"Bes, ayaw mo talagang bumili?" sabi ni Rosie sa'kin habang siya ay bumabayad sa cashier.
"Ayoko. Nag-iipon nga ako diba para sa darating na Fanmeeting ng BTS."
"Hindi pa ba sapat ang pag-sasakripisyo mo sa 'Dalawang taong hindi gagastos' na kahit piso?" reklamo ni Rosie sakin.
"Sus. Maliit na bagay lang yun Rosie. Ang mahalaga, si Jimin kooo! Yieeee!"
"Hala Gaga, mukha kang tanga." reklamo ulit ni Rosie.
"Alam mo, pabayaan mo nalang ako kasi...GA-GRADUATE NA TAYO BUKAS!" Sabay hatak ni Rosie pauwi.
-GRADUATION DAY-
Ito na...
Ngayong araw, hahawakan ko na ang aking Diploma....
"Ella Watson."
Pagkatawag ng pangalan ko, agad naman akong tumayo para kunin ang aking mahal na Diploma.
Proud na Proud naman sina Mama at Papa ko. Sila ang dahilan kung bakit ako nakatungtong dito. Sila ang dahilan kung bakit ako nakatapos. Sila ang dahilan kung bakit ak---
Hepp! Itigil na ang pag emote emote ko dito at pumunta na sa Party na ginawa ni Professor sa aming 'Batch 2017'.
Syempre pagkadating namin ni Rosie sa Party, agad akong pumunta sa 'Kain section' dahil mukhang masarap yung mga pagkain at pati narin yung Desserts!
Susubo na sana ako ng Cupcake, kaso may pumigil sa akin.
"Hoy Ella wag mong ubusin yung desserts, hindi pa nagsimula yung event." reklamo ni Vivian sakin.
"Hindi ko pa nga natikman Vivian."
"Kunwari ka pa, aminin mo na may tinago ka dyan sa loob mo."
Aba. Alam niyo guys mabait naman ako eh pero ng dahil kay Vivian, parang gusto ko nang pumatay.
"Tara na nga Ella, hayaan mo na siya." hinatak ako ni Rosie paalis kay Vivian.
Syempre dahil ako ang mabait, hahayaan ko nalang siya. *SmileEmoticon*
Pagkatapos ng Speech ni professor, nagsikainan naman ang lahat, nagkwentuhan at sumasayaw sa gitna.
Kinabukasan...
Hindi naging maganda yung umaga ko dahil nakalimutan ko ang pinaka importanteng bagay sa buong pagkatao ko.
Nakalimutan ko na may Flight pala ako ngayong 10:30 am! Manila to SoKor. Eh anong oras na? 9:32 am!
Dali dali akong nag ayos at nag empake.
Pinasok ko sa bag ang mga damit ko, ARMY BOMB ko,ALBUMS ng Idol ko at iba pang gamit na kailangan.
Pumunta muna ako sa kwarto ng Kapatid ko na si Rosie. At Nakita ko naman siya nakahandusay sa kama niya na parang walang tulog ng 100 Years.
Pupunta din naman siya sa SoKor kaso lang, to make the long story short, mali yung date na pinabook niya.
Sabi niya May gagawin daw siya ngayon kaya hindi siya makasabay.
Sus kunwari pa. Eh nung nagpabook siya, mali yung date sinabi. Her and her reasons.
Agad akong bumaba at pumuntang kusina kung saan nadoon si Mama.
"Ma! Ba't di niyo ako ginising!?"
reklamo ko kay Mama habang siya ay nagluluto ng Breakfast.
"Bakit? Ngayon ba yung Flight mo papuntang Korea?"
"Mama naman eh!"
Tumawa siya. "Ohsya, kumain ka muna."
"Wag na po Mama, late na ako as in! Salamat sa Breakfast ibigay mo nalang kay Rosie!" Sabay kiss kay Mama at tumakbo paalis.
Habang nasa loob ako ng Taxi, tinext ko muna si Papa.
•KAKAOTALK•
Me: Appa, aalis na ako.
Appa: Sige anak, Ingat ka don, Paki-Hi nalang kay Jimin *KissEmoticon*
Me: akin siya Pa! *AngryEmoticon*
Appa: Hahahaha *LaughEmoticon* Oo na, Oo na. I love you anak *HeartEmoticon*
Napa-tawa ako saglit dahil ang cute ng Papa ko Hahahaha!
Me: I love you too Appa *KissEmoticon*
End Text...
Manila to Seoul... ✈️
This is it Pancit Canton ni Sharon Cuneta! Andito na ako Korea!
Hindi talaga ako makapaniwala na nasa Incheon airport na ako.
Good Lord! Thank you! After ng ilang taon na pagtitiis, nandito na ako! Hindi na ito Pantasya, this is real!
15 minutes of walking in the Airport...
Lakad doon, lakad dito hindi ko na namalayan na nawawala na pala ako! Halaa nasan na ako?
*FIREEEEE!! FIREEEEEE EYO EYO FIREEEEEEE---
Hala tumawag si Kayne, anak ng kaibigan ni Mama.
Mabuti nalang napatawag siya.
Me: Hello? Kayne!
Kayne: Where are you?
Nakalimutan ko nga pala na 'English yes nosebleed is me No is him' pala tong kausap ko.
Me: I'm lost help.
Kayne: Hahahaha I'm not shocked.
Me: Don't laugh Kayne.
Kayne: Sorry Sorry..Umm...Can you describe what you see?
Me: Hmm.... Ano... There is a store called 'The Big Hit' and also...
Paikot ikot yung tingin ko sa paligid hanggang sa may nabangga ako at nabitawan yung Cellphone na hawak ko patay!
"Chwesohamnida" paumanhin ko.
Chwesohamnida means 'Sorry' in english
"Gwaenchana" sabay ngiti niya.
'Gwaenchana' means 'Its okay' in English.
Napansin ko na kinuha niya ang cellphone ko at nakita ko na si Jimin na 'nakahubad sa pang-itaas' yung wallpaper ko.
Napalaki yung mata ko dahil nakita niya yun. Tinignan lang niya yung wallpaper ng sandali at Binigay yung cellphone sabay ngiti sa akin.
Halaaa Baka isipin niya na Pervert ako.....
Pero, slight lang naman.
