🌿Wonwoo's🌿
Review review ! Kailangan natin ito 😂 May quiz kasi kami sa social studies kaya ito ako ngayon nagsisipag. Magreview din naman na ako sa bahay ngunit wala lang, pabibo ako eh hahaha.
Lumingon ako sa bandang gawi ni mingyu at nandoon siya kila soonyoung. Nagtatanungan sila about sa quiz, nakakamiss naman pala.
Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at papunta dito. Napangiti naman ako ng wala sa oras ngunit napilatan din naman ito ng simangot dahil akala ko sa akin siya tatabi ngunit kila jisoo pala.
Haays.
"Ok class, keep your books, notebooks and your reviewers. Dapat ang makikita ko lang diyan ay ang 1/4 sheet paper niyo at ballpen" sabi ng aming guro "Yes po mam" sabay sabay naming sabi at tinago na nga ang mga hindi kailangan.
+ + +
Finally at lunch na, paunahan na lumabas ng room siyempre kasama ako doon.
"Hoy hinognog !" kuha ko sa atensyon ni mingyu. "Hindi na ako nognog ! Ang puti puti ko na nga eh !" sabi naman niya. "Yabang nito, baba ka pala ?" sabi ko ngunit hindi ko namalayan na wala na pala siya harap ko.
Masanay ka nalang wonwoo.
Pumunta muna ako sa comfort room para magbawas ng tubig at siyempre naghugas na din ng kamay.
Bumaba ako mag-isa para bumili ng aking lunch sa canteen. Habang pababa ako ng hagdan ay naaninag ko si mingyu kaya dali dali akong yumuko na tila bang hindi siya napapansin. "Wonwoo" rinig kong tawag nito pero dirediretso lang akong bumaba. Nang nakuha ko na ang lunch ko ay nakita ko sila hansol kaya sumabay na ako sa kanila.
"Ayos ka lang hyung ?" tanong sakin ni hansol. "Oo naman" sagot ko nalang. "Bakit hindi kayo magkasama ni mingyu hah ? Tampuhan nanaman kayo noh" sabi ni seungcheol hyung na nangaasar. "Hindi kami nagaway, walang tampuhan na nagaganap, napaka niyo hahaha" Sabay sabay nalang kami nagtawanan hanggang sa maabot namin ang 5th floor kung saan ang aming room ay naroroon.
Umupo ako sa aking upuan at sumulyap muna ako kay mingyu at masaya naman pala ito kasama ang mga bago niyang kaibigan.
Nagulat ako ng biglang may lumapit sakin "Uy nagiisa ka kumain diyan" sabi bigla ni jihoon na muntik na akong mabilaukan. "Ah wala 'to ano ka ba parang hindi naman ako magisa na laging kumakain hahaha" siyempre peke ang tawa na iyon. "Pwede ba kitang sabayan ?" pagaanyaya nito ngunit tumanggi ako at sinabi ko nalang ma samahan niya si seungcheol at pumayag din naman na ito at hindi nag pumilit.
Natapos na din ako kumain at pumunta nalang sa locker para kunin ang mga libro ko para sa susunod na subject ! Palapit na ako sa aming pintuan at nagulat ako dahil biglang bumukas ito, dahil nga ay nakatingin ako sa baba ay hindi ko napansin kung sino yun pero sa sapatos na aking nakita ay si mingyu iyon. Umupo nalang ulit ako sa akinh upuan at nag-earphones dahil matagal pa naman ang susunod na subject.
Biglang nag play ang 'Starting Over Again' para naman akong timang na napangiti at inalala ang mga pangyayari noon na nangyari din naman kanina ngunit ika nga ay nagbago na ang lahat.
+ + +
Flashback ✨
"Oy wonwoo !" tawag naman ni mingyu si atensyon ko. "Oh problema mo ?" tanong ko nalang at nakangiti. "Tanungin mo nga ako !" sabi ni mingyu at kita naman sa mukha tono na magmamayabang ito, ako'y napangiti nanaman. "Oh sige ba ! Hahaha"
Maya maya pa ay dumating na na si mam "Ok class keep your things and let's start na quiz" sabi ni mam. "Oh pano bayan nognog galingan nalang natin !" pangasar ko dito. "Aba gagalingan ko talaga ! Hahaha" sabi naman nito at nag-apir nalang kami ~
Nagquiz na kami at kinalaunan ay lunch na din namin.
"Woy besplen baba ka ?" tanong ni mingyu "Oo nogish, teka hintayin mo nalang muna ako" sabi ko nalang. Habang nagaayos ako ng bag ay naririnig kong may nagyaya sa kaniyang bumaba ngunit tumatanggi ito dahil nga ay kasama ako. Ikaw talaga nognog ko hahaha.
"Oh sige tara na !" anyaya ko dito "Lezz go" sabi nalang nito. Kami ay bumaba para bumili ng lunch. Habang paakyat na kami ay siya naman pagbaba nila jun, "Hindi talaga kayo makapaghihiwalay ano hahaha" sabi nito. "Eh siyempre bestfriend kami eh !" sabi ni mingyu at inakbayan ako. "Alam niyo kung hindi ko lang alam na nagbestfriend kayo ay aakalain kong magjowa kayo hahaha" sabi naman ni minghao. "Ulol tulad niyo kami sainyo hahaha" sabi ko nalang.
Kumawala ako sa pagkakaabay ni mingyu at nagpatuloy umakyat. Pumasok na kami sa room at kumain ng magkatabi't magkasabay.
Kwentuhan at tawanan ~
Dahil tapos nadin naman ako kumain ay pupunta na ako sa locker, ako'y tumayo sa aking kinauupan at lalabas na sana ng bigla akong pigilan ni mingyu. "Oh san ka pupunta ?" tanong nito. "Sa locker" sabi ko nalang."Hintayin mo ako saglit lang ayusin ko lang itong mga basura ko" sabi niya. Napangiti nalang ako bigla at binigyan ng thumbs up ito !
Sabay kaming lumabas at tinulungan niya ako sa mga libro ko. Kami ay pumasok muli sa aming klase at nagkwentuhan ulit. Naputol nalang ito ng biglang may kumatok sa aming pintuan hudyat na nandito na pala ang aming susunod na guro.
End of Flashback ✨
+ + +
Napaisip ako na hindi naman siya kagwapuhan noon at oo maitim siya at hindi maayos ang pangangatawan ngunit hindi naging hadlang iyon para hindi ko siya kaibiganin. Naging matalik kaming magkaibigan at wala talagang makakapaghiwalay samin ngunit simula nung nagtungtong kami ng Gr.10 ay siya naman itong pagbabago nito, gumwapo na siya, tumangkad lalo at higit sa lahat pumuti. Dahil nadin siguro na ganoon na siya ay ang daming ng kumakaladkad kay mingyu at ang dami nading nagkakagusto dito.
Hindi naman siya ganiyan dati ah, kahit nanan na kumakaladkad sa kaniya ay hindi siya pumapayag. Nakakasawa ba akong maging kaibigan ? Siguro nga ay oo. Pero hindi eh, kung tutuusin ay kaunti lang ang kaibigan nito at sinabihan ko na lamang siya makihalubilo sa iba at ito ako ngayon nagiisa samantalang siya kasama ang mga kaibigan niya.
Kasalanan ko nga naman siguro.
Sa pagkatok ng susunod namin na guro sa aking iniisip kanina ay siya din naman itong pagkatok ng aming susunod na guro sa kasalukuyan. Ako'y bumuntong hininga, pinunasan ang aking maya dahil medyo basa at bumulong nalang sa hangin ng . . .
'Sana bumalik tayo sa dati Mingyu'
BINABASA MO ANG
Change | Meanie
Fanfiction◾ONE SHOT STORY◾ 'Sana bumalik ka na sa dati Mingyu' -Jeon Wonwoo
