Hindi na din ako makapasok. Mas madami pa akong absent kaysa sa ipinasok.

All my friends were happy and excited at our grad ball. Ako? Nakatunganga ako sa kay mommy na iyak ng iyak.

"Atasha, call your dad.. Please, tell him  we need him." paulit-ulit na salita ni mommy.

Nung una, tumatawag ako kay daddy pero palagi siyang nag-sosorry.  Sorry his face! Lalo lang akong nagalit sa kanya. How dare he leave us?! How dare him to gave me the responsibility that I shouldn't have.

Years passed na umo-oo nalang ako kay mommy. I'm so fucking tired hearing dad's rejecting us.

Naging malupit sila sa akin. I was the one who took care of everything. Ni hindi ko na nga na-enjoy ang kabataan dahil ako ang gumawa ng responsibilidad nila.

Even so-- nakagraduate ako ng Senior high. Hindi nga lang ako nakapag march dahil may kulang akong isang subject na kailangan ko balikan. Nevertheless, natapos ko.

I was there to comfort mom my whole teenage years. Until I entered college. I was in freshman ng biglang nagbago si mommy.

"Sasha, I think babalik na ang daddy mo." she said happily. All those years passed. Never siyang naging masaya ng ganito.

Kahit paulit ulit na sinasabi ni mommy na babalik si daddy, wala pa din Yosef Dela Fuente na bumalik.

Somehow, nabago si mommy. Unti unti, bumangon siya.

Galit ako. Hindi ako nagsalita. Ganoon lang yon? Tatanggapin niya agad si daddy coz daddy wants to be back? Lahat ng sakripisyo ko nauwi lang sa wala?

Punyeta!

Totoo nga, bumalik si daddy. Mom was very happy and her world revolves only to daddy.

That's the beggining when I started to enjoy life. Nakasama na ako sa mga friends. Late na umuuwi at gumigimik.

Nakababaliw pala ang pagmamahal , Sa nakita kong nangyari kay mommy, natakot akong magmahal. I started to date. I don't want attachment so kapag dama ko na may seryoso na.. Tinatapon ko na agad. Ayokong magaya kay mommy na halos itapon ang buhay kay daddy.

"We're going back to the Philippines." masayang masaya si mommy ng sabihin sa amin ni Kristele ang balita. Kristele is at her senior year sa High school at ako naman, almost at my sophomore year in college.

"What!?" Kristele shouted histerically. "How about our lives here mom? I don't want to leave my friends," tumingin sa akin si Kristele tila ba nanghigingi ng tulong. "Ate Sasha.." maktol niya.

"Bakit tayo uuwi?" bumaling ako kay mommy.

"Nasa Pilipinas na ang daddy niyo, he's waiting for us." hindi kayang itago ni mommy ang saya niya. Umiling ako dahil sa pagkulo bigla ng dugo ko.

"Dahil nandon si daddy uuwi na tayo at ititigil ang buhay natin na nabuo dito? Mom-- have you forgotten what he did to us? To you?!" hindi ako makapaniwala sa inakto ni mommy. Bakit ganon niya nalang kadaling tanggapin si daddy?

"Your dad is,my everything Sasha," tumalikod si mommy at dumiretso sa kwarto niya.

Pinunasan ko ang luha ko. After everything I did for her-- si daddy lang ang mahalaga sa kanya. Anak niya naman ako diba? Hindi paba sapat yung presensya ko para sa kanya?

Umuwi kami sa Pilipinas. Doon pa din sa dating bahay namin pero malaki na ang nabago. Naging mansion na ito.

Umuwi kami doon pero wala pa din si daddy. At times, he's home pero hindi pa din siya doon nakatira.

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now