MPA Simula

87.7K 1.8K 74
                                    

"Dad." 

"Kung wala kang mahalagang sasabihin, you can leave." 

Unti unti nawala ang ngiti nya dahil sa sinabi ng ama nya. Hindi nya alam kung pano nya sisimulan ang sasabihin n'ya dito. Bawat graduation ay nag mamakaawa sya sa daddy nya na pumunta sa kanyang pag tatapos pero kahit kailan wala syang nakuhang sagot. Umaasa sya na sa isang araw susulpot ito upang isabit sa kanya ang kanyang medalya na pinag hirapan nya.

She's Magna Cum Laude like her mom. But her mon was gone when she's 8 years old at don dumating sa buhay nya si Lyricko, her neighbor, her bestfriend, her first love. 

"Ano may sasabihin ka pa ba?" 

"D-dad, Magna Cum Laude ako, pumunta po kay---"

"I'm busy. I don't have a time." 

Kinagat nya ang ilalim ng labi nya upang pigilan ang luha nya. Bakit di pa sya nasasanay sa trato sa kanya ng ama nya? Bakit ganon? 

"Daaaad!"

Biglang pumasok ang isang babaeng mas bata sa kanya ng isang taon. Tumingin sya dito na nakangiti habang may dalang dalang isang papel. "DADD! LOOK! TOP 4!"

Mabilis naman yun tinignan ng daddy nya. "Verygood!" masayang sabi ng ama nya dito.

She's Marine Angeles, her half sister. Na mas mahal sa kanya ng daddy nya. Nandito lahat nag atensyon ng daddy nya at di nya maiwasan mag selos dito. "Dad, pumunta po kayo ah? Gusto ko po kayo mag sabiT ng medalya ko."

Hindi na nya hinintay ang isasagot nito ay basta nalang sya lumabas ng lugar na yon. Gusto na nyang umiyak, pero sawang sawa na sya. Ayaw na nya, nakakapagod na. Sa halos araw araw at gabi gabi nalang. Ramdam na ramdam nyang walang nag mamahal sa kanya, kahit ang bestfriend nya na iniwan na sya.

Lagi nalang sya nag papanggap na okay sya kahit hindi. Lagi nalang sya nag papanggap na okay sya sa harapan ng lahat. Kahit hindi na nya kaya, ngumi ngiti sya para hindi maawa sa kanya lahat ng taong nakakakita sa kanya.

"Hindi ka parin sumusuko no?" napatingin sya kay Marine. Her halfsister. "Hindi ka na mahal ng daddy? Why don't you leave us? Is he will be happy if you're gone."  inirapan sya nito at mabilis na tumalikod sa kanya.

Tumulo na ang luha nya at mabilis syang tumakbo papasok sa kwarto nya. Ginitgit nya ang sarili nya sa isang madilim na sulok at don umiyak ng tahimik. Ganito lang naman kasi nagagawa nya sa tuwing sinasabihan sya ng kapatid nya at tuwing hindi sya pinapansin ng daddy nya.

Nang nabubuhay pa ang mommy nya, nakita nya kung pano umiyak ito sa isang sulok. Kitang kita nya ang bawat pag buhos ng luha nito sa piling ng daddy nya. Hindi sila pinapansin pareho ng daddy nya hanggang sa mamatay ang mommy nya. Hindi nya naramdaman ang pag mamahal ng daddy nya.

Hanggang dumating si Lyricko, Si Lyricko na nag pabago ng lahat sa buhay nya. Naging mag kaibigan sila, madalas kay Lyricko sya umiiyak at dahil kay Lyricko naging iba sya. Sa takot mawala sa kanya si Lyricko, lahat ng nag tatangkang babae dito ay inaaway nya. Hanggang sa mag sawa sila nito, tinapos ni Lyricko lahat pati pag kakaibigan nila.

"ANO BA NAMAN PINAG GAGAWA MO!?" galit na tanong nito sa kanya.

"I-Inaagaw ka nya sakin!" naka sibi nyang sabi. "A-ayoko, ayoko sa kanila!" umiiyak na sabi nya.

"ALAM MO BA ANG GINAWA MO AH?! MAHAL KO YUNG BABAENG INAWAY MO?! LAHAT NALANG BA, MJ?!! TANGINA!"

Lalo syang napahagulgol dito. Lahat ng kasalanan nya dito ay lagi syang pinapatawad pero iba ngayon.  Unang beses sya nito sinigawan, takot na takot sya dito dahil ngayon nya lang nakitang si Lyricko na galit na galit.

Possessive Lyricko Mendez (Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon