Ang ikatlo niyang boyfriend naman ay isang abogado. Tatlong taon na ang nakakaraan mula nang magkakilala sila nito. Mas matanda ito sa kanya ng pitong taon. Akala niya ay nakakita na siya sa wakas ng taong ka-wavelenght niya. Nagkamali siya. He demanded time from her. And time was something she could not give him so very easily. Her job was her life. He broke up with her, saying he could not keep up with her busy schedule, among others.

All her exs were neither sweet nor thoughtful. At kailanman ay walang naging kaso sa kanya iyon. Matagal na niyang naitatak sa isip na hindi siya tulad ng ibang mga babaeng tampong-tampo na, hindi lang mabigyan ng bulaklak o makalimot lang sa anniversary, o kung anumang walang katuturang bagay na tulad niyon. Heck, she had forgotten about her own birthday a couple of times.

But what Max was doing to her felt awfully nice, she had to admit.

"Tell me about you," wika nito.

"What is there to tell?" Muli siyang naglabas ng sigarilyo at nahagip na ng kamay nito ang lighter at sinindihan iyon bago pa siya makapalag.

"I don't know. Tell me anything about you."

"Why?"

"Why not?"

"What's the use?"

Ang lakas ng tawa nito. "C'mon!"

"All right." Pinagbigyan na niya ito. Sinabi niya rito ang tungkol sa trabaho niya. Patango-tango lang ito, tutok na tutok sa sinasabi niya. Hanggang sa magtanong ito ng mga bagay na mas personal. Mukhang mas interesado ito doon.

Hindi na niya namalayan ang oras. Natagpuan na lang niya ang sariling labis na nag-e-enjoy sa pakikipagkuwentuhan dito. Nakaligtaan na niya ang kanyang pagtataka sa labis nitong interes. Ang simpleng katotohanan ay natutuwa siya sa pagbabagong ito.

Nang mapasulyap siya sa relo ay natuklasan niyang alas-dose na ng madaling araw. "It's twelve."

"It is? I didn't notice the time." Nakangiti pa rin ito. Para bang hindi ito pananakitan ng pisngi.

"We have to go."

Tumango ito at nagbayad na. Habang bumibiyahe ay napansin niyang hindi pabalik sa opisina ang tinatahak nitong daan. Agad niya iyong pinuna. Tumawa lang ito sa kanya at inabot ang kanyang palad.

"It's late. I'm taking you home." Ngumiti lang ito at hindi na pinakawalan ang kanyang kamay. She never thought she would ever enjoy holding hands with a man. Sa tuwing tatangkain ng mga nobyo niya dating gawin iyon ay iiwas lang siya at hindi na magpipilit ang mga ito. She had always thought it was tacky. She wondered what was different about Max's hand. Why didn't she feel uneasy?

"Are you aware you're holding my hand, Max?" pukaw niya rito mayamaya.

"Of course."

Hindi na siya umimik pa. Ganoon din naman ito. Parang kapwa na sila nakuntento sa katahimikan ng sasakyan. Tanging mahinang tunog ng stereo lang ang kanilang naririnig.

Itinuro niya rito kung saan ang bahay niya. Pagkaparada doon ay nagpasalamat siya rito. Hindi lang siya makababa dahil gagap pa rin nito ang palad niya.

"You're still holding my hand." Napangiti siya.

"I know." Ngumiti rin ito at hinagkan iyon saka pinakawalan.

She just stared at his face. She suddenly felt an urge to kiss him but she did not have the guts to do so. She asked him about her car, he told her he would take care of it. She thanked him once again, nodded, and got out.

Ihinatid niya ito ng tanaw, iniisip kung bakit hindi siya nito hinagkan maski sa pisngi lang. Nang maunawaan niya kung ano ang tinatakbo ng isip niya ay napailing na lang siya.

Kanina lang sa meeting nila ay wala siyang ginawa kundi pintasan ito, nakasama lang niya sa hapunan at nakakuwentuhan ay ibig na niyang hagkan siya nito. She sighed and shook her head.

Pipihit na sana siya nang may mapansin siyang kung anong ilaw sa bahay ni Isabella. Katabing-katabi iyon ng bahay ng ina nito. Mula nang pumanaw si Mrs. Filomino ay bihira niyang makitang may ilaw sa loob ng bahay, maliban na lang sa ikalawang palapag, hula niya'y iyon ang silid ng babae.

But the light she saw seemed to be coming from a flashlight. Pumasok siya sa kanyang bahay at tumaas sa kanyang silid. Mula doon ay pinagmasdan niya ang bahay. Baka namalikmata lang siya kanina. Hindi nagtagal, nakumpirma niya ang hinala. Mayroong tao sa loob ng bahay ni Isabella. Kung sinuman iyon ay gumagamit ng flashlight sa halip na buksan ang ilaw. Noon may pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay. Iniluwa noon ang babae.

"Shit!" Agad siyang tumakbo pababa ng bahay upang bigyan ng babala ang babae. Baka mapahamak ito sa kung sinumang masamang-loob na nakapasok sa bahay nito. "Shit!" muling sambit niya nang pagbaba ay makitang nakapasok na ang babae sa bahay nito.

Diretso siya sa kanyang china cabinet. Mula sa ilalim niyon ay nilabas niya ang kanyang baril. She had two guns. She was a member of the Responsible Gun Owners' Association. Ibinulsa niya ang maliit na baril at lumabas. Habang tumatawid ay kinokontak niya ang security guard ng subdivision. Busy ang linya.

Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa bahay ay bumukas na ang ilaw sa loob niyon. Nakarinig siya ng kung anong nabasag. Tinakbo na niya ang pinto.

"Isabella!" aniya. Agad bumukas ang pinto. Si Mister Filomino ang naroon. Pawisan ito. Takang-taka siya. "Mister Filomino. Is everything all right?"

"Everything's fine, Jaye. What are you doing here?" Halata sa pagtatanong nitong ayaw nitong makita siya roon.

"Akala ko may problema. Where's Isabella?"

"She's inside. It's late. Why don't you go home?"

There was something wrong and she knew it. "May nakita akong flashlight sa loob kaya inisip kong may nakapasok dito sa bahay. I have to talk to Isabella."

"I'm here," wika ng babae. Tipid na tipid ang ngiti sa labi nito. Tangan nito ang isang flashlight. "Tito Armado was trying to find something upstairs. Sira ang ilaw kaya ginamit niya ito. Thanks for your concern though. I appreciate it. Goodnight, Jaye."

Tipid na tumango sa kanya si Mister Filomino at isinara na ang pinto.

Wala na siyang nagawa kundi bumalik sa kanyang bahay. Her gut feeling was telling her something was strange about the two. But that was their business, not hers. At hindi rin naging mahirap para sa kanyang alisin ang isipan tungkol sa dalawa.

She took a shower remembering Max. She lied on her bed, smiling, recalling the things he said to flatter her. For the very first time in her life, she slept with the thoughts about a man in her head. And after a very long time, she once again woke up with a smile on her face.

DARK CHOCOLATE SERIES 1 - Sweet Deceptions, Love in DisguiseWhere stories live. Discover now