"CAN I talk to her for a moment, son?"

Kinakabahan si Jaye. Tumango lang si Max at ngumiti sa kanya, saka iniwan na sila ng ama nito sa sala. Tapos na silang mag-dinner. Kailanman, hindi niya inasahan na kakabahan siya sa harap ng matanda.

Pormal na siyang ipinakilala rito ni Max bilang nobya nito. Ang sabi ng binata sa kanya ay nasabi na nito sa ama na napag-uusapan na nila ang pagpapakasal. He already proposed the night before. She said yes. At nauunawaan niya naman kung bakit nais siyang kausapin ng matanda.

Siguro ay nabibilisan ito sa mga pangyayari. At siyempre pa ay anak nito ang involved doon. Hindi iyon isang business deal, hindi iyon isang presentasyon. Gayunman, natutuwa naman siyang dama pa rin niya ang pamilyar na pagkakomportable nito sa kanya. They did not work together for years for nothing.

"S-sir?" aniya rito.

"Call me, 'Tito.'" Ngumiti ito. "So, you and my son, huh? That quite amazing."

"I know." Hindi niya mapigilang mapangiti nang maluwag. "Alam ko po na mabilis, Tito, pero m-masaya po kami ni Max."

"I can see that." Ginagap nito ang palad niya. "I just have one thing to ask of you, Jaye. And I hope you say yes to me."

"S-sure."

"I've not been with him most of his life. And I'm afraid in a lot of ways, you know him better than I do. I'm not particularly proud of the way I did my father role to him. But I love my son so much. It's just that I never was there. I wish I could undo some things in our relationship but I can't. And so I'm asking you to take care of him. Puwede bang ibawi mo ako sa anak ko?"

Magkakasunod ang ginawa niyang pagtango, bigla'y naluha sa sinseridad na nabasa niya sa mga mata nito. "I p-promise, Tito."

Dumiin ang kamay nito sa kanya. "I know you love your job so much. I've seen you through the years, Jaye. But when my son marries you, please make him your top priority. I will be your number one enemy if you don't."

Muli ay panay-panay ang naging pagtango niya. "I swear to you, Tito. I love him a lot. He's... he's... God, I don't even know how I survived without him in my life. I know it sounds corny but..."

"That's all I need to hear." Dalawang kamay na nito ang sumakop sa isang palad niya. "Welcome to the family."

"Thank you."

"Everything all right?"

Sabay pa silang napatingin kay Max. Nakakunot ang noo nito. Lumapit ito sa kanya at naupo sa armrest ng upuan niya. Sa kanyang pagkabigla ay sukat hinigit nito ang kamay niya at siniil siya ng halik sa labi. Pulang-pula siya nang tumigil ito.

"Everything's all right, Max. You take care of her."

"Oh, I certainly will, father."

Hindi niya alam kung dinaya lang siya ng kanyang pandinig pero tila ba may bahid ng sarkasmo ang pananalita nito. Napatingin siya rito. Muli na naman siya nitong siniil ng halik sa labi.

"M-Max! Ano ka ba?" Nahihiyang napatingin siya sa ama nito.

"It's all right," anang matanda. "You two take care now."

Nagpaalam na nga sila dito. Habang nasa sasakyan ay panay lang ang pagsasalita niya, inilalabas ang kanyang excitement na tapos na ang lahat ay naroon pa rin sa dibdib niya. After all, it was the very first time a boyfriend introduced her to a parent.

Napansin lang niyang tahimik lang ito nang malapit na sila sa bahay niya.

"Is there anything wrong?"

DARK CHOCOLATE SERIES 1 - Sweet Deceptions, Love in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon