Tumango ako at pinalis ang pumatak na luha. Ano nangyari? I dreamt about to be a Vera Cruz kapag napangasawa ko si Luther. I never imagine that I'm literally a Vera Cruz!
"Paano niyo po akong naging anak?" sumeryoso ako. Gusto kong malaman ang lahat. Ayaw maniwala ng utak ko pero may bahagi sa puso ko ang na gustong malaman ang totoo.
"Your mom and I had an affair." Napatingin ako agad kay mommy na nakapikit habang hinihilot ang sentido niya.
"Minahal ko ang mommy mo kahit kasal na siya noon sa daddy mo."
"What?" hindi ko mapigilan ang pagsasalita. Nagtaksil din si mommy kay daddy?
"Stop it!" salita ulit ni mommy. Umiling ako at napatingin kay uncle John. Tumango siya at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Masaya kami ng mommy mo. Sabi niya, she fell for me dahil spontaneous ako, adventurous at happy go lucky. Something na hindi naibigay ni Yosef sa kanya dahil busy si Yosef sa business." huminga ng malalim si uncle John. Kitang kita sa mga mata niya ang sakit ng nakaraan.
" We're happy together until Yosef finds out about us. Hulog na hulog ako sa mommy mo. Nabuntis ko siya noon seyo pero iniwan niya pa din ako."
"It's because I love Yosef more than you!" sigaw ni mommy kaya napailing ako. Hindi iyon ininda ni uncle, he continued.
"Inilayo siya ng daddy mo. Kahit may pera ako at kapangyarihan, may pera din at kapangyahiran si Yosef para itago ang mommy mo."
Kumuyom ang kamao. I can't believe na nagawa iyon ni mommy.
"Si mommy ang unang nagloko noon?" tanong ko.
"Kelan ang birthday mo?" balik tanong ni uncle John. Nagtaka man ako ay sinagot ko siya.
"June 8, 1994," sagot ko.
"Luther's March 14, 1995."
Hindi man sinabi ni uncle John na direkta ang sagot ay nakuha ko na. My mom cheated first.
Alam kong matanda ako kay Luther ng months pero hindi ko inakala na si mommy ang unang nangloko kay daddy! Buong buhay ko galit na galit ako kay daddy dahil akala ko siya ang sumira sa pamilya. When in fact, si mommy pala ang unang sumira at nagloko!
"Yosef wants revenge. Dahil wala akong asawa ay asawa ng daddy ni Luther ang binawian niya."
Halos habulin ko ang hininga ko sa nalalaman ko. Bakit ganito? Bakit ganito kagulo ang buhay ko ngaun? What the hell have I done at binigyan ako ng ganitong buhay? Na magkapalit kami ng buhay ng taong mahal na mahal ko.
"Kelan niyo po nalaman na anak niyo ako?"
Napatingin si uncle John kay Eros na tahimik lang sa gilid ko. "Si Eros ang nakahanap seyo." so alam ni Eros ang lahat?
Kahit na unti unti nilang pinapaliwanag ay gulong gulo pa din ako. Kaano ano ko si Eros? Fuck! Eros Fuentebella? John Ricafort Fuentebella Vera Cruz? I don't get the logic. Bakit hindi siya kilala ni Luther kung related siya kay uncle John?
"Eros is my adopted son, anak siya ng isang pinsan namin sa side ng mother ko. That's why he's still using Fuentebella instead of Vera Cruz. Luther never met Eros dahil nasa side siya ng Fuentebella. "
Hindi pa ako nagtatanong ay nasagot na ni uncle John ang mga tanong ko.
"I never married anyone coz I'm madly inlove with your mom."
Tumingin si uncle John kay mommy na nanatili pa din nakapikit. Damang dama ko ang sakit, panghihinayang at longingness sa bawat salita niya.
Akala ko nung una ko siyang nakilala, he just simply don't want to settle down. Hindi ko inakala na may kwento pala ang buhay niya at bahagi ako noon.
BINABASA MO ANG
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
37. On bended knee
Magsimula sa umpisa
