I Don't Wanna Hear It

53.2K 2.5K 506
                                    

"I'm breaking up with you." 'Yan ang mga katagang bumasag sa puso ko.

Akala nya yata hindi ko alam. Akala nya ay wala akong ideya. Ang totoo nyan, matagal ko nang ramdam. Hinihintay ko lang na sabihin nya. Kasi alam ko sa sarili kong hanggat hindi niya sinasabi, hahayaan ko lang. Mahal ko, e. I love her so much that I'm willing to pretend that everything's fine just so I could keep her by my side.

Kaya nga sa tuwing kausap ko sya at nararamdaman kong sasabihin nya na, umiiwas ako. Naghi-headset. Umaalis. Nagbibingi-bingihan.

May isang pagkakataon na nakainuman ko sya. Sa bawat tingin nya sa 'kin noon, ramdam kong gusto nya nang sabihin. Uminom ako nang uminom dahil sabi ng ilan, nakakamanhid daw ang alak. Naisip ko na kung sasabihin man niya, at least lasing ako, para hindi ko masyadong ramdam 'yong sakit ng mga salitang bibitiwan niya.

Uminom ako, pero hindi ako nalasing. Nagkunwari lang. Para kung sakaling sabihin niya, kaya kong magpanggap na wala akong narinig. Para wala pa ring magbabago.

I know that I am selfish, pero paano ko naman basta-basta na lang bibitawan 'yong taong minahal ko simula pagkabata?

Sa tingin ng nakararami, masaya kami. Tuwang-tuwa ang mga nakakikita sa amin. Itinadhana raw kami para sa isa't isa. Magkakaibigan ang mga magulang namin. Sa sobrang dikit ng mga ito, sa magkatabing bahay pa tumira.

Lumaki kami ni Jazz na palaging naririnig sa mga magulang namin na kami ang magkakatuluyan. Sa mura kong edad, 'yon ang pinaniwalaan ko. Mabuti akong kaibigan sa kanya, kaya ang akala ko, kung mamahalin ko sya nang higit pa roon, mamahalin din nya ako pabalik.

I was the happiest guy in the world when she said yes to me. But after a while, I noticed something off. Akala ko noong una, naninibago lang sya kasi magkaibigan na kami nang ilang taon bago naging kami. I thought she was just adjusting. But after a while, I realized that she doesn't really want to be with me.

Napilitan lang syang sagutin ako dahil gusto ko at ng lahat ng taong nasa paligid namin. She said yes because that's what everyone expected of her. Ayaw nyang maka-disappoint. At natakot din siyang kapag tinanggihan nya ako, mawawalan sya ng kaibigan.

Sinagot nya ako dahil ayaw nya akong masaktan.

Wala naman akong planong sabihin sa kanyang mahal ko sya nang ganoon kaaga. Kaso, nalaman ng nanay ko at sinabi nito sa nanay nya. Kung makapag-usap ang dalawa noon, akala mo'y mamamanhikan na kami.

Hiyang-hiya ako sa kanya noon. Hindi siya makatingin sa akin. Nakayuko lamang habang nag-uusap ang mga magulang namin. Sa sala nila, doon inayos ng mga magulang namin ang aming hinaharap. Kailan ikakasal. Saan titira...

I mustered all the courage I could muster and sent her a text message, asking her to talk. Gusto ko syang kausapin na kami lang, walang ibang nagsasalita at walang ibang nakikialam. Nalungkot ako nang hindi sya nag-reply.

Pero pumunta pa rin ako sa bubungan nila at naghintay. Hindi naman ako nabigo dahil lumabas sya ng kwarto nya. Balot na balot ng kumot.

Sa tagal naming tumatambay doon, unang beses siyang umupo nang may distansya sa pagitan naming dalawa. Unang beses kaming matagal na binalot ng katahimikan. Unang beses kong naramdaman na may nag-iba.

Pero naisip ko noon na baka bigla nabigla lang sya. Sinikap kong pakitunguhan siya nang gaya ng dati. Eventually, I courted her and she said yes to me.

Pero hindi nagtagal 'yong saya. Palagi syang umiiwas kapag kaya. Palaging walang sagot sa mga 'mahal kita' ko. Palagi syang may hawak na kung anu-ano para may dahilan siya para hindi hawakan ang kamay ko.

