Unknown

6 0 1
                                    


Buwan ng Oktubre, kung kailan ginaganap ang Halloween. Kung saan ang mga bata ay nakakostyum ng nakakatakot at kumakatok sa mga bahay-bahay at nanghihingi ng kendi. Mayroon isang bata na ang pangalan ay Zhyd. Hindi sya lumalabas ng kanyang bahay tuwing Halloween dahil ayaw niyang makisalamuha sa ibang mga bata. Nakilala ni Zhyd ang isang babae noong bagong lipat sila sa lugar ng Kemerut. Ang babae ay nagngangalang Aia. Nagpakilala kaagad si Zhyd at inaya nya si Aia para ipagdiwang ang Halloween. Simula noon, hindi na sya natatakot lumabas tuwing Halloween, sapagkat gusto na niyang ipagdiwang ito.

Tuwing nagkikita sina Aia at Zhyd, palagi silang magkasama at nag ti-trick or treat sa mga bahay-bahay. Ngunit kapag bibigyan na sila ng kendi, si Zhyd lamang ang nakaka- tanggap ng kendi. Nagtataka si Zhyd bat hindi nila binibigyan ng kendi si Aia. Kaya naman pagkatapos nilang mag trick or treat ay hinahatian na lamang ni Zhyd si Aia ng nakuha niyang mga kendi. Masayang masaya is Zhyd kapag kasama nya si Aia.

Ngunit isang araw, habang papauwi si Zhyd sa kanilang bahay. Nakita niya na may kinakausap ang kanyang magulang na doktor. Lumapit si Zhyd sa kanyang magulang at kinuha ang isang papel. Habang tumatakbo sya palayo sa kanyang magulang, nagulat at nagtaka si Zhyd sa kanyang nabasa. pagkatapos ay kinausap na sya ng mga magulang nya at sinabi sa kanya na wala naman daw siyang kaibigan na nagngangalang Aia. Hindi naniwala si Zhyd sa kanyang magulang dahil para sa kanya nakikita at nakakasama nya si Aia.

Bigla na lamang Tumakbo si Aia papunta sa kagutabatan, agad naman itong sinundan ni Zhyd. Nang maabutan ni Zhyd si Aia sila ay nag usap. Matapos ang kanilang pag- uusap ay agad na umalis at tumakbo si Aia. Nagdadalawang isip si Zhyd kung susundan niya si Aia o hindi, dahil may nakalagay na babala at delikado sa gubat na iyon. Kaya tumakbo na lamang si Zhyd papunta sa gubat, dahil sa kagustuhan niya na makasama si Aia. Nagkita sila sa gitna ng gubat, at kinain ang mga kendi na kanilang nakuha.

Sumapit na ang gabi at nag aalala na ang mga magulang ni Zhyd sa kanya. Dali-dali silang tumawag sa estasyon ng pulis at agad silang naghanap. Nang mapadpad sila sa kagubatan naglibot sila at mayroong nakitang balat ng kendi. At nakita nila si Zhyd na natutulog at may katabing naagnas na katawan. Napansin ng isang pulis na ang naagnas na katawan ay isa pala sa mga nawawalang batang babae na matagal ng hinahanap sa lugar ng kemerut.

Matapos ang insidente ay gumawa ng paraan ang mga magulang ni Zhyd upang makalimutan nito ang mga pangyayari, ngunit naging malungkutin na muli si Zhyd at lagi na lamang itong nag- iisa at hindi na siya muling nakisalamuha sa iba pang mga bata. Biglang nagising si Zhyd at nalaman niyang panaginip lamang pala ang lahat ng mga nangyari. Siya ay nagdasal dahil sa masamang panaginip na kanyang naranasan.

UnknownNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