Ako naman nakangiti lang labas gilagid ng 5 seconds.

Pagkatapos nun ay inirapan niya ko.

"Bakit?" Tanong ko.

Di niya ako pinapansin at nagbabasa lang siya ng spoken poetry niya.

Hinawakan ko kamay niya pero inaalis!

"Lexi..." sabi ko.

"What?" Sabi niya.

Naenglish pa ko.

"Pansinin mo po ako." Sabi ko.

At lalo niya akong hindi pinansin.

Hinawakan ko lang kamay niya kahit inaalis niya.

Buti maliit lang kamay neto.

"Bitawan mo ko." Sabi niya.

Di ko siya pinansin at tumingin lang sa whiteboard, kunwari nagbabasa kahit wala namang nakasulat.

"Galing mo rin eh, pahawak hawak ka sa kamay ng iba tapos hahawakan mo kamay ko. Papapisil ka pa ng pisngi mo, tapos galing mo mag good morning." Sabi niya.

Ayown lumabas din ang dahilan kung bakit nagsusungit.

"Ganto kasi yan, siya humawak ng kamay ko kasi pinakita niya na nilalamig kamay niya kasi kinakabahan siya para mamaya. Tapos pinisil niya ako sa pisngi kasi di ko alam." Sabi ko.

At totoo yun, walang halong biro.

"Ok." Sabi niya.

"Wag na magalit." Sabi ko at nilagay kamay niya sa pisngi ko.

"Oo na." Sabi niya.

"Ngiti ka na para hindi ko na makalimutan mga sasabihin ko mamaya." Sabi ko.

At nginitian niya ako.

At nawala lahatbng doubt, kaba at insecurities ko sa buhay.

Totoo nga yung "It only takes one girlnand her smile."

"Nakakakilig pa rin ngiti mo." Sabi ko.

"Hehehehe." Sabi niya.

"Magandang umaga B8." At pumasok na ang teacher namin. Eto na, its now or never. Palag palag na.

"Magandang umaga rin po Bb. Natividad."

"Umpisahan na ang bunutan." Sabi niya.

"Kinakabahan ako." Bulong ni Lexi sa akin at sumandal sa braso ko.

"Ako rin eh pero kaya yan dalawang minuto lang yan." Sabi ko.

"Ok po." Sabi niya.

Hanggang sa marami-rami na rig natawag at hindi pa kami natatawag ni Lexi.

"Sana matawag na ako ayoko ng kabahan ng ganito." Sabi ko.

"Alexandra Hernandez" sabi ng teacher namin at tumayo na si Lexi.

Tumahimik na ang lahat at...

Nag-umpisa na siyang magsalita.

Bakit walang pumapasok sa isip ko tungkol sa tula niya?

Pero hindi maalis sa isip ko kung gaano siya kaganda, sa bawat pagbigkas niya, sa bawat ngiti at ekspresyon ng mukha. Parang lahat sobrang ganda.

Ganito rin kaya siya sa tingin ng iba? O sa akin lang?

"..... at dito nagtatapos ang tula ko sa paksang Martial Law." Sabi ni Lexi.

Nagpalakpakan ang lahat at ako rin napangiti ako.

Napangiti rin si Maam Natividad.

Proud na proud ako sakanya! Woooooh crush ko yan! Hahahahahaha.

Umupo na siya sa tabi ko at hindi maalis ang ngiti sa labi niya.

"Wag mo ko kalimutan idol ah." Sabi ko.

"Sira! HAHAHA! Syempre. Ayos lang ba?!?!" Tanong niya.

"Ayos na ayos." Sabi ko at pinisil pisngi niya ng napakahina lang.

"Hehehe. Kaya ilibre mo ko mamaya." Sabi niya.

Bye bye money.

"Your wish is my command." Sabi ko at nag bow.

"Gabriel Diaz" sabi ni maam.

Letse ka maam. Ang malas ng kamay mo.

Tumayo na ako at pumunta na sa harap. Tumingin ako kay Lexi at nginitian niya ako.

Eto na to, let's do this...

------

Pabitin muna tayo. HAHAHAHAHA.

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon