Ibinalik niya ang tingin sa binata. "May maibibigay ba sila?"

He looked at her back and smiled. "Of course. They used to handle Goblin's Association case, natigil lang. But I'm sure they have the all the datas we could possibly use for this."

Napapitlag siya nang mag-ingay sa sahig ang baso niya. Napangiwi siya nang makitang nabasag iyon. Ano ba ang nangyari at natabig niya iyon?!

"You're mind is wandering again," anang binata na tumayo na kinuha ang walis at dustpan.

Nakagat niya ang labi at lihim na minura ang sarili. Baka isipin ng lalaki na wala siyang kamuwang-muwang sa trabahong iyon at palagi na lang siyang wala sa sarili.

Kung bakit naman kasi naging ganito pa kaguwapo ang partner ko! Pan de leche!



"SIYA na ba 'yan? Si Tomas Serago?"

"The one and only."

Muli niyang itinutok ang mukha sa screen. Kumpara kay Diosdado, mas bata si Tomas. Nasa early thirties lang yata ito. He was black, fat and bald.

"May ipinadala rin si Lei," anito at binuksan ang isang mensahe sa email nito.

Malakas ang signal ng gamit nitong broadband kaya naman hindi sila nahihirapan sa pagbukas ng emails. She was thankful for that.

"Tomas owns a small farm here. He's using that to protect his real work. Iyon ang sinasabi niyang kabuhayan niya. Siya mismo ang nangha-hack sa ibat't ibang protocol address ng mga bangko. It's either idinederetso niya iyon sa account nila or mismong ang mga member na ang kumukuha sa ATM machine."

"How could they do that?"

"They hack, Xynthia. They could do it without showing that they're thieves, dahil kusang lumalabas ang pera sa mga machine. And one more thing, sa mga grocery stores and malls, in every transaction--- small or big--- they get one hundred peso to a thousand. So isipin mo na lang ang nakukuha nila sa mga tindahang kontrolado na nila ang mga system unit."

Napatango siya. She was familiar with that kind of stealing. Nabasa niya iyon nang mag-research siya tungkol sa Goblin. Hindi iyon basta-basta nati-trace ng mga malls and grocery stores dahil aakalain lang ng mga ito na shortage lang iyon. When in fact, there was somebody getting the penny.

May ideya rin naman siya tungkol sa mga 'hackers'. Kasali sa training nila sa agency ni Lei ang paggamit at pag-aaral sa pasikot-sikot sa mga computer system.

"Alam na natin kung ano ang mukha niyang si Tomas, makikita rin natin siya rito," aniya sa lalaki at tumayo na.

Nag-inat siya at nagtungo sa labas ng bahay. Alas dos ng hapon. May mga nagdaraang jeep at motor pero ilan lamang. May mga taong dumadaan sa harap ng bahay nila, napapatingin.

The place was peaceful dahil ilan lamang ang mga bahay doon, magkakalayo pa. Umupo siya sa kawayang upuan na naroon sa harap ng bahay. Ilang sandali pa ay lumabas na sa bahay ang lalaki. Tumabi ito sa kanya.

"We'll get them, sooner..."

Napangiti siya sa sinabi nito. Paano ba naman, mukhang atat na atat na talaga ang binata na mahuli ang grupo.

"Gustong-gusto mo talaga ang kasong 'to, 'no?" biro niya rito.

Ngumiti ito sa kanya at umiling. "Not really. I just want to put them in jail. Hindi na tinapos ng agency na pinagtrabahuhan ko noon ang kaso nila. And that's what makes me sick. Parang ang titinik ng mga ito at hindi mahuli-huli."

Xynthia's Mission To Love (Raw/Unedited Version) (COMPLETED)Where stories live. Discover now