xv. minor gods

Magsimula sa umpisa
                                    

Inirapan ko na lang siya tyaka nagtuloy sa pagakyat. Pumasok na kami run sa tree house at nakita ang malinis na pamamahay ni Kite. As in, omgs. Hindi mo aakalain na bahay niya 'to kasi sobrang ayos talaga! Parang ibang-iba sa personality niya. Inilibot ko ang mga mata ko sa buong bahay niya ng may makita akong lalakeng nahiga sa sofa at natutulog. Sa parte ring 'yon eh may babaeng nagbabaraha sa mesa. May lalakeng naghuhugas ng pinggan sa may lababo at may babaeng nagyoyoga sa mesa ng kusina.

OMGS.

So hindi lang si Kite ang nakatira rito? Ang dami pala nila? Wait, sino-sino sila???????

Lumapit sa'min si Kite, "Yung lalakeng natutulog sa sofa ay si Herod, anak ni Lord Hypnos." Hypnos, god of sleep. "Yung babae namang 'yon..." Sabay turo niya run sa babaeng nagbabaraha, "Cherish, daughter of Goddess Tyche." Goddess of luck? "Yung masipag don?" Turo niya run sa naghuhugas ng pinggan, "Goddess Hygieia's son, Hector." Hygieia, goddess of cleanliness. "Yun naman si Irene, daughter of Goddess Eirene." Eirene? Goddess of peace?

Wait, so lahat sila... demigods? Nagkatinginan agad kami ni Cy. OMGS, no please. Hindi ko ine-expect na marami pa palang demigods tapos tapos... omgs, paano na 'yung immortality????? Oh well, hindi naman siguro nila alam ang tungkol dun 'di ba? Hindi naman siguro ganun kadaldal si Kite sa kanila 'di ba? Huehue~

Biglang pumalakpak si Kite para kunin 'yung atensyon nila. Napatingin sila sa direksyon namin pati 'yung kaninang natutulog na lalake. Wow, ang bilis naman niyang magising? Tumayo silang lahat tapos lumapit sa'min. Oh, okay. So si Kite ang leader? Lol, ano 'to samahan ng mga demigods?

"I want all of you to meet Cy, son of Goddess Aphrodite..." Pagkabanggit pa lang sa pangalan ni Goddess Aphrodite eh halata na sa mukha nila ang pagkagulat, "...and Dani, daughter of Lord Zeus."

"OH. MY. GODS." Sabay-sabay silang napasabi. Yep, kahit 'yung mga lalakeng nandito eh ganyan din reaksyon.

Lahat sila nakatingin sa'ming dalawa ni Cy na parang hindi kumbinsido na totoo nga kami. Tinitignan nila kami mula ulo hanggang paa. Para talagang hindi sila makapaniwala na nandito kami. Lol, anong problema nila?

Wait, lemme clarify things-- 'yung mga babae eh mas focused na nakatingin kay Cy. Okay, can I just slap these bitches? Ganun ba kapogi si Cy para paglawayan? Bulag ba sila? -_____-

"Kite, are they real?" Bulong nung Irene kay Kite pero dahil katabi ko si Kite eh narinig ko pa rin 'yung sinabi niya.

"Of course, they are." Pabulong naman na sagot ni Kite sabay ngisi.

Ilang minuto pa nila kaming tinitigan. Pero ilang sandali pa lang eh inutusan na sila ni Kite na magsibalik sa mga ginagawa nila dati. Unang-unang bumalik sa pagtratrabaho si Hector na para bang mahal na mahal talaga niya 'yung ginagawa niya. Haha, halata nga kung sinong nanay niya.

Demigoddess - Daughter of ZeusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon