Chapter 9: The Last Date~

Magsimula sa umpisa
                                    

SHET! PARA AKONG NATATAE NA NALULUSAW DAHIL SA SOBRA-SOBRANG KILIG NA PINAPARAMDAM SAKEN NI LAXUS! :">

at dahil nga na stunned ako sa mga kinikilos nya tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa gusto nya.

nagulat naman ako ng bigla ako nitong hinalikan sa pisngi then sa noo, at nagsabeng "sige, goodnight."

at inantay nya akong makapasok ng unit bago umalis, pero may pahabol pa syang ginawa at yun ay kinindatan nya ako.

TAE NAMAN LAXUS?!? BAT MO BA AKO PINAPAKILIG NG GANITO?!? :">

~~~

kinaumagahan, nagising ako ng 8 am at dali-dali naman akong bumangon at naghanda para sa pag-alis namen ni laxus.

pagkatapos ko mag breakfast, at dahil maaga pa naman ay naglinis muna ako ng unit ko. di naman ito ganun kakalat kaya mabilis din akong natapos at yun naligo na ako.

talagang nagbabad ako sa cr para lang mabangong-mabango ako sa pang-amoy ni laxus.

ewan ko ba pero parang bumabalik ulit yung pagkaka inlove ko ulit sa kanya.

after kong maligo ay nagbihis na ako, simpleng floral na long sleeves polo na nakatupi hanggang sa elbows ko at black skinny pants at boat shoes lang yung suot ko at onting pahid ng BB cream at pulbos ayun, ayos na ako.

may 15 mins pa ako bago ako sunduiin dito ni laxus kaya naman nagrelax lang ako sa sala ng unit ko at maya-maya pa'y may nagdoorbel, at sa malama.ng sya na yun kaya pinatay ko na yung tv at lumabas na ng unit ko.

SHEMAY! ANG GWAPO NI LAXUS! pano ba naman naka white v-neck shirt sya na pinatungan ng leather jacket tapos jean at combat boots.

OH DIBA?! ANG BADBOY LANG NYA! :">

"baka naman matunaw na ako nyan." sabe nya sabay smirk saken. baket ganun ba ako katagal nakatingin sa kanya?

"CHE! lika na nga! sayang oras!" hablot ko sa kanya paalis ng tapat ng unit ko.

"excited much?!"pang-iinis nya na naman saken. hmph! pasalamat ka gwapo ka, kundi kanina pa kita nasapak.

"ewan ko sayo. teka san nga pala tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. andito na kame sa may parking lot ng condo.

"basta, magrelax ka na lang dyan. akong bahala sayo ngayong araw na'to." sabe nya sabay wink then binuksan na nya yung pintuan sa may passenger side then after nun umalis na kame.

~~~~
una nameng pinuntahan yung manila cathedral at dun nagsimba kame.

sobrang namangha ako sa ganda ng simbahan na yan dahil napaka historical nya. after namen magsimba dumerecho na kame sa next destination at yun ay ang star city.

~Fast Forward~

sobrang nag-enjoy lang ako sa date namen kanina lalo na nung nasa star city kame.

para kameng bumalik sa pagiging high school students nung sumakay kame sa mga rides at wag ka, ang sweet sweet lang talaga ni laxus!

pano ba ipinanalo nya ako ng isang medium size na pink bunny stuff toy na sobrang cute! ^///^

naku! kung nangliligaw lang talaga to saken sinagot ko na to. :) eh kaso hindi so yun wala akong magagawa.

andito kame ngayon sa project pie dito sa may shaw blvrd. and sobrang yummy lang nung ginawa nameng pizza ni laxus! pano ba naman may mozzarella cheese,pepperoni,bacon,ham,olives at kung anu-ano pa.

The Wedding Planner (boyxboy) (book 2 of '13') (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon