Chapter 6 (Part 2)

18 2 0
                                    

---Joseph---

Nasa BEG Lair kami ngayon at naghahanda para sa laban namin ng XD Gang.

Ang Lair namin ay isang nakatagong kwarto dito sa HQ namin. Dito namin inilalagay lahat ng weapons namin, mga importanteng dokumento, mga high-tech gadgets at dito rin kami tumatambay kapag nabobore kami. Malawak ang kwartong ito. May parang laboratory kami, weapon room, training room at gym, office, conference table (yung parang mahabang lamesa kapag may meetings), at leisure room na may billiard table, 50 inch na LED TV, mini-library, table soccer (yung table na parang may iniikot ka para matamaan ang bola na parang soccer game), at table hockey (yung nilalaro sa timezone na may pucks at tinatamaan na maliit na bilog).

Ang weapon room namin ay kumpleto sa lahat ng mga weapons. May mga gawa rin kaming weapons na convenient sa mga missions like laser pens (ang form niya ay parang ballpen pero laser ito at ginagamit na pangbutas ng kahit ano), acid powder (ito yung pulbo na may acid, once na nakalanghap ka nito ay magiging weak ang iyong body system at unti-unti kang manghihina), at ang latest development namin, ang CyberContacts (ito ay contact lens na may computer na nakakaprocess ng lahat ng gagawin mo. like kung saan located ang target, kung sino ang kalaban, at marami pang iba).

Nakahanda na kami kaya lumabas na kami ng Lair. Sumakay na kami sa aming high-tech na van na tinatawag namin na Blaze.

Si Blaze ay isang programmed na sasakyan. Voice recognition ang nagpapatakbo rito. Parang auto-pilot kung eroplano. May computers din ito sa loob na may access sa lahat ng satellites at may GPS din ito.

"Are you sure na gagawin natin 'to, Dark Emperor?" tanong ni Geoff, ang Black Prince ng gang.

"Of course. Para matauhan na rin sila." pagkasabi ko nun, wala ng nagtangkang magsalita sa kanila.

Lahat kami ay magaling sa martial arts at paggamit ng mga waeapons. May skills rin kami sa kung-fu na pinag-aralan namin sa China for 5 years. Kaming lahat ay matatalino at mabilis kumilos. Kaya naming tumanggap ng missions na kami lang mag-isa ang gumagawa.. Pero mas masaya pag marami. Next time ko nalang sila ipapakilala, one-by-one.

Nakarating na kami sa lugar kung saan namin haharapin ang XD Gang. Lumang warehouse. Tss, wala na bang bago? Like soccer fields or basketball courts? Bakit kailangang sa lumang warehouse parati?

Nang makapasok kami ay nakita ko kaagad ang leader ng gang nila, si Winston Andersen na kilala bilang Vain Killer. Ang gang nila ay kilala sa pagpatay ng kanilang mga biktima sa dibdib na direktang tumatama sa puso.

"Long time no see, Dark Emperor." nakangising saad ni Vain Killer.

"Well, I really don't want to see your damn face but I have to accept your challenge para matahimik na rin kayo at para matanggap niyo ang katotohanan na talunan talaga kayo."

"Huh, wag ka munang makampante, D.E.. Mas magaling na kami kaysa dati."

"Copying our skills, yeah. Pero kahit kailan hindi niyo kami matatalo."

"Nawala kami dahil nagtrain kami, kaya wag niyo maliitin ang kakayahan namin."

"Tumigil ka na nga sa kakadakdak mo diyan at magsimula na tayo."

Liningunan ko ang mga kasama ko at tiningnan ko sila sa mata isa-isa. Alam na nila ang ibig kong sabihin kaya naghahanda na rin sila.

Alam kong may back-up ang XD Gang mula sa mafia ni Leroi. Madilim ang warehouse pero hindi nakawala sa paningin ko ang mga tauhan niya na nagtatago sa likod ng mga malalaking crates sa warehouse.

Nakahanda na sana kaming sumugod nang magsalita si V.K.

"Hindi na natin kailangang magsimula dahil tapos na tayo."

Pagkasabi niya nun ay naramdaman kong may tumusok sa leeg ko. Kinuha ko ito at nakita kong isa itong needle na may lason. Agad umikot ang paningin ko at unti-unti na akong naghihina. Natumba ako at ang huli kong nakita ay ang nakangising si Vain Killer.

To be continued.

Just Another Hate Story (On-Hold/Under Revision)Where stories live. Discover now