BLOOD 43: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (4)

Comincia dall'inizio
                                    

“Ah…” Wala akong masabi kaya’t ngumiti na lamang ako sa kanya. Kinuha niya ako ng makakain. Gusto ko siyang pigilan dahil nakatingin na silang lahat sa amin. Mabuti at wala pa ang aking mapapangasawa. Hindi ko naman kasi makita kung sino sa kanila.

Tahimik silang lahat na nag-aayos ng kani-kanilang mga pagkain kaya nakanap ako ng pagkakataong makapagsalita, “Maaari ko na po bang malaman kung sino ang makaka-isang dibdib ko?”

Napatigil silang lahat sa sinabi ko. Halatang gulat na gulat sila sa akin batay sa kanilang mga titig. Kung nakamamatay nga ito ay malamang, kanina pa ako tumaob sa kinauupuan ko. Isang tao lang ang hindi natinag, ‘yung katabi ko. Hindi siya umiimik at halatang masaya siya batay sa ngiti niya.

Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala ang aking ina at hinila ako sandali. “Anak, maaari ba kitang makausap sandali?”

 

 

 

 

 

 

Ito na ang aking kinatatakutan. Sinabi ko na nga ba. Bakit kasi nagpunta pa si Niell ditto?

Binangga ang dibdib ko ng kakaibang kaba pero sumunod pa rin ako sa aking ina.

“B-Bakit po?” Sabi ko ng makarating kami sa isang sulok ng palasyo.

“Pasensya ka na, Anak.” Sabi ng aking ina at halatang may pag-aalala sa kanyang boses.

CONCEALED VAMPIREDove le storie prendono vita. Scoprilo ora