"Are you done telling our stories? Ngaun nasabi mona na anak mo si Sasha, pwede kana bang umalis?" dumilat si mommy. Hindi ko alam kung bakit nabuo ang galit sa loob ko.
Ano akala niya sa akin? Robot? Walang feelings? I'm trying to absorb and understand everything pero ganyan lang siya? This is a big blow for me!
Bumaling sa akin si mommy. "Magpapasched ako sa kilala kong OB. Your baby can't live Sasha." salita niya kaya nalaglag ang panga ko.
"You can't do that! Wala kabang puso? Anong kahibangan yan Arlene!" sigaw ni uncle or papa or punyetang buhay to!
"Go to hell mom!" I shouted habang tumutulo ang luha ko. Anak niya ako pero bakit ganito? Sarili pa din niya ang iniisip niya!
I should be the one to get mad here, right? Ako ang niloko dito! At ako lang ang nasasaktan dito!
I've encountered so many defeats. In fact, for all the defeats that I've encountered. I've knew who I'm really are, what I can rise from, and how can I still comes out of it.
Nagpatalo ako sa lahat ng bagay pero hinding hindi ko ipapatalo ang buhay ng anak ko. Even if it means my own life.
Kitang kita ang gulat at panginginig mi mommy. "I tried so hard to keep our family, Sasha. I kept you and your real identity dahil ayokong madungisan ang pangalan ng daddy mo! He gave you his name, hindi ka pinagkaitan ng edukasyon at marangyang buhay. How can you do this to our family? Hindi mo alam ang mangyayari kapag nalaman nila na buntis ka. Kapatid mo si Luther--"
I cut her off. Iyak ako ng iyak dahil sa kabaliwan ni mommy. All this time ngaun ko lang naintindihan yung mga harsh na salita na binibitawan niya.Yung pagiging malupit niya sa akin. Pagkakamali niya ako. Bunga ako ng pagtataksil niya kay daddy. She's just trying to save her self and not this family! Selfish!
Maiintindihan ko pa si daddy kung bakit siya cold sa akin e. Hindi niya ako anak. Pero si mommy? Sarili lang niya ang iniingatan niya all along.
" Hindi kami magkapatid ni Luther!" sigaw ko. Isa isa nang tumulo ang luha ni mommy habang patuloy ang pag-iling.
"Anong klaseng tao ka mommy? You never tried to keep the family. You only want to save your self. Selfish ka! Sarili mo lang ang iniisip mo! Of all the things I've done to you naisip mo pa na patayin ang anak ko? Na apo mo? Nasaan ang puso mo? Kill me or whatever but I'm not going to give up my baby!"
Ang luha ni mommy ay unti unting nawala. Halos habulin ko ang hininga ko sa sobrang pag iyak. Nasasaktan ako para sa sarili ko at para sa anak ko. Hindi ko din alam kung paano ako babangon. Tinulak ko yung taong mahal ko para sa kanila. Tinulak ko siya kasi yun ang alam kong tama. And then, gusto din nila mawala ang anak ko?
"If the Dela Fuente found out that you-" umiling lang ako ng umiling habang umiiyak. Hindi ako makapaniwala na sarili pa din niya ang iniisip niya. She's been so hard on me dahil tingin niya ako ang sumira ng buhay niya. Ginusto niya yung pagkakamali na ginawa nila ni uncle John! Bakit ako ang pinagbayad niya?
Takot siyang sumabog ang totoo dahil takot siyang masira si daddy? Paano naman ako? Sinira niya ako buong buhay ko. Nagsakripisyo ako dahil akala ko yun yung tama. Iniisip niya ang mga Dela Fuente, pero hindi niya ako inisip? Anong klaseng ina siya!
"No one can hurt Sasha and her baby!" sigaw ni uncle John. "Tapos na ang kabaliwan ko seyo Arlene. I' m going to get Sasha.."
Tumingin si uncle sa akin. "You're on the right age to decide anak, come with me, I will give you my name. I will protect you and your baby.. Babawi ako sa lahat ng taon na wala ako sa buhay mo." lalo akong napahagulgol ng iyak. Iyak dahil sa halo- halong emosyon. Uncle John's words sent straight to my heart. Ngaun ko lang naramdaman yung genuine love and care ng isang ama, rather ng isang magulang.
"No! Sasha is my daughter. She's Yosef's daughter. Sino ka para kuhanin si Sasha!" sigaw ni mommy.
"You both had my words ng kinausap niyo ako ni Yosef years ago para kayo ang magsabi kay Sasha na anak ko siya. Years passed and it didn't happened. She' my daughter! Vera Cruz si Sasha!"
Tinakpan ko ang tainga ko dahil gulong gulo ako. Hayop ba ako para pag-agawan nila ng ganito? Hindi ba nila alam what caused me knowing the truth?
"Leave me alone!" sigaw ko. Napahawak pa ako sa tyan ko dala ng sobrang pagsigaw.
Napalapit si uncle John sa akin na puno ng pagasusumamo ang mga mata. "Please.." salita ko sa kanya. Huminga siya ng malalim at tumango.
"I'll be outside." tumalikod siya at hinila si mommy na nagpupuyos sa galit. Pagkalabas nila ng silid ko ay humagugol na ako ng iyak. Is this really happening to me?
"Wag kang umiyak, makakasama yan sa baby.." Napatingin ako kay Eros na seryoso sa gilid ko. He knows that I'm uncle's daughter. I want to shout at him and blame him. Kung sinabi niya ang totoo noon. Edi sana hindi kami naghiwalay ni Luther ngaun. And it made sense yung mga puzzled words niya sa akin noon.
Tumitig lang ako sa kanya kahit iyak pa din ako ng iyak. Gusto ko magalit pero napapagod na akong magalit. I just want to run from all of this mess.
"Can I borrow your phone?" salita ko sabay palis ng luha. Nagtataka man si Eros at iniabot niya sa akin ang phone niya.
I dialled Luther's number pero cannot be reach na. Panay ang pindot ko pero ala na talaga.
"He's out of the country, he's in Singapore perhaps?" salita ni Eros. Bakit alam niya lahat? Bakit pa ako nagtaka?damn it!
Nag- log in ako sa Facebook trying my luck to find Luther. Wala! Lalo lang akong naiyak ng makita ko ang status niya five hours ago..
Luther Jameson Dela Fuente
Babalik ako sa tamang panahon at tamang pagkakataon. I will come back to you, down on bended knee. Signing off.
Wala na siya. Wala nang tamang panahon at tamang pagkakataon. He's still bound to marry Celine. Wala na. Tapos na talaga tayo.
"Thank you..." sinoli ko ang phone ni Eros. Nagtalukbong ako ng kumot at tahimik na umiyak.
YOU ARE READING
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
37. On bended knee
Start from the beginning
