Napaupo nalang sya sa isang tabi at ngumiti ng malungkot. Ano pa ba aasahan nya? Kahit anong gawin nya hindi dadating ang taong yun. At kahit anong gawin nya, hindi sya mamahalin ng taong yun. Huminga sya ng malalim at tinanggal ang toga nya at sinoli nalang sa isang room. Mas okay ng hindi sya umattend ng graduation, wala din naman sa kanya mag sasabit. Maiinggit lang sya sa mga kapwa estudyante nya kasama ang mga magulang nito at proud na proud.
Pumunta nalang sya sa isang lugar kung nasan ang mommy nya. Umupo sya dito habang suot suot ang kanyang uniform. Dala dala nya ang kanyang apat na medal sa kamay nya. "Mommy!" nakangiting saad nya. "Look, Magna Cum Laude ako tapos yung tatlo naman mommy sa badminton, tapos ang isa naman po best leader at yung isa po ay best Volunteer!" masayang sabi nya. "Sayang mommy, wala ka dito! Siguro kung nandito ka kaw mag sasabit ng medalya sakin!" she smiled. "Tapos mag cecelebrate tayo, mag didinner tayo kahit tayong dalawa lang!"
Huminga sya ng malalim. "Alam mo ba mommy, nag sisimula na silang mag lakad kasama ang mommy at daddy nila. Gusto ko sana mag lakad mommy kaso wala akong kasama. Naiinggit ako mommy." she smiled. "Mommy ba't kasi ang aga mo kong iniwan, edi sana sobrang saya ko ngayon." she said.
Unti unti nanaman tumulo ang luha nya. "Nakakainis!" natawa sya sa sarili nya. "Gusto ko talagang makasama na kayo kaso nangako ako. Ayoko pa naman sumisira ng pangako." she laughed like a crazy. "Makukuha ko na nga pala ang pera ko kasi diba? Naka lagay sa last will na ibibigay sakin ang pera mo pag nakapag tapos na ko." Huminga sya ng malalim at tumingin sa puntod ng ina nya. "Mommy, lalayo na muna ako. Siguro matatagalan bago kitang dalawin, pero mommy nag sasawa na ko sa ganitong buhay. Pero iingatan ko po sarili ko, wag kayong mag aalala."
Pinikit nya ang mata nya at nag simulang kumanta.
Crowded hallways are the loneliest places
For outcasts and rebels
Or anyone who just dares to be different
And you've been trying for so long
To find out where your place is
But in their narrow minds
There's no room for anyone who dares to do something different
Oh, but listen for a minute
Trust the one
Who's been where you are wishing all it was
Was sticks and stones
Those words cut deep but they don't mean you're all alone
And you're not invisible
Hear me out,
There's so much more to life than what you're feeling now
Someday you'll look back on all these days
And all this pain is gonna be invisible
Oh, invisible
Naramaman na nya ang mainit na likod sa kanyang mga pisnge na galing sa kanyang mga mata. Hindi nya mapigilan umiyak, hindi nya mapigilan. Napapagod na sya, pero kailangan nyang mabuhay. Kailangan nya mag pakatatag. Dahil eto ginawa sa kanya ng mommy nya upang bigyan sya ng kumpletong pamilya. Kahit sinasaktan ng daddy nya ang mommy nya ay hindi ito umalis sa puder ng daddy nya dahil mahal na mahal nya ko.
Wala syang alam kung ano ang dahilan kung bakit ganon ang daddy nya sa kanila. Dumating si Marine sa buhay nila when she's five years old. Mataray agad ito sa kanya, she tried to talk her and played with her, but she always pushed her.