"Tapos nalungkot siya, naiyak ako kasi I could feel his pain. Mama I was too late, may boyfriend na siya. I really cried for him kasi ramdam ko yung sakit. Tapos one day busy ako tumawag siya, tawang demonyo kaya akala ko naka drugs. Tuwang tuwa siya kasi single na daw ulit yung crush niya"
"So I said kilalanin na niya. Ang sabi niya gusto niya daw bigyan ng time to move on yung crush niya. Ang dami niyang alam, nagduda narin ako kung babae ba talaga yung crush niya" sabi ni Eleanor kaya natawa ulit si Krizelle.
"Then lately, ilang months ago he called. Silent lang siya, he was crying. He didn't say a word at first then sabi niya wala na daw siya chance. I said don't say that but he insisted wala na daw. Its over daw. Hindi na daw pwede" sabi ni Eleanor.
"Bakit daw tita?" tanong ni Krizelle. "He didn't tell me, hindi ko na tinanong kasi alam ko he is in pain. Ganyan si Red, tahimik at umiiwas pag in pain siya. Kahit nung bata siya ganyan na yan" sabi ni Eleanor.
Ilang saglit nakarinig sila ng malakas na kalabog mula sa taas, "Ako na po" sabi ni Krizelle saka tumakbo paakyat. Napatigil siya sa hallway, tumatawa si Francis habang nakadapa sa ibabaw ni Red. "What are you two doing?" tanong ng dalaga.
"Dinadala ko siya sa banyo, aray ko...ang bigat mong bakulaw ka" sabi ni Red kaya lumuhod si Francis at tumawa parin. Tumayo si Red, "We are okay, piniggy back ko siya pero nadulas ako. Sige na dadalhin ko siya sa banyo" sabi ni Red.
"Bakit hindi ka ba makalakad?" tanong ni Krizelle. "Hindi" sagot ni Francis. "Hindi daw, papa baby tong kalabaw. Tara na" sabi ni Red kaya napangiti ang dalaga at labis na nabilib talaga sa samahan nung dalawa.
Piniggy back talaga ni Red si Francis, lumingon si Francis saka tinignan nobya niya at nagthumb up sign kaya inuga ng dalaga ulo niya saka bumalik na sa baba. "Are they okay?" tanong ni Faye. "Yes po tita, nagpapa baby si Francis masyado" sabi ni Krizelle.
"Ay naku ganyan talaga yang dalawa, daig pa nila ang magka relasyon" sabi ni Rodolfo. "Kadiri ka! Hindi ka naman baldado! Kadiri ka! Basta dito ako sa door mag aantay" sigaw ni Red. "We are eating down here" sigaw ni Cris. "Sorry tito but Francisco is making inarte" sumbong ni Red.
Isang oras lumipas bumaba si Red, "Thank you anak" lambing ni Faye. "Pinaliguan mo talaga siya?" tanong ni Krizelle. "Sponge bath lang, ang bigat ng kalabaw" sabi ni Red na mukhang nanghihina.
Nilapag ni Red yung pinagkainan nila, "Wow ubos" sabi ni Krizelle. "Tita hugasan ko later ha, pagod ako, rest ako saglit" sabi ni Red. "Ako na iho, sige na you go rest first" sabi ni Faye. "Okay na siya, he will take a nap, bagong bihis ulit" sabi ng binata.
Naupo si Red sa sofa, tumabi si Krizelle saka siya tinignan. "Ang bigat na niya, dati hindi naman" bulong ng binata. "Ang bait bait mo masyado" bulong ng dalaga saka hinaplos likod ng kamay ng binata kaya nilayo ni Red kamay niya.
Nakaidlip si Red, si Krizelle muntikan na pero nagising nang marinig phone ng binata na tumunog. Kinuha niya ito sa lamesa, nakita niya messages mula kay Francis kaya di niya alam gagawin niya. "Sino?" bulong ni Red. "Si Francis" sagot ng dalaga kaya inusli ng binata thumb niya, "Sagutin mo please" bulong niya kaya pagka unlock gamit ng thumb ni Red sinagot ng dalaga mga messages.
"Tulog siya, si Zelle to" sabi ng dalaga. "Uy sorry talaga ha, tulog siya talaga?" tanong ni Francis kaya nag video call yung dalaga. Dumikit siya kay Red para makita ni Francis. "Oh sorry, let him sleep" sabi ni Francis pabulong. "What do you need? Ako mag aakyat" sabi ni Krizelle.
"Wala, gusto ko lang siya kulitin" sabi ng binata. "Wag naman, ang bait bait niya sa iyo, look napagod siya" sabi ng dalaga. "I know, Zelle sorry ha, I really didn't want you to see me like this" sabi ng binata.
YOU ARE READING
RULE NUMBER FIVE
RomanceA story of true friendship. A story about heart aches. A story about finding love. And a story about waiting... - guaranteed daily updates - walang halong arte - pag post ng umaga yon na yon walang ek ek edits - pag sinimulan tatapusin. - walang ra...
Chapter 47: Rule Number Three
Start from the beginning
