Chapter 2 "thesis"

34 3 0
                                    

continuation..

pagkatapos ng klase ay napadaan ako sa isang library at nag basa basa ako ng libro para sa references sa tinatapos kong thesis.....

pero may problema nawawala yung ginagawa kong thesis!!!

halos binaliktad ko na lahat ng laman ng bag ko para lang mahanap yung thesis ko pero wala..

naisipan kong bumalik sa classroom nagbaka sakaling naroon..

excuse me may nakita po ba kayong thesis na naiwan dito?

wala eh. tingan mo na lang jan baka sakaling makita mo..

ilang oras na akong nahahanap sa silid ng paaralan ngunit wala akong nakita..

kailangan ko ng matapos yung thesis dahil may 10 days na lang bago yung final defense

..

yung mga oras na yun ay hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin kaya napagdesisyunan ko na lang na maupo sa isang tabi...

napayuko na lang ako sa may upuan at mangiyak ngiyak.

sumabay pa yung ulan... sobrang lakas ng ulan pag dungaw ko sa bintana ng aming silid... nang may mapansin kong nag kakangulo ang tao sa labas ng silid dahil sa malakas na ulan maya maya ay may isang lalaki at babae ang nagaway dahil nagkabanggaan sila sa pagsilong..

bigla akong may naalala...

yung babae kanina nakabanggaan ko hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako sa nangyari kanina nung iabot ko sa kanya yung napkin hahaha... ang epic...

nang sandaling yung ay di ko batid kung makikita ko pa sya, sobrang ganda nya lalo na na nung mapadapa ako sa kanya at magkalapit yung mga mukha namin ang amo ng nya para syang anghel....

ng biglang may pumasok sa isipan ko.

yung babae kanina..!!!

nag-flash back bigla lahat sa akin lahat ng nagyari...

aksidente kong nailagay yung ginagawa kong thesis sa mga gamit nya. pero papaano ko sya makikita ulit?

wala akong idea sa pangalan nya contact no. o kahit address nya ang pagkakaalam ko eh yung suot nyang uniform....

hmmmmm... alam ko na !!! tama!!!...

yung suot nyang uniform eh pang tourism.....

medyo madilim na ng mga oras na yun kaya napagdesisyunan ko na umuwi na lang sa bahay...

itay....!!! itay...!!!

narito na po ako..

itay: oh kamusta ang pagaaral??

ako: ok naman po itay may onting problema lang po...

itay: bakit anak?

ako: nawawala kase yung thesis ko eh...

itay: ikaw talagang bata ka kahit kailan ka makakalimutin ka?

itay: alam mo anak lahat ng mga bagay na mahalaga sa atin kapag binalewala natin tapos biglang mawala dun lang natin malalaman yung halaga ng isang bagay...

ako: itay hugot ba yan? hehehe

itay: hindi anak pinapangaralan lang kita...

itay: dapat kase lahat ng bagay na importante sa atin habang nadyan pa at nakikita dapat pahalagahan mo.. hindi yung tsaka pag nawala tsaka mo lang hahanapin dagdag nya pa..

ako: opo itay....

itay: oh sya nagluto ako ng favorite mong adobong kangkong alam kong gutom ka na kumain ka na dyan....

ako: sige po itay salamat po itay

itay: salamat saan??

ako: salamat kase pinalaki mo ako... pinalaki mo akong pogi hahahaha

itay: ikaw talagang bata ka masyado kang mapagbiro lumaki ka lang pero di pogi hahahaha

ako: itay naman

itay: ikaw naman anak di ka naman mabiro hahaha syempre pogi ang anak ko. medyo tanga lang..

ako: panong tanga itay?

itay: nawala mo yung thesis mo eh hahahaha

ako: kumain na nga lang tayo...

sa sinabi ni itay na iyon napaisip at napatitig ako sa kanya...

paano pag wala na ang itay?..

halos mahina ang itay... sa edad na 60 eh aabot pa kaya si itay pag successful lawyer na ako? tanda ko pa simula ng bata pa ako halos dalawa lang kami ng itay wala akong kapatid walang ina.. kaya sa tuwing may umaaway sakin halos si papa lang ang natatakbuhan ko... sa tuwing may assignment sya lang tumutulong sa akin... yung grade school pa lang ako halos magtali lng ng sapatos ko eh hindi ko magawa.... sya pa ang nagtatali ng sintas ng sapatos ko alagang alaga ako ng itay... hatid sundo sa school tapos paguwi eh bibili kami ng favorite kong ice pop... tapos ipapatong nya ako sa ibabaw ng batok nya habang naglalakad ako naman tuwang tuwa feeling ko ang laki ko na.. ang sarap balikan ng mga alaala na parang magkaibigan kami ni itay halos tumayo na syang ama, ina at bestfriend ko kaya bilib na bilib ako sa kanya...

may mga oras na napapaisip rin ako kung san ang inay..

nasaan na kaya ang inay??? may kapatid kaya ako??? simula kase ng pagkabata eh hindi ko na nasulyapan mukha ng ina ko.... ni minsan hindi ko man lang naranasan magkaroon ng isang ina pero ok lang kase nadyan naman ang itay kaya habang buhay pa sya pasisiyahin ko sya....

umbra vestrumWhere stories live. Discover now