"Hindi na kailangan ugok tapos na. Nabigyan ko na sya ng tubig ko." Sabi ni Michael kay Nathan habang tinitingnan ito ng masama pero ibinalik lang ni Nathan yung masamang tingin. Bale ngayon ay nagsusukatan sila  ng tingin siguro mga one meter narin. Haha. Shempre joke lang pero para talagang may lumalabas na kuryente mula sa mga mata nila tapos ones na nagtama yung dalawang kuryente ay parang nagkakaroon ng spark. Ok magbibigay ako ng example. Imagine nyo yung isang wiring system, ones na nagshort circuit para ganun yung nangyayari ngayun.

"Ah. Eh Nathan salamat pero binigyan na kasi ni Michae eh kaya nawala na yung uhaw ko. Next time ko nalang iinumin yung sayo." Sabi ko naman sa kanila para matigil yung namumuong bagyo sa pagitan nilang dalawa. Teka tama ba yung sinabi ko ?? Para kasing ang laswa tapos ang pangit pakinggan ?? Psh. bayaan ko na ngalang muka namang walang nakapansin eh.

"Ah ganun ba ?? Sige, sige next time nalang pero pedeng magtanong ??" Sabi ni Nathan habang kinakamot yung batok nya.

"Nagtatanong ka na ugok !!" Mapangasar na sabat ni Michael.

"Ikaw ba ang kinakausap ko mokong ?? Wag ka ngang makialam sa usapan namin !!"  Maangas na usal ni Nathan at halata sa itsura nya na napipikon na sya.

"Oy! Oy! Tama na nga kayong dalawa dyan. Bangayan kayo ng bangayan !!" Pagpigil ko dun sa dalawa kasi nararamdaman ko na may namumuo ng maitim na ulap sa pagitan nilang dalawa.

"Teka nga lang Nathan ano ba yung itatanong mo ??" Dugtong ko pa tapos humarap ako sa kanya.

"Psh." Walang ganang sabat naman ni Michael.

"Ah. Ano kasi . . . Itatanong ko lang sana kung bakit pawis na pawis ka tapos andami mo pang mga sugat at gasgas sa braso at binti ?? Tsaka bakit bigla ka nalang nawala kanina ??" Tanong sa akin ni Nathan na halang curious sa mga nagaganap.

"Ah ano kasi . . . Ah !!" Kinakabahang sagot ko. Ano naman kaya yung sasabihin kong palusot ?? Hala pano na ito ?? Guys tulong please ??.

"Oo nga Janyl !. Mabalik tayo sa tanong ko kanina. San ka nga ba talaga naggaling ??" Biglang sumiryoso ang muka ni Michael nung humarap sya sa akin. Hala bakit parang kinakabahan ako sa mga titig ni Michael ?? Uwah !!

"Ano kasi. . . . Bila kasing nagkaroon ng emergency sa bahay kaya bigla akong umalis !!" Jutko po !! Kikabahan na talaga ako. Ayus kaya yung sagot ko ??  Sana talaga hindi na sila mangulit.

"Eh yang mga sugat mo ?? Napano naman yan ??" Tanong ni Nathan. Hala ano naman kaya ang isasagot ko sa tanong nya ?? Hala bahala na.

"Ah eto ba ??" Nakangiting sabi ko sabay turo sa mga sugat ko sa braso at binti. Hindi dapat ako magpahalata sa kanila !!

"Ano kasi . . Diba nga nagkaroon ng emergency sa bahay. Eh gaya tinahak ko na yung pinka mabilis na daan papunta don which is sa kawayanan kaya ito, Naparami nga lang ." Dugtong ko pa.

"Ah ganun ba ?? Ano namang klaseng emergency ?? Dapat sinabi mo kanina para nasamahan kita." Sabi ni Michael pero gaya kanina seryoso padin yung muka nya.

"Ano kasi nagkaroon nga ng   emer--- !!"

"Kring . . . Kring . . ."

Yes save by the bell. Wow lang ha !! Ang swerte ko naman parang kapapasok ko palang tapos uwian na. Haha.

"Ano kasi masyado syang personal at awkward kung sasabihin ko pa sa inyo kaya wag nalang nating pagusapan." Palusod ko sa dalawa. Sana maniwala at hindi na mangulit.

"Ah ganun ba ?? Sige tara na uwi na tayo hatid na kita sa inyo !!" Pagaaya ni Michael sa akin pero thirg time bumalik na sa dating titig at ekpresyon yung muka nya kaya napa "HAY" nalang ako kasi ngayon alam ko na nagsinungaling naman ako sa kanila. . . Sorry !!

TEENAGE HERO |ON GOING|Where stories live. Discover now