kanlungan

140 1 0
                                    



hindi ko na kailangan pang tingalain ang kalangita'y nasa aking harapan dahil mas higit itong malayo at sa isang haplos ng kamay ay humahalo itong tila puting pintura sa obrang kay hirap ipinta. marahil wala itong tiyak na kahulugan, o kung meron man ay hindi ito para sa akin. na ang bawat patak ng iyong luha ay parating hanggang rilim ko lamang at ang bawat nasilayang sinag ay mapagkunwari na ayaw akong lapnusin dahil takot itong ako'y lisanin o sa huli'y ako na ang lumisan, 'wag naman sana dahil gaano man ito kalayo ay aabutin ko ang mga kamay mong ako ang kalinga kahit pa pag-ibig ko'y hanggang kanlungan mo lang pansamantala.

kanlungan (tula)Where stories live. Discover now