Sa kahihintay ko sigurong may magbago, inabot kami ng dalawang taon sa isang relasyong pakiramdam ko'y ako lang naman ang may gusto.

Iniisip ko nga kung ano ba'ng mali sa 'kin. Gano'n ba 'ko kahirap mahalin? Kung test question lang ako, ako na siguro 'yong pinakamadaling sagutan.

Pero bakit gano'n sya? Hindi man lang nya sinubukan.

--

But somehow, it seemed that my hoping paid off. Suddenly, she was holding my hand. Ngumingiti na siya nang kusa. Lumalapit nang kusa. Walang mapagsidlan ang tuwa ko dahil ang akala ko, mahal na rin nya ako, sa wakas.

May mga pagkakataong hinihila nya ako sa isang tabi. May sasabihin daw. Pero palaging nauudlot. Palagi syang umuurong. I thought that she was going to say that she loves me too, pero iba 'yong pakiramdam ko.

May kakaibang takot.

Naisip kong huwag munang masyadong umasa, dahil baka iba ang marinig ko sa kanya. I was unconsciously readying my heart for the pain, just in case.

I doubled the effort, became a lot sweeter. Best boyfriend na nga ang label ng iba sa akin. I did everything to make her happy, pero 'yong ngiti nya, hindi umaabot sa mga mata niya.

Noong birthday ng kuya nya, nagkayayaang mag-inuman. Kasama namin sya, tagakain ng pulutan. Ako, sinubukan kong maglasing. Sa paglalasing kasi, namamanhid ka sa pakiramdam. At the same time, nagkakaroon ka ng kakaibang tapang.

I wanted to kiss her that night.

Inaya nya ako sa bubungan para kausapin. Pinagalitan pa kami dahil lasing na raw ako. Baka malaglag ako. Pero nagpumilit siya. Inalalayan ako hanggang sa bubungan.

Nang nakaupo na kami, agad ko syang inakbayan. Hahalikan ko sya. 'Yon ang una kong gagawin. Pero inalis niya ang braso ko sa pagkakaakbay sa kanya at sinabing, "Toby... ayoko na."

"Ayaw mo na? Wala pa nga akong ginagawa, e," biro ko pa.

Kumunot ang noo nya at bahagyang inilayo ang mukha mula sa papalapit kong mukha.

"Ayoko na," seryoso niyang uit. "Tigilan na natin 'to."

--

Nagkunwari akong walang narinig. Na walang naintindihan. Na walang naaalala. At dahil ang akala niya'y hindi ko matandaan ang nangyari nang gabing 'yon, wala pa ring nagbago sa 'min. Hindi naman sya pwedeng makipaghiwalay nang hindi ko alam.

Simula noon, balik na naman siya sa umpisa. Nag-ipon na naman ng lakas ng loob na sabihin sa 'king ayaw nya na. Araw-araw kong kinatakutan ang pagdating ng araw na 'yon.

At isang araw nga, naramdaman kong desidido na syang magsabi. I was saved by the phone call from my classmate, pero nang paalis na ako, nakita ko ang mukha nya. Lugong-lugo, mukhang iiyak na. Hindi na siguro nya kayang magpanggap.

Mahal ko si Jasmine, pero gusto ko ring maging masaya na sya. Alam kong hanggang kaibigan lang talaga ako, at alam ko ring hindi nya na ako matututunang mahalin nang hindi pa roon. She already tried for two years, pero wala pa rin.

Kinagabihan, naabutan ko syang nakatingala na naman sa langit sa ibabaw ng bubungan nila. I smiled at her, 'yong ngiting halos ikamatay ko na dahil sa totoo lang ay gusto kong maiyak.

Naupo ako sa tabi niya at pinilit na minemorya ang lahat ng bagay tungkol sa kanya nang mga oras na yun.

"May sasabihin ka, di ba? Game."

"Toby..."

"Ano?" tanong ko kahit alam ko na.

"I'm breaking up with you."

--

"I'm falling in love and I cannot convince her

She's breaking away and my heart's breaking with her"

-Without You by Struan Shields

IJL #2: I Don't Wanna Hear ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon