Chapter 4

18 2 0
                                    

Kasalukuyang nasa grocery pa rin ako ng mall..

Mag-gogrocery na lang ako ng stocks para sa condo ko.

Nalilito na ba kayo kung saan talaga ako nakatira? Well, what do you expect? I cannot hide in just one place.

Back to my groceries.

Hmmm...

Lakad lakad, kuha dito, lagay sa cart, lakad ulit, kuha doon, lagay sa cart, lakad ulit..

Ganun ang ginawa ko hanggang sa napadpad ako sa free taste section.

Oo, inaamin ko, PG ako, di lang halata..

"Hello po ma'am. Free taste po ng newest product namin. Kuha lang po kayo." sabi ng promodizer.

"O sige miss. Thank you."

At ayun, kumuha na ako ng sample nila.

Sinubo ko ito at infairness ah, MASARAP!

"Miss, pwede isa pa? Ang sarap eh."

"Ahh.. sige po ma'am.. Kuha lang po kayo." tugon niya sabay ngiti.

Hahaha... Natutuwa talaga ako kapag may mga free taste sa mall..

"Ahm, miss? Pwede isa pang last?"

"Sure ma'am."

Pagkarinig ko nun, kumuha agad ako ng isa pa.

"Mish, ano nga phala ang phangalan ng phroduct niyo?" sabi ko habang ngumunguya.

"Heaven's Footlong Hotdog po."

"*COUGH**COUGH* TUBIG MISS! *COUGH*"

"Eto po ma'am!" Natatarantang sabi nung babae.

Agad ko namang nilagok yung binigay niyang tubig.

Grabe! Sabihin niyong napaka-green minded ko pero para sa pangalan ng isang hotdog, napaka--- ay! Wag na nga! Madudumihan lang yung mga isip niyo.

"Okay na po ba kayo ma'am?"

"Oo miss, sige.. thank you ng marami. Irerecommend ko yung product nyo sa mga kaibigan ko."

"Sige po ma'am, thank you."

"Sige miss."

Tatalikod na sana ako nang...

*BLAAAGGGG!!!* (Sorry, kapos ako sa sound effects)

.......................................................

Nag-gogrocery ako sa pinakamalapit na mall sa condo ko, paubos na kasi ang mga stocks ko..

Tumitingin ako ng mga pwedeng bilhin nang may mapansin akong magandang babae malapit sa free taste section. Hindi lang siya maganda, sexy rin siya, katamtaman lang ang height.. Siguro mga 5'4..

Mahaba rin ang kanyang dark brown na buhok. Maputi, at may pagka mestiza.

Oo, inaamin kong naaattract ako sa kanya. Kung makakita ka kaya ng isang diyosa? Hindi ka ba maaattract?

Bigla kong napansin na parang nabulunan siya sa kinakain niya na parang hotdog ba yun? Kaya agad ko siyang nilapitan.

Nung makalapit na ako, okay na siya.. Kaya lang..

*BLAAGGGGG!!*

Nagkabanggaan kami nung akma na siyang tatalikod. Ang tanga ko naman kasi eh. Sobrang lapit ko sa kanya.

"A-a-aray ko!"

Nang marinig ko siya, agad akong bumangon at tinulungan siyang makatayo.

"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

Just Another Hate Story (On-Hold/Under Revision)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora