"L-lyricko." 

"SIMULA NGAYON, WAG NA WAG MO NA KAUSAPIN MJ! HINDI NA TAYO MAG KAIBIGAN PA!"

Tatlong araw syang hindi pumasok dahil sa sigaw ni Lyricko sa kanya. Nanginginig ang buong katawan nya habang tumatapak sya sa eskwelahan nila. Wala syang kain o tulog ng tatlong araw kaya masama ang pakiramdam nya. Wala man nag tanong sa kanya kung ayos lang ba sya o hindi.

"MJ!"

Malakas na tawag sa kanya ni RJ, bestfriend ni Lyricko na ka banda din. Tumingin lang sya dito at tumakbo ito papunta sa kanya. Unti unti nawala ang ngiti nito ng namataan ang itsura nya.

"A-ano nang yare?" he asked.

"A-asan si Lyricko?" naiiyak na tanong nya.

"N-nasa garden."

Mabilis syang pumunta don at hindi nya na pinansin ang tawag sa kanya ni RJ. Tumakbo lang sya papunta don kahit nanlalabo na ang paningin nya. Nang hihina na ang buong katawan nya pero hindi sya hihinto. She wants to talk him, she wants to say sorry to him. Ayaw nyang mawala sa kanya si Lyricko, si Lyricko nalang ang meron sya sa buhay nya.

Nakita nya ito habang may katabing babae, tumatawa. Eto yung babaeng inaway nya dahil inaagaw sa kanya nito si Lyricko.

"L-Lyricko." naiiyak  na tawag nya.

Napalingon ito sa kanya at unti unti nawala ang ngiti nito. Binigyan sya ng isang malamig na tingin. "What are you doing here?"

Unti unti nadudurog ang puso nya dahil sa sobrang lamig ng boses nito. Unti unti nanaman tumulo ang luha nya dahil don. "I-im sorry." her voice was cracked. "I-i am sorry Lyricko." nanginginig ang buong katawan nya sa sakit, sa gutom. 

"Our friendship is over now, Mj. Just leave, i don't need you anymore."

Lalong lumakas ang buhos ng luha nya. Umiling sya dito at pumunta sya sa pwesto. "N-no. Lyricko." 

"Mj!"

"I-Ikaw nalang meron ako, Lyricko. W-wag mo kong iwan. P-pangako hindi na ko magiging palaaway, h-hindi ko na sila aw--"

"MJ!"

Unti unti syang umantras sa lakas ng boses nito. Ilang beses sya lumunok dahil don. Kitang kita nya ang galit sa mga mata nito pero biglang nanlalabo ang lahat. Pinikit at dinilat nya ang mata nya pero walang pinag bago.

"Hindi kita kailangan sa buhay ko."

"M-mahal kita, Lyricko."

She has no choice kundi sabihin dito na mahal nya 'to. "M-mahal na mahal kita." 

"Wala akong pakielam."

"L-Lyricko pls. Kahit pag kakaibigan lang nati---"

"You know what, Mj? I really hate you. Bakit? You're brat, immature. Lahat ng tao nasa paligid ko inaaway mo. Also innocent people, pati ba naman ang mga taong mahihirap binubully? Hindi na ikaw ang MJ na kilala ko. Just Leave me alone please. Kasi kahit anong gawin mo? Hinding hindi na kita papansinin pa, wala na kong pakielam sa'yo simula ngayon."

Napababa ang tingin nya at nakita nyang mag kahawak ng kamay ang mga ito. Hinila ito ni Lyricko paalis sa lugar kung san sila nakatayo. Unti unti nag dilim ang paningin nya at naramdaman nya nalang ang katawan nya sa damo.

Nagising nalang sya sa isang lugar na puro puti. Nararamdaman nya parin ang panginginig ang buong katawan nya at pang hihina nito, isabay mo pa ang sakit ng puso nyang durog. Napangiti nalang sya at unti unti tumulo ang luha nya dahil sa sakit. Unti unti pumasok sa isip nya ang lahat ng nang yare at lalong lumakas ang tulo ng luha nya.

Possessive Lyricko Mendez (Series #2)Where stories live. Discover now