nagpapicture pa sila sa photo booth. sobrang saya ni angel pero ako ito nagmumukmok lang sa isang sulok.. naghihintay ng pagkakataon makanakaw ng sandali.

mukha atang hindi ako makakasingit kase parating naka dikit si angel kay jacob.

ilang oras na ang lumipas kahit isa eh wala pa akong isinasayaw, isa lng naman kasi pakay ko sa grad ball si angel sya lang. kaso masaya syang kausap si jacob.
halos lahat ay nagsayawan na at lahat ay tipong nagsasaya...

ilang sandali pa ay nagpatugtog ng lovesong at nagsayaw sila ni jacob sa gitna. walang paglagyan ang kalungkutan ko ng mga sandaling iyon. dapat ako yung naroon bakit sya pa na nagpapaluha kay angel. bakit sya!!!

maya maya ay may nagpalitrato kay jacob isang grupo ng mga babae. kaya naputol ang pag sasayaw ng dalawa.. umupo sa sulok si angel habang nakikipaglandian si jacob sa grupo ng mga babae. yung mga oras na iyon ay gusto kong lumapit kay angel para icomfort sya pero ilang metro lng ang layo ni jacob kay angel, naiinis ako kay jacob harap harapan nyang niloloko si angel. hindi ko maatim kung bakit nya ginagawa sa taong importante sa buhay ko.
sa isang sulok ay tinawag ko si angel....

andy: pssst.....! angel...

napalingon si angel

angel: ikaw pala yan andy.. hahaha akala ko hindi ka makakapunta sa graduation ball natin.

andy: ikaw pa ba eh kahit ano naman gagawin ko basta para sayo....

maya maya pa ay...

angel!!!!

isang boses na pasigaw.

si jacob...

jacob: nawala lang ako saglit nakikipag landian ka na??!!!

angel: jacob wag ka naman ganyan... maraming tao dito

jacob: tumigil ka angel!!! harap harapan mo akong niloloko...

angel: wag ka naman ganyan please kaibigan ko lang si andy...

jacob: kaibigan eh halos magkasama na kayo parati!!!

andy: jacob wala akong intensyon na guluhin kayo magkaibigan lang kami..

jacob: kaibigan eh parati kayong magkasama??!!! wag mo akong gaguhin andy...!!! layuan mo gf ko..

angel: wag ka naman mag eskandalo rito jacob..

andy: wag ka nga umasta na perpekto kang bf kay angel... alam lahat ni angel lahat ng kalokohan mo, hindi nya lang sinasabi kase natatakot syang mawala ka. wag kang tanga kase binabalewala mo yung taong nagmamahal sayo..

jacob: wag ka makialam rito wala kang karapatan panghimasukan kung anong meron kami ni angel.. HINDI KA NYA BOYFRIEND!!!!

andy: oo alam ko kaibigan lang ako ni angel, pero sa tuwing masaya ka sa piling ng iba may isang babae na umiiyak ng patago? patago kase ayaw nya ipakita na nasasaktan na sya sa ginagawa mo?

hanggang sa sunggaban ako ni jacob ng suntok, sa lakas ng suntok ni jacob ay nabitawan ko yung hawak kong portrait at tula para kay angel....

gusto kong gumanti kay jacob pero alam kong masasaktan si angel sa gagawin ko.

angel: tama na jacob!!! maawa ka na naman...

halos lahat ay nakatingin na sa aming kinalalagyan ng mga oras na iyon.. di ko mawari kung anong kahihiyan ang inabot ni angel sa akin kaya naisipan ko na lang tumakbo pa layo....

pinulot ni angel ang mga nahulog na gamit ko at kanyang binasa lahat ng nilalaman,

"nilalaman ng tula"

para sa babaeng sa akin ay nagpapasaya

di ko mawari kung mawawala ka

kase ikaw ang dahilan kung bakit ako ay masaya

saan man tayo mapunta basta ikaw ang kasama,

kahit saang banda kahit di na matapos pa,

kahit ano pang sabihin ng iba

basta ang alam ko dito ako masaya

kase ikaw lang ang gusto ko wala ng iba

gusto kong makasama sa kulitan at kasiyahan,

kahit nga sa kalungkutan ako ay iyong sinasamahan

tunay ka ngang kaibigan kase parati kang nadyan,

parati mo akong sinasamahan pero hindi ko alam kung hanggan saan?

alam ko naman na lahat ay may hangganan.

hindi ko lang alam kung hanggang kailan?

hanggang saan nga ba?

tayo pa ba ay magsasama?

hindi ko rin alam basta enjoy ako pag nakikita kita,

pero alam kong darating yung araw na akoy iyong iiwan.

di ko yata lubos isipin kung ako'y iyong bibitawan at talikuran.

pero gayun pa man kung sakaling paiyakin ka ng taong nagpapasaya sayo....

nandito lang ako na kaibigan mo..

umbra vestrumOù les histoires vivent. Découvrez maintenant