Chapter 10

8.2K 271 19
                                    

UNEDITED

____

Chapter 10

"Ouch! That hurt!" gulantang na reklamo ni Max, tutop ang pisnging agad na namula. "What's the matter with you?"

"You're asking me?! What are you doing here?!"

"Maliit masyado 'yong couch para sa akin. 'Di ako komportable."

"Tatlo ang kuwarto rito."

"Malinis, eh. Baka magalit ka kapag ginamit ko. Besides there are no sheets and pillows there."

"That's not an excuse. I think your phone's ringing. Answer it. And do it outside, all right?"

Tila magpoprotesta pa ito nang sagutin na lang ang cellphone. Lumabas ito at agad niyang ini-lock ang pinto niya. Sumakit ang ulo niya. Nang sipatin niya ang relo ay natuklasan niyang dalawang oras pa lang siyang nakakatulog. Muli na siyang nahiga pero matagal bago siya muling nakatulog.

Alas-dose ng tanghali nang magising siya sa tunog ng kanyang cellphone. Si Jorge ang tumatawag.

"Did I wake you up?"

"Sort of but it's okay." Naghikab siya. "Tanghaling-tanghali na rin naman. What are you doing?"

"I'm driving. I'm bored."

Nag-uusap sila nang bumaba siya ng kabahayan. Iniisip niyang wala na roon si Max pero nakita niya ito sa kusina, nagluluto. Ngumiti ito sa kanya. Hindi niya ito masita dahil may kausap siya.

"So, you wanna know where I'm driving to?"

"Sure."

"The yellow-colored house in Dark Chocolate One Street?"

Bigla siyang napatawa. Nabanggit niya rito nang mag-usap sila na kulay-dilaw ang bahay niya. "You're kidding."

"Nope. Nandito na sa ako sa guardhouse. Mukhang mahirap makapasok, ah?"

"Leave your license there. Tell them you're my friend."

Saglit itong nawala sa linya, dinig niyang nakikipag-usap ito. Nang muli itong mag-hello ay nanghingi ng direksiyon tungo sa bahay niya.

"Nakakakanan sa ako Cotton Candy. Kanan ulit, unang kanto?"

"Yup. Dire-diretso lang hanggang dulo. That's my street. Yellow house." Tinapos na niya ang tawag saka binalingan si Max na nakatingin lang sa kanya. "I have a visitor. Please leave."

"And who is your visitor?" Kumunot ang noo nito.

"None of your business."

"Kakain muna ako. Nagugutom na ako."

Nagkibit na lang siya ng balikat. Hindi naman niya ito kayang sipain palabas ng bahay. "Pakibuksan na lang ang pinto. Maghihilamos lang ako."

"Nandiyan na yata, eh. Ikaw na ang magbukas." Pumuwesto na ito sa hapag at nagsimulang kumain. Ibig man niya itong pagsalitaan ay tiniis na lang niya. Napasulyap siya sa salamin sa dingding. She looked like shit. Agad siyang naghilamos sa lababo at nagsepilyo na rin.

Sasaglit pa sana siya sa taas upang magpalit ng damit pero tumunog na ang doorbell. At ayaw na niyang pakiusapan muli ang hindi imbitadong bisita niya. Siya na nga ang nagbukas ng pinto.

Madami itong pasalubong sa kanya. Nagpasalamat siya at humingi ng pasensiya na ganoon pa rin ang ayos niya. Napatingin siya kay Max nang mapansin niyang napatingin dito si Jorge. Bago pa niya maipakilala ang dalawa ay nagsalita na si Max.

DARK CHOCOLATE SERIES 1 - Sweet Deceptions, Love in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon