“Wala lang. Friends naman tayo diba?” sabi nya na parang nag w-whine ng kaunti. Tinitigan ko lang sya na mejo nakatigala ako. Matangkad naman kase talaga sya, lalo pa’t naka flats kami pareho ngayon. Nag nod ako and nanahimik nalang.

Nung magbukas na yung elevator, lumabas sya at dun nakita ko yung pinsan nyang lalaki. Well, I don’t remember her introducing any other pinsan but Drake. Na ngayo’y empleyado narin ng kumpanya. She came out without looking back at me.

Nung magsara na yung elevator at nasa ground floor na ko—since Dylan texted that he’s already at the park—nakita ko si Chloe. “Ma’am, uuwi ka?” tanong nya.

Nag nod lang ako. “Yep. With my fiancé.”

“Fiancé?” she asked. I am never open to anyone so I believe she didn’t really know about Dylan.

“Yes. I am off for week, Chloe.”

“Uh…” she keeps on opening her mouth and about to speak but then not. Hanggang sa nag good luck nalang sya saken and wish me to enjoy my time with my fiancé. Suddenly, It just felt very weird.

-

Krull’s PoV

“Ma, kani-kanino ‘tong mga tsaa?” tanong ko kay Mama na busy na sa pag tutuhog sa dining room. Ako taga salansan ng mga idedeliver.

“Yung pinaka malaki kay Aling nita. Maliit kay Mang Bogs.” sagot nya at agad ko naman yun isinuksok sa bag ko. Pag pasak ko ng earphones sa tenga, pinatunog ko na yung bike ko to start my round today.

Natapos ako within an hour. Kahit pati mga gatas ni Kuya Bogs. Nagulat nalang ako nung makita ko si Mama na may isisnusulat sa maliit na log book nya. Listahan yata ng mga may utang sa kanya. Pero para sure, tinanong ko narin.

“Ano yan, Ma?”

“Anjan ka na pala Krull. May sasabihin ako sayo.” bigla naman akong kinabahan sa tono ni Mama na mahina na parang kakagaling lang nya sa pag iyak. “Namatay kase yung kapatid ko. Pinauuwi tayo sa Bicol para sa burol. Impake kana nak, tinda lang ako saglit.”

Kaya pala. Hindi ko na kamag anak yun kase Mama is the only pinsan of Papa. Anak kase sa labas si mama so kapatid nya yun sa iba pero nalulungkot parin ako kase minsan ko nalang makitang umiyak si Mama pinipilit nya pang pigilan kase kaharap ko sya.

“E para san yung book?” tinuro ko yung maliit na parang hindi naman listahan ng utang since may nakita akong staff na word.

“Ah wala yan. Listahan ng utang.” kinuha nya yun at nilagay sa belt bag nya. Lumabas na sya at nagbalot nako.

Wait. “Ma, Ilang araw tayo dun.”

“1month be.”

“Kasama ba si Drake?” tanong ko. Simula kasi nung sumasahod na, inumpisahan na ni Drake ilikas ang sarili nya at nag bed space na sa Makati.

“Wag na nak. Busy na kuya mo.” nag nod nalang ako at nag umpisa mag impake.

-

Sa totoo lang kahit dito ako lumaki sa Pinas with Daddy and Papa, di nila ako nagagala sa mga Province gaya nitong Bicol. Nung nakilala ko si Mama when I was 18, naigala nya ako sa Rizal. Rodriguez Rizal pero the said place seems like a sub urban. It has no difference in Cities dahil katabi lang neto yung one of largest city in PH which is the Quezon city. Although some part of it is bukirin, di ko parin na feel yung impact ng salitang ‘probinsya’ at naghinanakit pa ako nung bumagyo kaya di kami naka punta sa tourist attraction dun na WAWA DAM. Ang ganda siguro nun.

First time lang ako makakapunta ng probinsya lahit 25 nako ngayon at mag t-twenty six na.

Mejo hapon na ako natapos sa pag iimpake ng gamit. Halos four bags yung napuno ko at damit lang yun. Pero pag titignan ko parang sobrang dami talaga.

“Ma. Wag na tayo magdala. Hingi nalang ako pera kay Papa pang gastos dun sa Bicol.” sabi ko habang lumalabas ng bahay, sa ihawan ni mama. Wala pa naman syang costumer kaya okay lang kausapin.

“Nakakahiya sa Papa mo. Pamilya ko ‘to. Saka pano kung magka emergency tayo, di na tayo makaka ulit dun.”

“Grabe. Papa ko yun Ma. Di ako nun matitiis.”

“Kaya pala ilang buwan ka nang walang allowance.” Napangiti nalang ako sa pambabasag nya.

“Ma sige na. Dala nalang tayo ilan tas ako na bahala sa gastos.”

“Bahala ka nga. Tinatamad ka lang mag bitbit e.” nangisi ako sa kanya at agad nang itinext si Wyn.

{Bakla, were out in Bicol for a month. Wala ba akong Goodbye kiss?}

Isinoli ko yung mga gamit na binalot ko at tinira yung mga importante. Narinig ko nalang na may nagtext. Si Wyn.

{Omo bae aalis ka? Anubanaman yan wala akong partner in crime TT}

{Namatay kapatid ni Mama sa Bicol e.}

{Ow sorry. May she/he rest in peace Beks. Pasabi kay Tita.}

{Kita muna tayo. Bukas yata alis ko}

{Sure naman Beb.}

{Dala ka balita aa. *ehem* Jan *ehem*}

{Tigilan mo na bes. Ang gwapo ng fiancé ni Jan. Wala kang laban}

{FIANCÉ?!}

{Oo Beb. Mas gwapo pa kay Kieffer ko.} Pilingera kase tong si Wyn kaya pag may gwapo, Inaangkin nya agad. Pero fiancé?

Sabagay.

Walang imposible.

Between You & I (GxG)Where stories live. Discover now