"Milk pwede sayo?" tanong ko at pinakita sa kanya ang kinuha ko ref.

"Thanks!" sabi niya at agad kinuha sakin.

"Hey wait, malamig pa yan." sabi ko

"It's okay, mas gusto ko to." sabi niya at kumuha ng baso.

Nag punta kami sa sala dala ang strawberry na nakita niya sa ref. Hindi ko naman alam na mahilig siya sa strawberries, actually mahilig daw siya sa sweets, parang si.....

"Hoy bat ka nga pala na suspend? Anong ginawa mo ha?" tanong niya.

Kung kanina halatang nahihiya siya sakin, ngayon naman para kaming mag barkada lang kami, puro 'hoy' na ang tawag niya sakin. Napangiti ako at napailing.

"Wala." sagot ko at uminom ng coffee.

"Pwede ba yun wala? Ano nga kase?" ulit niya.

"Wala akong ginawa. Kaya ayun, basta. Ayokong pag usapan." sagot ko dahil nag iinit talaga ang ulo ko pag na aalala kong hanggang ngayon wala pa din silang lead kung san makikita si Cortez.

"Hmm, kay." sabi lang niya at inumpisahan na namang lantakan ang isang basket ng strawberries.

"Ikaw naman, mag kwento ka. Tell me about yourself." sabi ko.

"Mag tanong kana lang. " sagot lang niya habang namimili ng strawberries.

Nakataas ang paa niya sa sofa at nasa hita niya ang basket. She seems completely oblivious to the fact that she's only wearing my T-shirt and boxer shorts. Nag iwas ako ng tingin at uminom ng kape. Oh Jesus! I'm only human.

"S-sino yung lalaki kanina sa apartment mo?" tanong ko.

"He's Euann Sy, my ex-fiancé." she said.

Ex-fiancé? Pero mukhang may tama pa din naman ang lalaking yon sa kanya.

"Mahal mo pa din?" tanong ko.

"Nope. I never did. He's just a friend. And to make the long story short. 'Arranged Marriage' ." sabi niya at sinubo ang isang strawberry. Bakit pati pag kain niya ng simpleng pulang prutas na yon na aapektuhan ako?

"That sucks." sabi ko.

Uso pa ba ang arranged marriage ngayon? Kahit maaga akong iniwan ni Danielle, naranasan ko namang sumaya, naranasan kong mahalin at sapat na sakin yon.

"I know right. My life sucks. I have to deal with that 'family tradition' because I'm a freaking Chinese! Araw-araw sa buong buhay ko kailangan kong sundin ang utos ni Dad kahit na hindi ko gusto yon, because I'm a freaking girl! I always strive for the best para hindi ko siya ma disappoint, but in the end of the day hindi pa din niya magawang sabihin na 'I'm proud of you'. I'm the freaking first born at kasalanan para sa kanya at sa pamilya niya na pinanganak akong babae. Yeah. My life really sucks. " she said bitterly.

Nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi niya ang parteng yon ng buhay niya.

Bigla akong naramdam ng galit sa Daddy niya kahit na hindi ko pa naman ito nakikita. He's cruel. His daughter needs a father.

Tumayo ako at lumapit sa kanya, nagulat ata siya sa pag lapit ko kaya nayakap niya ang basket na hawak niya.

I took a deep breath at hinila siya patayo at niyakap.

"Chace ano ba, hindi ko kailangan ng awa mo. " sabi niya at pilit akong tinutulak pero mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya.

"Don't be sad Ellen Grace, hindi ka man nila pinahahalagahan, nandito naman ako. I will always be here for you." bulong ko.

"Hindi ko sabi kailangan ng awa mo! Let me go!" pilit niya.

Hinarap ko siya at hinawakan ang mukha niya. Hindi ko alam kung bakit ko to ginawa pero nasasaktan ako para sa kanya.

She's kind. Alam ko yon, ramdam ko yon kahit na ilang beses ko pa lang siya nakakasama. And to be honest, I want to protect her. I want to make sure that she's happy and safe. But how? Pano ko gagawin yon?

Kagaya ko, she's broken, not because of love but because of her own family.

"Let's try Ellen Grace. Lets prove them wrong. Lets run away. Just let me be your escape." sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Nakita ko ang pag aalilangan sa mga mata niya pero napalitan yon ng lungkot. Pumatak ang mga luha niya na ayoko sanang makita.

Ngumiti lang siya at hinawakan ang mukha ko.

"Thank you." bulong niya at nilagpasan ako.

---------------------------------------------------

Kotang kota na ang 3 update ko today ha. Nakakamiss din pa lang mag update ng ganito, pero nakakapagod din. Haha. Goodnight people :)

-Littlemisspauu  

Be my escapeWhere stories live. Discover now