📝In Between Worlds📝

105 6 20
                                    

Title: In Between Worlds
Author: zyronzester
Parts: 9
Genre: Genfic

Title: In Between WorldsAuthor: zyronzesterParts: 9Genre: Genfic

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Warning: please be open-minded)

A. Story Description
- Interesting! Flawlessly done. Nahatak mo ko honestly.

B. Characters
- I'm not choosy in terms of story genre. I read anything as long as it's a story. I don't know how to say this but despite the knowledge that Jere is a man, I can't stop myself from visualizing him as a woman. I don't know why. Si Gabriel hindi mahirap ivisualize as gwapo, matipuno and sporty but with Jere medyo napagkakamalan ko siyang girl habang tumatagal kahit na 'kuya gwapo' ang bansag ni princess sa kanya. Maybe because ramdam ko 'yong intensity ng feelings niya towards every encounter nila ni Gabriel. Iyong parang kering-keri niya 'yong feelings niya despite his being a man. Basta ang weird lang ng feeling ko. Siguro sobrang galing niyo lang .

C. Setting
- klaro at walag kahirap-hirap ivisualize.

D. Plot at content
- Ang saya isipin na ang lakas ng loob mong isulat kung anong nasa isip mo. Ang iba nangangapa kung anong gagawing hatak kapag ganitong kwento ang ginagawa dahil mahirap magplease ng readers kapag ganito ang concept ng kwento. But with what you have done, kahit few chapters pa lang, ang gaan-gaan niya basahin.

Two thumbs up ako sa plot mo. Sobrang galing ng pagkagawa mo dito isama mo pa 'Yong pagiging flawless ng content. Very light 'yong mode kapag binasa mo siya yet the emotions flowing were really really heavy. Feel na feel ko 'yong bawat emosyon ni Jere. From the start to the last chapter never ako nakaramdam ng pagkailang sa kwento. Napanindigan mo 'yong third person POV na ginamit mo. I guess sobra 'yong naitulong ng napili mong POV para mas maging maganda 'yong flow ng storya.

Nakakalimutan kong hindi siya 'yong normal na kwento ng isang babae at lalaki. Sobrang kilig 'yong nararamdaman ko sa tuwing nagbabatuhan ng linya ang mga character mo.

Isa sa pa sa nagustuhan ko sa kwento ay yong usapin sa paniniwala na nagbigay sa akin ng magaan na pakiramdam. I admire the bravery and courage that you have to create this story. Alam naman natin na ang relihiyon ay isang mahirap na usapin. Pero sa kwento mo, ipinaalala mo na 'hindi namimilit ang Diyos' at ang pasensya at pagmamahal Niya ay walang hanggan. Maayos mong nailahad ang usapin tungkol sa pananampalataya sa Diyos anuman ng relihiyong ating kinabibilangan at ang pagtanggap sa sarili ng buong-buo at walang pag-aalinlangan. Siguro isa I to sa dahilan kung bakit magaan sa pakiramdam ang kwento mo kasi hindi siya namimilit. Gradual 'yong daloy. Hindi mo minamadali at hindi pilit 'yong pinapakitang emosyon. Naipakita mo dito 'yong reyalidad na hinaharap ng mga katulad ni Jere sa mga mapanghusgang tao na katulad ng tindera sa tindahan kung saan bibili sana siya ng tubig. Naipakita at naipadama mo 'yong totoong mundo na meron si Jere, 'yong mundo na hindi lahat nanghuhusga at hindi lahat binabase sa kung ano ka at sino ka. At iyan ang ikinaganda ng kwentong ginawa mo. Hindi lang siya nagkukwento, nagbibigay din siya ng aral sa buhay.

Wala akong masabi sa grammar, punctuation and choice of words mo dahil halos wala akong makitang mali. Alam kong hindi ako professional pagdating sa technical but 'yong nakikita ko ay halos tama naman base sa mga nababasa ko sa mga niresearch ko. Pleasing to the eyes ika nga.

E. Conflict
- Person vs self and person vs person
- Klaro sa kwento 'yong conflict na nacreate mo. Ramdam na ramdam ko habang binabasa siya lalo na sa side ni Jere. Napaparamdam mo siya sa takot, pangamba at pag-aalinlangan na nararamdaman ni Jere. Naipakita mo din ito sa mapanghusgang tingin at salita ng tindera sa tindahan. Inaabangan ko pa ang mga susunod lalo na pagdating ni Alisha sa pagitan nila ni Gab.

F. Resolution
- Normal 'yong tira mo dito. Normal in the sense na pinapakita mo pa din and reyalidad at normal na pakikitungo pagdating sa mga issues na nabanggit sa kwento.
- Now, maybe some if your readers will say dapat may happy ending. Iyong iba naman hindi mag eexpect dahil alam nila 'yong reyalidad ng sitwasyon. For me, I won't argue kung meron o wala, basta ang alam ko at naniniwala ako na hindi naman lahat ng happy ending dapat nagkakatuluyan. Maselang usapin ang bumubuo ng kwento mo but what I love about it is that sa part ni Jere hindi siya namimilit. Gusto lang niyang makita at maging bahagi ng mundo ni Gab and the same 'yong gusto niya para Kay Gab, iyong makita at maging bahagi ng mundo niya. Hindi niya ninais na maging mundo niya si Gab at lalong hindi niya hiniling na siya ang maging mundo ni Gab. It's just about acceptance and I hope Yong epilogue mo kung meron man o Yong last chapter mo ay maging isang reyalidad pa rin.

G. Areas to check/improve
- hirap tukuyin kung ano kasi parang wala yata.
- siguro just be consistent coz you're on the right track na. Ituloy mo lang 'yong nasimulan mo and surprise us.

Critic Note:
- Isang kwentong puno ng reyalidad kahit kathang isip lamang. Masaya akong mabasa ang kwento na ginawa mo. Sobrang nakakagaan ng feeling na may napupulot tayong salita ng Diyos sa isang kwentong mahirap panindigan dahil sa ito'y isang maselang usapin sa lipunan. Pero napanindigan mo at nagawa mong maganda at puno ng emosyon.

Aabangan ko talaga itong story mo.

Critique & Review ShopWhere stories live. Discover now