Chapter 4

38 0 0
                                    

Chapter 4

- Bestfriend -

   Kinabukasan ay nagising na lamang ako sa ingay na nag mumula sa ibaba. Shit! Nakalimutan ko pala ang mga walangya. Baka sila na yun. Bat ko ba kasi nakalimutan naag pasabi na uuwi ako. Ay oo nga pala, ang tanga ko biglaan nga pala ito. Haha. Bago ako bumaba ay nag ayos muna ako ng sarili ko at nakakahiya namang humarap na may muta at di pa ako nakakapag tooth brush man lang.

Habang pababa na ako ng hagdan ay dinig na dinig ko ang usapan ng dalawa. Haha.. Natatawa na lamang ako sa aking mga naririnig. Di pa rin pala sila nag babago.

"Shit!Andaming chocolate Ateng!" napangiti na lamang ako ng sinabi yan ng aking baklang kaibigan na si Pia. Pero ang tunay talaga niyang pangalan ay Isidro. Haha, ang bantot noh? Haha.

"Lintek na bruhang yun! Kung di lang natin schedule ngayon na bisitahin ang bahay niya. Di pa natin malalaman na nakauwi na pala siya. Kelan pa kaya nakauwi ang isang yun?" nahihimigan kong parang nag tatampong sabi ni Marj. Yes, tama kayo ng nabasa. Sa kanila kong dalawa hinabilin ang bahay namin habang wala ako. Nag papadala na lamang ako ng pera para sa maintenance namin at ayaw man nilang tanggapin ang pera na binibigay ko para sa pag babantay ng bahay ko ay nag papadala pa rin ako ng para sa kanilang dalawa.

"Ehem!" umubo ako para makuha ang atensyon nilang dalawa. At nang marinig nila ako ay sabay silang natulala at parang di makapaniwala sa nakikita.

"SHIT! BAKAL/ATENG!" sigaw nilang pareho at halatang tuwang tuwa sa pag kakita sa akin. At tumakbo na silang dalawa para mayakap ako. Haha. Namiss ko ang mga bestfriend kong ito.

"Shit! dahan dahan. Haha" natatawa kong sabi kasi muntik na akong matumba sa pag akap nila sa akin

"Lintek ka! Kelan ka pa nakauwi? Di mo man lang kame sinabihan. Sana na sundo ka namin. At nakapag pahanda kame ng welcome party para sayo." sunod sunod na tanong ni Pia. Haha.. Naratrat ako ea haha

"Haha. Dahan dahan ang mga tanong. Iisa ang kalaban." pag bibiro ko pang sabi sa kanya

"Grabe! Ang laki na ng pinag bago mo ateng. So, kelan ka umuwi? Wala pa man ding stock na pagkain ang bahay mo." pag tatanong din sa akin Marj

"Patatlong araw ko na dito. Oo nga ea walang pagkain ang bahay ko. Grabe kayo, ginawa niyong pulubi ang bahay ko ea." sabi ko na kinalukot ng mga mukha nila

"Haha, joke lang. Biglaan kasi ang pag uwi ko kaya di ko naakayo na sabihan pa." pag papatuloy kong sabi sa kanila

"Gaga ka talaga." naiinis na sabi nila pero nakangiti pa rin

"Sorry na. Hayaan niyo na, marami naman akong pasalubong sa inyo ea. Hanapin niyo na lang ang pangalan niyo sa mga gamit at marami dyan mag kakahiwalay lang kasi. At kung may gusto pa kayo kunin nyo lang" pampalubag loob kong sabi sa kanilang dalawa

"TANGINA! NA MISS KA NAMIN BAKLA!" sigaw na sabi ni Pia, sabay akap sa akin muli

"Haha.. Namiss ko din kayong dalawa. Siya mag halungkat na kayo dyan at ako'y mag luluto muna. Dito na kayo mag agahan, samahan niyo ako. Anong gusto niyong lutuin ko?" natatawa kong sabi sa kanila

"Di ka pa rin talaga nag babago. Dapat kame ang nag sisilbi sayo ngayon pero ikaw pa rin ang gumagawa niya para sa amin." di makapaniwalang sabi ni Marj. Nakinangiti ko naman ng marinig ko. Nasanay na kasi ako sa ganto na kapag may bisita o anu man basta na sa king bahay, pagod man ako o hindi. Bisita ko silang ituring. Haha

"HAha.. Parang pumunta lang ng Paris, kailangan ng mag bago?Syempre ako pa rin ito. Yung kaibigan niyong mabait at maganda" natatawa kong sabi sa kanila

"Talagang naingit mo pa ung maganda noh?" sabi ni Pia

"Aba, yun na lang ang puhunan sa bansang ito haha.. Siya, mamaya na ulit tayo mag chikahan. Kayo ng bahala dyan dalawa. Anong gusto mo ngang lutuin ko?" pag iiba ko ng usapan at baka di kame matapos sa pag yayabang haha

"Alam mo na ,namiss namin ang bopis mong luto na sobrang anghang" sabi naman ni Marj na parang na iimagine na ang pagkain muli ng aking especialty na Bopis. Tumango na lamang ako sa kanila at nag simulang humakbang papuntang kusina. Pero di pa man ako nakakalayo ay natawa muli ako sa pag kamangha ng aking mga kaibigan.

"SHIT! ANG BAGONG BRAND NG VICTORIA SECRET! ANG BANGO ,GRABE." di makapaniwalang sabi nung dalawa

"SHIT! ANG MAHAL SIGURO NG ISANG ITO. ATENG, SALAMAT SA MGA ITO!MAHAL NA MAHAL KA NAMIN. I SO LOVE YOU NA TALAGA" sigaw ni Marj. Napailing na lamang ako.Sa kababawan ng kasiyahan nilang dalawa. Wala naman kasi akong pag bibigyan kung di silang dalawa lamang. Kaya okay lang na mag waldas ng pera sa kanila.

▪▪▪

Di man nag tagal ay natapos na ako sa pag luluto ng agahan naming tatlo. Nag handa ako ng tinapay ,nutella,spam,egg,fried rice at ang request nilang Bopis.

"Talagang wala pa ring kupas ang bopis mo ateng" sarap na sarap na sabi ni Pia

"WHOOO! Ang anghang grabe!Ang sarap!" napabuga na lamang si marj na sabi haha .. Baliw talaga ang dalawang ito

"So, btw musta ang Paris? May manliligaw ba?" paguusisa nilang sabi

"Okay naman ang Paris. Maganda pa rin naman. Haha. Meron din naman, kaso di ko sineseryoso. Focus ako sa trabaho ko muna" sabi ko sa kanila habang kumakain ako

"Loka ka! Ilang taon ka ng gaga ka?Take a break minsan bakla" pag kukumbinsi nila sa akin. Para kasing di pa ako sasaya kung may kulang pa sa buhay ko at yun ay ung kapatid ko. Naisip ko din naman yan na di na ako pabata pa. Pero kasi kailangan ko munang mahanap ang kapatid bago ako mag settle down sa buhay ko.

"Haha. Darating din tayo sa puntong yan. Di pa lang talaga ngayon ang tamang oras" malumanay kong sabi sa kanila

"Dahil pa rin ba ito sa habilin ng mga magulang mo sayo?" seryosong tanong ni Marj

"Oo" malungkot kong sabi

"Konting tiis na lamang Ateng, malapit na nating mahanap ang kapatid mo" sabi ni Pia na kinagulo ng isip ko. Anong malapit ng sinasabi nila?

"Anong ibig niyong sabihin?" naguguluhan kong sabi sa kanila

"Yung pinadadala mo kasing pera para sa amin ay ginamit namin para maghanap ng kapatid mo. You deserve every happiness in this world , Lien" seryosong sabi nila.At ramdam ko ang unti unting pag tutubig ng mga mata ko

"Pero panong? Di ba para sa inyo yung dalawa?" naguguluhan kong sabi

"Di ba sabi naman namin na di namin kailangan ang pera at may mga trabaho naman kame at may sustento galing sa pamilya namin. Humanap kame ng magaling na Private Investigator, para mahanap ang kapatid mo. Konting oras na lang ang inaantay at makikita na natin ang kapatid mo." seryosong sabi nila, na nakapag paiyak na sa kin ng yun

"Shit! p-pero bigay ko sa inyo yun?" naiyak na sabi ko

"Alam namin. Pero kasi alam din namin na nag papakapagod ka dun para mag karoon lamang ng pera para mahanap mo ang kapatid mo" na luluha na ding sabi nilang dalawa. Di ko na napigilang mapahagulgol. Kung wala ang dalawang ito sa buhay ko, paano na ako? Napaka swerte ko. Thank you Lord for giving this such wonderful friends that I have .

"Oh gosh! T-thank you. T-thank you sa inyong dalawa. Di ko ineexpect na may ganto pag uwi ko. Akala ko mahihirapan pa akong hanapin ang kapatid ko!" naiyak kong sabi sa kanila at niyakap ko silang dalawa dahil sa sobrang saya

"Para ka na naming kapatid, Lien. Tandaan mo yan. Ang laban mo sa buhay ay laban din naming dalawa. Kaya kung magiging masaya ka pag nakita mo na ang kapatid mo magiging masaya na din kame. Mapapanatag kame para sayo. Yung di ka namin naiisip na baka mamaya kung ano ng maisip mo bigla dahil sa dami mong problem." naiyak na sabi nila at niyakap na din ako

"Thank you . Thank you. I am so bless to have you guys. I love you" galak na galak kong sabi sa kanila

"Remember that, you deserve to finally search for your own happiness in life. We love you Ateng" madamdamin nilang pahayag saakin. At napangiti na lamang ako. Yung sayang meron ako ngayon di ko mapaliwang ng maayos. Kakaibang saya na ngayon ko lang naramdaman.

Thank you Lord! Malapit na kitang makasama Andrei!

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon