"Why are you here?" harang ko kay daddy nang minsan siyang umuwi. I was so drunk that I can't hide what's really killing me inside.
"Atasha," malamig na bati niya.
"We're fine. I sacrificed everything.. Buhay ko! Tapos babalik ka dito expecting na tatanggapin kita ng buo? Shame on on us, dad!"
Nagulat nalang ako ng biglang lumitaw si mommy at sampalin ako. "You have no right to talk like that to your--" hindi na natuloy ni mommy ang sasabihin niya. Ginalaw galaw ko pa ang panga ko dahil sa sakit na natamo mula sa sampal niya.
"Be thankful that your here, Atasha.. Consider yourself a lucky one." malamig na salita ni daddy habang matalim ang mga mata ni mommy, hanggang tuluyan na silang pumasok sa bahay.
Till that day, mom gave me hell.
"Sino ang tatay ng pinagbubuntis ni, Sasha?" dinig kong salita ni mommy. I was awake the whole time. Ayoko munang dumilat hanggang wala ang doctor. I want to know if my baby's alright.
Kung may mangyaring masama sa anak ko. Ibibigay ko ang impyerno kay mommy.
" I don't know. Wala naman siyang boyfriend aside from kuya--" napahinto si Kristele sa pagsasalita na tila ba natauhan. Narinig ko ang pagtikhim ni mommy.
"Luther?" hindi ko alam kung kumpirmasyon iyon o tanong.
"Who would it be?" sagot ni Kristele.
"Then the baby shouldn't live." salita ni mommy. Nanginig ang kalamnan ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig. How dare she! My baby is her own flesh and blood!
"Mom! Naririnig mo ba sinasabi mo? Apo mo yon'! It's ate's baby!" marahas at malakas na salita ni Kristele.
Gustong gusto kong dumilat. Gustong gusto kong sigawan si mommy. Nanuot ang luha sa mga mata ko pero ginawa ko ang lahat wag lang itong tumulo.
"And Luther's baby too. Alam mo ba ang mangyayari kapag binuhay natin ang bata? Kahihiyan iyon sa pamilya! Sa industriya! Naisip mo ba ang daddy at lolo mo? Naisip mo ba kung ano kaya nilang gawin kapag nalaman nila na buntis ang ate mo?" salita ni mommy.
"They will understand.. Pamilya tayo! Dapat ikaw ang unang may alam niyan mom!" ramdam ko pa din ang paghihisterya ni Kristele.
Bakit ganoon? Buhay ang dinadala ko. Anak ko. Hindi pa man siya lumalabas ay ginaganito na siya ni mommy? Bakit? Hindi pa man siya lumalabas ay inaayawan na siya ng pamilya. Suck the reality that I can never give my baby a family.
"Goodevening." Narinig kong salita ng doctor. Sinimulan ko ang idilat ang nanginginig na mga mata ko.
Napatingin sa akin ang doctor. Kinabahan ako dahil walang bakas ng kahit ano sa mukha niya. Nakatingin din sa akin si mommy. Si Kristele naman ay lumapit sa akin. "Ate, how do you feel?" marahan tanong niya. Hindi ko siya sinagot.
Humarap ako sa doctor na nakatayo sa gilid ko.
"Yung b-baby?" nanginginig ako sa pagsasalita.
Weeks ago, nagpatingin ako sa doctor dahil sa mga kakaibang nararamdaman ko. I know there's something wrong with me. Pero kahit alam ko kung ano iyon, nagulat pa din ako. Pero, tinaggap ko iyon ng buong puso. Ang sabi ko sarili ko, papalakihin ko ang magiging anak ko ng hindi malalaman ni Luther.
I know it's unfair for him. Pero yun lang ang alam ko dahil kahit anong mangyari hindi kami hahayaan dalawa. Si mommy palang ang nakakaalam pero siya mismong ina ko ay gustong mawala ang anak ko. What more pa sila lolo?
No! Ipaglalaban ko ang anak ko. Sinukuan ko si Luther. Pero hinding hindi ko isusuko ang anak ko.
Huminga nang malalim ang doctor. Pakiramdam ko ay ang bagal ng oras sa sandaling ito. "The baby's fine. You really need to rest Ms. Dela Fuente, mabuti nalang at makapit ang baby. It's already 9 weeks. Have you been to OB?" diretsong sabi ng doctor. Sa haba ng sinabi niya ay tanging the baby's fine lang ang naintindihan ko.
Nakahinga ako ng maluwag. Tumango ako bilang sagot.
"Good, you should rest now. Baka idischarge ka tomorrow or the day after. Iwasan ang stress okay?"
Tumango ako at tipid na ngumiti. "Salamat po."
Lumabas ang doctor na tahimik lang si mommy. Lumabas saglit si Kristele para daw bumili ng makakain.
"Mabuti nalang at may out of the country trip ang daddy mo," pagbasag ni mommy sa katahimikan. Nanatili akong tahimik. Nanunuot pa kasi sa akin ang mga kataga na sinabi niya kanina.
Naisip ko kung nasaan na kaya si Luther? I want to call him pero naiwan sa bahay ang phone ko. And as if mom will let me use her phone!Shit!
Tumayo siya at pumwesto sa may paanan ng kama ko. "You should get rid--" I cut her.
"No!" sigaw ko. Hindi ko mapigilan ang galit at matinding iritasyon. Pero, hindi ko masyadong tinodo at baka mapano ang anak ko. Hinawakan ko ang tyan ko para protektahan.
"Ang tigas talaga ng ulo mo!" sigaw niya. Hindi ako kumibo.
Napatingin kami sa pinto ng may kumatok. Dahan dahan bumukas ang pinto at iniluwa si Eros na alalang alala ang itsura.
"Jesus! Are you okay?" Eros voice gave me comfort somehow.
"The baby's okay." sagot ko na ikinagulat niya.
"Why the hell are you here?!" sumigaw si mommy kaya nagulat ako. Si Eros ay hindi nagpainda. Nag igting ang panga niya at matalim na tinignan si mommy.
"What have you done to her?" malamig na salita niya.
"It's none of your business! Get out!" sigaw ni mommy.
"No," tumingin si Eros sa pinto na bumukas. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si uncle John na alalang alala ang itsura habang nakatingin sa akin. Ano nangyayari? Bakit nandito sila?
"Atasha," his voice croaked.
Si mommy ay parang uminom ng suka sa sobrang putla. Laglag ang panga niya hanggang unti unti siyang nakabawi.
"John-- what a-are you doing here?" dama ko ang nginig, gulat at takot sa boses ni mommy.
"I heard what happened to her. What have you done, Arlene?" puno ng galit ang salita ni uncle John.
Bumalik sa ayos ang mukha ni mommy. Awhile ago, she looked intimidated pero nakabawi din.
"You heard wrong.. Wala kayong karapatan dito! Umalis kayo!" galit na galit na salita ni mommy.
Malamig na nakatingin si uncle John kay mommy habang unti unting lumalapit sa akin. Hinawakan ni uncle John ang kamay ko at hinarap si mommy.
"You know I have, she's my daughter."
Whaaaat????
YOU ARE READING
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
36. My Daughter
Start from the beginning
