"So Acosta..since when did you arrive?" Matigas niyang ingles kay Bernard.

Nakita ko ang pagtataka ni Bernard sa inaakto ni Kid.

"Just an hour ago. Hindi na muna ako natulog para makita agad si Mia at maibigay ko ang pasalubong ko." Parang bata lang na nagkukwento si Bernard at parang batang hindi naman marunong mag-appreciate ng kwento si Kid sa mga sandaling ito.

"I see Hindi ka pa ba aakyat kay Rage?
May concern ata sa'yo."

Nangunot lalo ang noo ni Bernard. "What could that be? Okay naman na ang napag-usapan namin noong nakaraan."

"I dunno. Let's go." Aniya at nakahalukipkip na inantay ang naguguluhang si Bernard na sumama sa kanya.

"Mia, I'll go for Now. Let's talk again about our dinner, alright?" Nakangiting kumaway pa si Bernard bago may sinabi na naman sa kanya si Kid na hindi ko na narinig.

Pinagmasdan ko sila bago sumara ang elevator at tumaas ang balahibo ko sa kalase ng pagkakatingin ni Kid sa akin.

Ano ba talagang problema ng mood ni Kid? Para talagang babae kung sumpungin iyon.

________________________

Mia:

Naipasyal ko na sa rooftop si Nay Cate kanina. Nakakatuwa talaga siya. Kinukulit na naman niya akong mag-aral.

Natetempt nga akong tanggapin. Pero hindi talaga ako sanay na tumanggap ng ganoon kalaking tulong mula sa iba.

Siguro..kapag natapos na yung laro ni Kid..mag-aaral ako ulit. Kahit short courses lang.

Naku Mia..Kid na naman.

Napailing ako sa konsensya ko.

Speaking of Kid..umalis siya kanina ng Del Fierro na ni hindi man lang ako kinausap o tiningnan.

Mukha pa rin siyang may sumpong at bahala siya sa buhay niya.

Nag-out na ako ng time card ko at humanda na ako pauwi sa apartment ng tiyahin ko.

Habang nasa jeep ako ay panay ang tunog ng cellphone ko.

Si kid tumatawag!

Pero dahil naalala ko kung paano niya ako dedmahin ay naisipan kong dedmahin na lang rin siya.

Kahit na gustung-gusto ko ng marinig ang boses niya ay pinigilan ko.

May mga message siya pero hindi ko na muna bubuksan.

Mamaya na lang pagkarating ko sa apartment.

Pero nang malapit na ako ay naisipan kong maglakad-lakad muna sa luneta.

Malapit lang kasi ito sa inuupahan namin ni Sunny.

Naupo ako sa damuhan at maingat na inilapag ang malaking supot na siyang pinaglagyan ko ng ilang paperbag na pasalubong ni Bernard. Mamaya ko na rin iyon titingnan.

Ewan ko. Ang tabang ng pakiramdam ko ngayon.

Namimiss ko ang buhay ko noong buhay pa ang parents ko.

May ganitong feeling sa Luneta, iyong bibigyan ka ng karapatang magsenti at tila maiintindihan ka ng paligid.

Malamig ang hangin na nararamdaman ko sa balat ko.

Marami ang mag-isang nagmumuni-muni na katulad ko.

Somehow..nabawasan ang bigat na nararamdaman ko habang pinapanood ang mga tao sa Luneta.

Hindi ko na namalayan ang oras.

Shit! Anong oras na pala.

Nagpasya na akong tumayo at umuwi.

May nadaanan akong nagtitinda ng cotton candy. Naalala ko ang ginawang strawberry drink ni Kid nang makita ko ang pink cotton candy.

"Manong, dalawa nga po."

Nakita ko ang pasimpleng pagngiti ni Manong. Marahil dahil masyado na akong malaki para sa cotton candy.

"Salamat po."

Masaya kong sinimulan kainin ang cotton candy at mabagal pa rin akong naglakad pabalik sa inuupahan namin.

Feel na feel ko talagang magsenti ngayon. HAYS!

"MIA!" nagulat ako sa biglang pagsulpot ng tiyahinn ko sa hagdan.

"Dios ko miyo kang bata ka. Kanina ka pa hinahanap ni Kid. Hindi ka raw sumasagot sa mga tawag niya."

Natigilan ako sa sinabi ni tiyang.
"Ho?"

"Aba'y oo maaga yun pumunta rito dahil nang magpunta raw siya sa Del Fierro ay nakaalis ka na. Ilang oras ngang naghintay sa labas habang kinokontak ka. Kaaalis lang niya mga trenta minutos rin siguro at susubukan ka raw hanapin sa ibang lugar."

Napatakip ako ng bibig sa sinabi ni tiyang.

Dali-dali kong tiningnan ang mga mensahe niya.

Dinner with Bernard huh?
Nice one, Mia. I didn't like what I heard and saw this morning. Gonna' punish you real hard.

Iyon ang pinaka-unang text niya, kanjna pa iyong umaga! Shit. Bakit ba hindi ko agad binasa?!

He's fucking drooling over you and I'm starting to hate it.

Don't go out with him please.

Sorry that I bursted out this morning. Wait for me later. I'll fetch you.

Mi? You're not answering any of my texts and calls, are you okay?

Mi..I'm already at Del Fierro. I'll wait for your text at the carpark. Tell me when you're done there and I'll go inside.

Mi? Why did you left? I told you to wait for me because I am waiting for you.

Napahawak ako sa dibdib ko sa mga mensahe niya.

I went to your place. Your auntie said you're not yet here. Where did you go?

I'll wait outside your place Mi.
Please come home.

Mi? Where are you? Damn it, I am worried like hell. Pick up your phone.

78 missed calls
Iyon ang nakita kong dami ng beses niyang tinangkang tumawag.

"Salamat tiyang. Ipapaalam ko na lang pong nakauwi na ako."

"Kow..masyado kang nagmamatigas kay Kid. Kawawa naman yung tao."
Umiiling pa si tiyang ng iniwan ako.

Dali-dali akong umakyat at nagtext.

Kid, sorry. Ngayon lang ako nagcheck ng phone. Nakauwi na ako. I'm safe. Wag ka ng mag-alala. Salamat.

Pagkasend ko noon ay nagsimula na akong magpalit ng damit. At nilantakan ulit ang cotton candy ko habang inaalala ang mga text ni Kid.

Ilang minuto na ay wala pa siyang reply.

Nagulat na lang ako ng kumalabog ang  pinto.

Nilock ko iyon ah..

"Kid!" Hinihingal pa siya.

"KID..tara sa baba. NAKU..bawal ang lalaki dito sa apartment ni tyang. Mapapagalitan tayo."

"Your aunt gave me keys..Mi."

Perfect DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon