Chapter 9

7.8K 278 31
                                    

UNEDITED

___

Chapter 9

"What's wrong, Pam?"

Inis na inis si Jaye sa sekretarya. Ilang araw na niyang napapansin na para bang ilang na ilang ito sa kanya at nangangamba.

"N-nothing, ma'am."

Tinimpi na lang niya ang inis. Parang nahuhulaan na niya kung bakit ito nagkakaganoon. Alam na nito ang breakup nila ni Max. Lahat naman yat ang tao sa buong gusali ay alam iyon. As it turned out, some big mouth saw her and Max in the elevator and told everyone about it.

Alam niya ang bagay na iyon dahil nang magtungo siya sa coffee station ay narinig niyang siya ang pinag-uusapan ng mga nakita niya doong empleyado. Oh, she was so ticked off she wanted to yell at them. But she didn't. Ayaw niyang magmukhang tanga o bitter.

Wala namang alam ang mga ito sa totoong naganap. Ang alam lang nga mga ito ay wala na silang relasyon ni Max. Mga tsismoso at tsismosa.

Ang totoo ay masamang-masama pa rin sa loob niya ang nangyari pero mas makakaya niyang tiisin na pumasok sa trabaho kaysa magpahinga at magbigay ng impresyon sa lahat na miserable siya. Hindi rin niya maatim na maiisip ni Max na apektadong-apektado siya.

Days passed and she didn't see him. Alam niyang pumasok ito sa opisina pero hindi ito nagpakita sa kanya. Kunsabagay, bakit pa ito magpapakita? Alangang sitahin siya nito sa ginawa niya sa apartment nito. He must know he deserved every piece of turd there for being a jerk.

Wala siyang ideya kung nakumpirma na nito ang mga sinabi niya rito. Ayaw na rin niyang isipin pa ang mga bagay na iyon. Sa tuwing papasok sa isip niya iyon ay agad niyang pinapalis. Sa isip-isip niya, hindi na rin naman ito magtatagal doon. Tiyak na babalik na rin ito sa Amerika.

At kahit ang isang bahagi niya ay nalulungkot sa katotohanang iyon ay isang bahagi naman niya ang kahit paano ay nagiginhawaan. Kapag wala na ito, balik na sa dati ang lahat sa buhay niya. Maano ba't may isang office affair ang mabubunyag, o isang kasamahan ang mapapalitan ng bagong kaiinisan ng lahat. It was only a matter of time before people started talking about something else aside from her and Max.

Meanwhile, she had to endure pregnant stares. Salamat na rin at walang naglalakas ng loob na tanungin siya dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.

"Where's the disc I asked?" tanong niya sa sekretarya.

"Oh! Saglit lang po, Ma'am." Nagmamadali itong tumalikod at muntik pang matalisod sa sariling takong.

Hindi na siya makatiis. "Let's get it out in the open, Pam. If we're going to work together, we can't have this thing hanging above us. So what's bothering you?"

"N-nothing."

"The office rumor? It's true. Max and I are through. And it's okay with me. So please stop acting like... like... that." Napabuntong-hininga siya.

"O-okay. I'm s-sorry. A-are you okay, though?"

"Yes, I'm fine."

"It's just that I'm sorta worried." Kinagat nito ang ibabang labi, tila nag-alanganing ipagpatuloy ang sasabihin pero inudyukan niya ito. "Kasi po, dati takot na takot talaga ako sa inyo. I even planned on quiting. My nerves were always shot. I can't even sleep at night sometimes. Noong naging kayo ni Sir, n-nagbago kayo. That's why I'm still here."

Natigilan siya, mayamaya'y napatango. "I understand. Don't worry, I'll try my best to not change back to the horrible bitch I was. I'm sorry, Pam. I didn't know."

DARK CHOCOLATE SERIES 1 - Sweet Deceptions, Love in DisguiseWhere stories live. Discover now