📝Wintercearig📝

150 14 17
                                    

Title: Wintercearig
Author: floopowder118
Parts: 20
Genre: General Fiction

Title: WintercearigAuthor: floopowder118Parts: 20Genre: General Fiction

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Warning: Please be open-minded)

A. Story Description
- Pagbasa ko sa story description mo, unang tanong na pumasok sa isip ko ay "first time ba niya sa mall?" and the next is "at what certain situation siya nilapitan ni girl?". Ang mga tanong na yan ang nagtulak sa akin na pumasok sa libro mo. Hindi siya bigay na bigay and you awaken the curiosity in me with the girl's question kung saan siya pwedeng bumili ng jeans. Hindi cliche na tanong kung saan mapapaisip ka kung bakit yon ang naging tanong niya kay guy. So thumbs up ako sa description mo. Idagdag pa yong prologue mo na ang galing pagkagawa.

B. Characters
- perfectly described mo sila na ang dali lang nilang ipicture out sa isip ko habang binabasa ko siya. It shows na kilalang-kilala mo yong characters na ginawa mo.

C. Setting
- klaro ang detalye at hindi nakakalito.

D. Plot and content
- gandang-ganda ako sa plot mo. Hindi siya Yong typical na story na magkakilala, naging magkaibigan tapos into a relationship agad. Gusto ko yong pagkalahad mo ng bawat pangyayari that leads to Florence trusting a guy again without forcing herself. Swabe ang flow ng kwento mo. Gusto ko yong pagka-light ng mood niya. Chill lang perk tumatatak Yong kwento mo dahil sa kalidad ng pagkagawa. Wala akong masabing kulang kasi kumpletos rekados na siya kahit di pa man tapos.

E. Conflict
- ang nakita Kong conflict ay dalawa klase palang so far. Person vs self and person vs person.
- Person vs self - consistent mo siyang napakita sa side ni Florence through her trust issues. Malinaw na inihahayag 'yon ng kanyang ugali of keeping herself in her comfort zone and that's mostly at home sa loob ng kwarto niya. Then yong hindi pa niya totally pagka move on sa past relationship niya.
- person vs person - first, yong impression and opinion ng ibang tao sa kanya dahil sa parang post niya ng kanyang opinion about a certain issue. Another is yong conflict between Florence at nanay ni Nicolai. Nailahad mo ng maayos at malinaw ang pinaghuhugotan ng emosyon ng bawat karakter na involve.

F. Resolution
- maganda ang pagkagawa mo sa resolution ng conflict na nabanggit KO sa taas. Naipakita mo yong tatag at paninindigan ni Florence when it comes to people's opinion sa kanya matapos yong post na ginawa niya dati about a certain issue. Another resolution na maganda ang pagkalahad mo at Yong sa trust issue niya. Hindi mo siya binigla. Ginawa mong dahan-dahan ang flow until naresolve siya. Inaabangan ko yong next chapter kasi so far yong last chapter ang nagpakita ng pinakamalaking conflict sa story. I want to see how will you resolve it to happy ending.

G. Areas to check/improve
- halos wala yata just re-read and check very tiny details.

Critic Note:
Consistent ka lang. Huwag ka lumihis sa goal ng story mo. Focus dahil ngayon pa lang alam kong magtatagumpay ka sa larangan ng pagsusulat dahil sa galing na meron ka. Tandaan mo lang na magaling ka at hindi yon makukuha ng iba sayo. Sayo yan kaya pagyamanin mo. Huwag mong madaliin ang sarili mo. Take your time to relax your mind.

We will be waiting for your next update kahit Hindi pa ngayon.

Critique & Review ShopWhere stories live. Discover now