Chapter 7

7K 224 1
                                    


Chapter 7

"Why should I think it over first?"

Pinagmasdan lang ni Max ang kanyang ama. Malapit nang matapos ang kanyang plano. Mabuti na rin dahil nitong huli ay panay na ang tawag sa kanya ni Gail at tinatanong kung kailan daw ba siya babalik ng Philadelphia.

It had been almost four months. He had Jaye hook, line, and sinker. At ngayon ay sinabi na niya sa kanyang ama ang relasyon niya sa babae at sinabi niyang seryoso na siya sa dalaga.

Hula niya ay nasabi na rito ni Jaye ang lahat kaya hindi na tulad ng inasahan niyang matinding reaksyion ang makukuha rito. Pero heto at sinasabihan niyang pag-isipan daw muna niya. Kahit kailan ay hindi ito nagbigay ng payo sa kanya sa mga personal na bagay na tulad niyon. Pero siyempre nga naman, iba kapag si Jaye na ang pinag-uusapan.

"Kakikilala mo pa lang sa kanya."

"So?"

Nagkibit ito ng balikat. "I just think you should take it slow."

"I want to marry her." Of course he had no intentions of marrying that bitch, but he wanted to see his father's reaction. At nakuha niya ang reaksiyong inaasahan niya. Natigilan ito.

"But you only met her, son."

Son? Now you're calling me son? Nasaan ka noong mga panahong kailangan ko ng tatay? The old man did not give a rat's ass about him all his life, now all of a sudden he cared about his love life? Sa paraan pa ng pagsasalita nito ay para bang isa lang itong concerened na ama.

Wala naman itong dapat ipag-alala, hindi rin naman niya talaga pakakasalan ang babae nito dahil hindi pa siya baliw. Iyon nga lang, sisiguruhin niyang pagtatawanan na ito ng lahat sakaling balikan pa nito ang babae.

He made sure everyone knew about his relationship with Jaye. At sisiguruhin niyang malalaman din ng lahat ang gagawin niyang pag-iwan dito. His father would never have her back.

Mukhang apektadong-apektado ito ngayon. Kasalanan din nito iyon. It was his karma bill for making his mother's life miserable.

"I don't care. I'm gonna marry her."

"She's not the one I see you growing old with."

Sure. 'Cause you see yourself with her. You're disgusting. I can't believe you're my father. You had an affair with a woman young enough to be your daughter at the expense of the lady who spent all her life taking care of you? I will never be able to forgive you. You're cold-blooded. Exactly like that bitch Jaye.

"And why is that?"

"I just don't think she's the type of woman who could stay home and take care of you and your family."

He was getting sick in the stomach watching his father lie to his face. Hanggang sa huli, mas pinili nitong pagtakpan ang kalokohan sa kanya. Hanggang sa huli, sarili lang nito ang iniisip nito. Sana man lang ay nagtapat na ito sa kanya, baka mas marespeto pa niya ito.

Kung totoo ang concern nito sa kanya, sasabihin na lang nito sa kanya ang katotohanan. He was his son, for God's sake! Pero mas gusto pa nitong panatiliing lihim sa kanya ang naging relasyon nito kay Jaye. He was a selfish bastard. Sariling anak, handang ipahamak. Ano bang klaseng tao ito?

He was so sickened he decided to leave. "I love her. And I will formally introduce her to you." Iyon lang at lumabas na siya sa kabahayan.

On the way back to his apartment he pictured how their formal dinner would be like. It would be fun to watch them both, feigning casualness for his sake. Not knowing he knew everything and hated them both.

DARK CHOCOLATE SERIES 1 - Sweet Deceptions, Love in DisguiseOnde as histórias ganham vida. Descobre agora