Chapter 47: Rule Number Three
Nahihiya si Krizelle habang kaharap sa lamesa mga magulang nina Francis at Red. Biglang sumulpot yung binata, "Aysus, wag kang mahihiya kasi" sabi ni Red saka nilagyan ng kanin yung plato ng dalaga. "Enough Red" bulong ng dalaga pero lagay parin ng lagay ang binata.
"Ano gusto mo ulam?" lambing ni Red kaya nagtakip ng bibig ang dalaga saka nagturo. "Kumain ka lang kasi, doon ako sa taas at sasabayan ko kumain babes ko" sabi ni Red. "Is he eating?" tanong ni Cris.
"Tito, kakain at kakain yan. Ako bahala. Kukuha pa ako sabaw" sabi ni Red. Narinig nila sigaw ni Francis. "Sandali lang! Kabababad ko palang ng medyas ko sa hot water" sigaw ni Red kaya natawa si Krizelle. "Kumain ka lang ha, doon ako sa taas" sabi ni Red.
"What are you taking up?" tanong bigla ni Rodolfo. "Daddy wag mo takutin! Lambingin mo naman" sabi ni Red habang paakyat ng hagdanan. "Tito I am taking up Industrial Engineering po" sagot ni Krizelle. "Oh, magaling sa math" sabi ni Rodolfo.
"Rod nakakahiya ka, ngayon ko lang napansin butas yang sando mo" sabi ni Eleanor. "Binutas ni Redentor, ayaw na niya isuot ko ito pero sinuot ko parin. Pero yung favorite shorts ko hindi ko na masuot kasi ang dami na butas" sabi ni Rod kaya takip bibig si Krizelle.
"May pagkapilyo kasi si Red iha" sabi ni Eleanor. "Ganon din ginawa niya sa favorite shirt ni Francis. There was a time kasi yon nalang ang gusto isuot ni Francis, so nag away sila kasi pinagbubutas ni Red yung shirt lalo na sa nipple area" kwento ni Faye kaya two hands na nagtakip ng bibig ang dalaga.
"Kumain ka!!!" sigaw ni Red kaya napatigil silang lahat. "Kung hindi ka kakain babawiin ko yung robot mo" banta ni Red kaya bungisngis si Krizelle. "E wala nga ako gana e" sigaw ni Francis. "O tignan mo nakakasigaw ka na, nag iinarte ka lang! Kakain ka o hindi? Isisigaw ko yung isang sikreto mo, yung mga nakatago sa..." sabi ni Red.
"Hoy kakain na ako!" sigaw ni Francis kaya natawa ng malakas si Cris. "Yan ang maganda sa dalawa e, alam nila mga sikreto nila. Kaya pwede gamitin nung isa laban dun sa isa" sabi ni Rodolfo. "Rule number six" sabi ni Krizelle kaya lahat napatingin sa kanya.
"Oh so you know their rules?" tanong ni Faye. "Yes tita, actually me and Red have rules too pero so far there are only two" sabi ng dalaga. "Really?" tanong ni Rodolfo. "Yes tito because Red is my...bestfriend too" sabi ng dalaga pabulong.
"Hoy Zelle wag kang nag iimbento diyan ha, nakikinig ako dito" sigaw ni Red kaya natawa yung dalaga. "Is he eating?" tanong ni Cris pasigaw. "Yes tito, kain turtle pero papaubos ko lahat ito sa kanya" sagot ni Red.
"Kasi iha kung hindi mo lalabanan yung sakit e masasanay yung katawan. Kailangan mo labanan yung sakit" sabi ni Eleanor. "Kakaiba friendship nila, bilib na bilib ako sa closeness nila" sabi ni Krizelle.
"Sinabi ko nga kay Cris dati pag hindi nagka girlfriend mga yan ako na magpapadala sa kanila sa States para sila nalang ikasal" biro ni Rodolfo kaya ang tindi ng tawa ni Krizelle. "Daddy narinig ko yon!" sigaw ni Red. "E totoo naman, buti nalang nagkaroon ng girlfriend si Francis. Akala ko nga magkaka daughter na kami ng mama mo" banat ni Rodolfo.
"Tumigil ka nga Rodolfo, he was stalking a girl he likes" sabi ni Eleanor. "Sa coffee shop" sabi ni Krizelle. "Yes, do you know her?" tanong ni Eleanor. "No tita, ayaw niya sabihin sino yon" sabi ng dalaga.
"Naku text ng text yan sa akin noon, mama I saw a girl, I think I have a crush on her. Hala ang saya saya ko kasi hindi bakla anak ko" kwento ni Eleanor kaya si Krizelle halos masiraan ng bait. "I remember that, tinawagan mo pa ako para ikwento yan" sabi ni Rodolfo.
"Oo I was so happy, my son is opening up. Tapos nagtext ulit, mama lagi siya sa coffee shop. So you have to add to my allowance. Nagtalo kami, sabi ko kilalanin na niya. Ang lagi niyang sagot in due time" sabi ni Eleanor.
YOU ARE READING
RULE NUMBER FIVE
RomanceA story of true friendship. A story about heart aches. A story about finding love. And a story about waiting... - guaranteed daily updates - walang halong arte - pag post ng umaga yon na yon walang ek ek edits - pag sinimulan tatapusin. - walang ra...
