Chapter 7

4.7K 123 1
                                    


ILANG beses na tinanong ni Pie ang sarili kung guni-guni niya nga lang ba ang narinig niyang sinabi ni Daniel. Pero base sa lakas ng tibok ng puso niya ay totoo nga ang narinig niya. Gusto siya ng binata. Kung tila walang kahirap-hirap nitong sinabi sa kanya iyon ay tila siya naman ang nahihirapang kontrolin ang sarili niya upang hindi mabulunan. Sobrang kinakabahan siya. Bagaman ay may mga binata ring nagpahayag sa kanya noon ng pagkagusto, hindi niya maipaliwanag ang nadarama niya ngayong si Daniel mismo ang nagsabi niyon sa kanya. Kinikilig siya na parang mahihimatay na siya sa kaba. It's just different with him. Siguro dahil hindi tulad ng mga naunang pagkakataon na may nagkagusto sa kanya, masasabi niya agad na parehas ang nadarama niya para dito. Sa loob ng halos isang araw pa lamang nilang pagkakakilala sa isa't isa ay agad nang nakagaanan niya na ito ng loob at mas lalong nakikilala niya pa ang tunay na pagkatao nito. With someone so kind, caring and sinfully gorgeous, what's not there to like? Iyon nga lang ay hindi niya ito maaaring sabihin ngayon nang harap-harapan dahil baka naman isipin nitong easy to get siya.

Napalunok si Pie nang muling pagmasdan niya si Daniel. Nakapatong ang isang siko nito sa ibabaw ng mesa. His one hand is cupping his chin, his index finger strokes against his lower lip while intently looking at her. Tila nanunuot sa kanyang kaluluwa ang intensidad ng titig nito at tila nanunuyo ang kanyang lalamunan habang pinagmamasdan ang mga labi nitong tila kaysarap halikan. Inisip niya tuloy kung ilan na kayang babae ang nakahalik sa labing iyon. Oh god! Agad na kinuha ni Pie ang kopita na naglalaman ng wine at ininom iyon. Ay hindi, tinungga niya na iyon sa sobrang kaba.

"Are you okay?" si Daniel. Napansin niya ang pagkagat nito sa ibabang labi nito na tila ba pinipigilang mapangiti. Hindi mapigilan ni Pie na mapamura sa isip dahil sa ginagawa nito. Ni hindi man lang ba ito aware kung gaano siya naaapektuhan ng mga kilos nito? Ni wala man lang ba itong ideya na napakaguwapo nito sa paningin niya? Kung malaman kaya nito ang epekto nito sa kanya, matatanong pa kaya nito sa kanya kung okay lang siya?!

"Ah..a-ano kasi," Shit! Kinakabahan talaga siya!

"It's okay Pie. I just told you I like you, you don't need to answer me back. No pressure. I just want you to know." Ginawaran siya nito ng matamis na ngiti na nakapagpatunaw sa puso niya. Napakamaginoo nito at sa totoo lang, may nakanti itong isang bahagi ng puso niya.

"Pasensiya ka na. Hindi ako sanay nang ganito." Nakita niya ang pagkagulat na gumuhit sa reaksyon nito pero saglit lang iyon dahil agad naman itong ngumiti. "Bakit?"

"Wala naman. Sa ganda mong 'yan, imposible namang wala pang nagtapat sa'yo ng pagkagusto sa'yo." Amusement was evident in his eyes.

"Mayroon naman kaya lang..." Kaya lang ngayon ko lang nagustuhan agad ang lalaking nagtatapat sa akin! Nakakahiya naman kung sasabihin niya iyon! "...kaya lang ikaw 'yan eh. I mean, ano ba naman ang kagustu-gusto sa akin para sa isang Danilo Elizalde III?" Kung tutuusin, wala pa sa kalingkingan ang ganda niya sa mga modelo at artistang nakakasalamuha nito araw-araw kaya hindi niya talaga maisip kung bakit gusto siya nito. Hindi naman siya nagrereklamo dahil lumobo naman nga ang puso niya sa sinabi nito, nagtataka lang naman siya.

"Well..." He continues to stroke his index finger across his lower lip and it's really distracting. Tinititigan siya nito na animo'y sinusuri ang buo niyang pagkatao at binabasa ang kanyang isipan. Sana lang ay wala itong kapangyarihan o wala itong lahing manghuhula dahil nakakahiya kung malaman nitong naghy-hysteria na siya sa kaba sa ilalim ng mga titig nito. "Kagusto-gusto naman ang lahat sa'yo. You have a very beautiful face and a sexy body to match with." Nalaglag ang panga ni Pie sa sinabi nitong iyon. Lumulobo na ang puso niya sa mga papuri nito at hindi niya rin mapigilang mapangiti nang mapansin ang tila nanunudyong ngiti ni Daniel. And that smile somehow lifted the awkwardness she's feeling. Kaya upang maiwasan ang pagkailang ay sinakyan niya na lamang ang sinabi nito. Sayang naman kung masisira ng pagkailang nila sa isa't isa ang magandang sandali na namamagitan sa kanila.

BGS 2: The Beach Club Book 2- Daniel ElizaldeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon